Chapter 39

4.6K 102 16
                                    

DANIEL POV


"Sorry" Kauna-unahang salita na binigkas ni Hannah. Sorry.. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, bakit siya nahingi ng sorry?

"Sorry talaga.. Patawadin mo ako Daniella..." paulit ulit niyang sinasabi. Nakita ko ding may pumatak na luha galing sa kanyang mga mata. Gusto kong punasan ang mga luha niya, ako ang bestfriend niya pero kahit minsan, di ko siya naintindihan.

"Para saan? Para saan ba Hannah? Dahil ba fake lang ang relasyon niyo ni Ice?" Prangka kong sinabi sa kanya. Halatang hindi siya nagulat sa sinabi ko. Mukhang alam niya na alam ko ang sikreto niya, pero bakit siya nag so-sorry?

"Daniella, sana mapatawad mo ako, napakasama kong kaibigan, kung.. kung hindi lang ako naging mang aagaw.. sana.. sana masaya kayo ngayon" Mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.

Eh ano naman kung fake ang relasyon nila ni Ice? Wala naman akong kinalaman doon? At tsaka bakit siya humihingi ng tawad? Wala naman siyang ginawang masama ah. Inagaw niya sakin si Ice? Bakit? Hindi naman naging akin si Ice.

"Hannah, nahihirapan akong intindihin mga sinasabi mo.. pwede ba diretsuhin mo ako?" Bestfriend ko si Hannah. Pero nagagalit na ako sa kanya ngayon. Ano bang pinalalabas niya? Ang gulo niya.

"Daniella... patawadin mo ako.. mang aagaw ako.. inagaw ko siya... inagaw ko si Ice" O___O

"H-Ha?" halos mapiyok ako. Inagaw niya si Ice? Kanino? Sa akin ba? Bakit? Paano? Ako? Bakit ako? Hindi naman kami ni Ice... Hindi...

"Daniella, ako ang may kasalanan.. nag makaawa ako kay Ice.. pinilit kong mahalin niya ako, kahit alam kong hindi na.. ang tanga ko kasi.. kung hindi sana ako umalis, sana ako pa rin ang mahal niya, sana ako pa din ang iniisip niya, sana ako pa din.. pero hindi na eh.. ikaw na" Umiiyak si Hannah ng sinabi niya mga yon.

At hindi ko din mapigilang pumatak ang mga luha ko.

AKO?

AKO DAW?

"Sinabi ko to sayo dahil nakokonsensya na ako, hindi masabi ni Ice ang tunay niyang nararamdaman sa babaeng mahal niya dahil sa akin, dahil kailangan ko siya, ayoko ng ganun Daniella, ayokong napipilitan siya.. Ikaw yung kailangan niya eh... Ano ba naman to.. Hindi ko to dapat sabihin sayo eh.. Magagalit siya sa akin.. Pero ayokong pati siya nahihirapan.. Mahal ko siya.. pero mahal ka niya" Parang tumigil ang mundo ko. 

Hindi ako makahinga.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko.

Gusto kong marinig ulit ang mga sinabi niya. 

"Da-Daniella.. okay ka lang?" winagayway niya ang kamay niya sa harap ko dahil sa napatulala ako at nablangko ang isipan ko.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now