Tulala akong nakabalik sa classroom at siya namang bumungad ang bulungan ng mga hinayupak at may panghuhusgang mga tingin. 

I raised my eyebrow. 

Akala mo namang ikinaganda nila ang pagtsi-tsismis ng kung anu-ano. Nagmumukha lamang silang mga tanga. 

Pag-upo ko, balak ko sanang kausapin si Jahm nang mapansin kong nakakunot ang kaniyang noo habang nakatutok ang kaniyang paningin sa cellphone. 

“Walang hiya,” dinig kong bulong niya. “Itong matanda na 'to. Talagang ginagalit ako!” 

Mariin siyang napairap at isinandal ang sarili sa backrest ng upuan. 

“Anong problema?” hindi ko na matiis na hindi magtanong. 

“Si Lola!” inis niyang sagot. “Pinagbibintangan akong kumuha ng pera sa wallet. Takte! Eh, hindi nga ako pumapasok sa kwarto n'ya sa tuwing uuwi ako ng bahay!” 

Dagliang nanggilid ang mga luha niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at napatakip sa kaniyang mukha. 

“Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako napagbintangan ng ganito na hindi ko naman ginawa,” garalgal niyang ani. “Ano naman ang gagawin ko sa pera niya, huh? Mukha ba akong gipit na gipit para pagbintangan niya? Putcha!” 

Nagbaba ako ng tingin. Balak ko sanang mag-open ng mga problema ko sa kaniya ngayon pero mukhang wrong timing. 

Pinoproblema niya rin pala ang lola niyang halos isumpa siya. Pumihit ako ng malalim na paghinga at bumaling ng tingin kay Jorja, nakasuot siya ng earphones at nanonood ng vlogs. 

Gusto ko sanang kausapin siya pero naalala kong may sasalihan siyang pageant at ayokong dumagdag pa sa iisipin niya. 

Napatingin ako sa bintana. Hindi ko alam kung paano ko maiiwasang isipin ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Napakabilis ng mga pangyayari at hanggang ngayon, hindi pa rin ito tinatanggap ng aking isipan.

Parang nasa panaginip lang ako, naglalakbay, lumutang ang katawan at hindi malaman kung totoo nga bang nangyayari ang mga ito. 

Ito na naman ang pakiramdam na nag-iisa. Muli ko na naman pala itong mararamdaman matapos ang anim na taon. Akala ko, hindi na muli itong mauulit. Akala ko, hindi ko na ulit ito mararamdaman. 

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong nagsisitayuan ang mga nasa paligid ko. Napakunot ang noo ko at napatingin kay Jahm na ngayon ay inaayos ang gamit niya. 

“Anong meron?” tanong ko. “Bakit nagsisilabasan sila?” 

“Hindi ka nakinig, 'no?”

Umiling ako. “Bakit? May ano?”

“Luka ka talaga! Ang sabi ngayon na tayo mag-o-organize ng exhibit club!”

I gasped. “Ngayon na?!” 

“Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo kaninang umaga?”

“Hala! Anong oras ang uwian natin?”

“Extended ng two hours. Baka 5pm na tayo makauwi.”

Inis akong tumayo sa aking kinauupuan. Putcha! Nag-extend pa ang kingina. Padabog kong kinuha ang gamit ko at sumunod na kay Jahm nang lumabas ito. 

Paano na 'yung bago kong trabaho? Six hours pa naman ang kailangan ko.

Anak talaga ng tokwa! 

Habang naglalakad kami papunta sa area ng arts club, kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinext si Asher.

Ako:
Asher, 5pm pa matatapos ang klase ko. Paano ako makaka-six hours sa Patisserie Boulangerie? 

Wala pang isang minuto nagreply na ito kaagad. Mabuti naman at active 'tong ka-text! 

MADNESS IN LIFETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang