Chapter 48

4.4K 86 5
                                    

Daniel POV

Tumingin ako sa salamin. Birthday daw nung Alodia -.- Ewan ko kung sino yon pero sa bahay nina Ice gaganapin kaya iniimbitahan niya ako. 7:30 pm ang simula, at 6:00 pm na ngayon pero wala pa din akong ayos sa sarili ko!WAAAAAH!! What should I do? T_T

“Hey” Tumingin ako kung sino yung basta bastang pumasok sa kwarto ko. Si Sae Elizabeth Chua pala.

“Oh napadaan ka? Asan si Dars?” tanong ko. Tumingin ulit ako sa salamin. GASH! Wala pa akong napipili. Anong gagawin ko? T_T Help me, oh Lord!

“Eeeh, hindi naman siya pinunta ko dito, ang bad mo ha Daniel, pinapunta ako dito ni Ice para ayusan ka daw at baka…”tiningnan niya ako sabay sabing “you get the point” tapos ngumiti siya.

Mabilis pa sa alas kwatro na niyakap ko siya. SHE’S MY SAVIOUR!

“Waaah!Thank you talaga Sae, kanina pa talaga ako naguguluhan sa gagawin ko, andun kasi family ni Ice, syempre makikita nila ako, paano kung panget yung ayos ko sa sarili ko, diba nakakahiya? Di ba? Tsaka ang hirap mamili ng susuotin ko, feeling ko hindi bagay sa akin tong mga dress ko, kasi formal party yun di ba? Anong gagawin ko Sae? Ha? Sae?” Natatawa siya sakin at may pahampas hampas pa sa likod ko. =.= Anak ka ng tupa, pagtawanan ba naman daw ako?

“Kalma lang Daniella, hindi ka pupunta ng gyera, formal party lang, tsaka wag ka nga, andun naman kami, it’s Alodia’s birthday syempre imbitado dapat lahat kami” Pina upo niya ako sa harap ng salamin at nilatag niya ang daan daan niyang mga make up! Ang kukulay! WAAAAH *u* Parang Ube, feeling ko kung pagkain lang ang mga make up, I’m sure masasarap to. XD

“Eh sino ba si Alodia? At kina Ice pang bahay ang party na yon? Sus, pinsan ba yon ni Ice?” Sinisimulan niya na akong make up-an. Grabe =.= Wala akong maintindihan sa mga pinag gagawa niya sa mukha ko. Siguraduhin niya maganda ako pagkatapos nito, kundi nakuuu! Sasapukin ko si Dars ng todong todo! Argh!

Natahimik bigla ang paligid. Tumingin ako kay Sae.

“Hindi mo kilala si Alodia? Hindi pa ba nasasabi sayo ni Ice?” nung oras na yon, natakot ako. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko, masasaktan ako.

“Oy! Wag ka ngang magdrama diyan, anong akala mo? Fiancee siya ni Ice? Shunga ka ba? Palibhasa nahihilig ka sa pagbabasa sa Wattpad eh! Ayan may wattpad syndrome ka na! HAHAHAHAAH” lukang to, pagtawanan ba naman daw ako? =.= Well, may point siya, yun kasi ang unang sumagi sa isip ko. Hehe

Nilalagayan niya na ako ng lipstick. Tapos sisimulan niya nang ayusin ang NAPAKAGANDA kong buhok =.= Note the sarcasm.

“Ano ba naming buhok to! Buhok pa ba to ng tao?! HA? DANIELLA?!!!” Sabi na nga ba at magrereklamo to eh. =.= Eh kasi naman po, minsan lang magsuklay aketch. Ayan tuloy xD

“Aray naman Sae! Kakalbuhin mo ba ako? Dahan dahan naman” Hawak hawak ko yung buhok ko na balak hugutin ni Sae sa ulo ko! UGH!!!!

“Oo na, aayusin na, lintek na buhok mong yan, juskopo, oh eto patapos na ako, ipupuyod ko lang tong gilid ng buhok mo, buti na lang pala medyo curly tong hair mo, waaaah! Bagay na bagay sayo Daniella!” talagang tuwang tuwa siya sa buhok ko noh? -.- Psh.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now