Chapter 15

6.8K 108 1
                                    

JANINE POV


Andito ako sa may second floor ng building namin. Vacant na kasi, pero may ginagawa pa si Sae. Pssh. Inaatupag kasi si Dars kaya hindi nakatapos ng assignment.

Napansin ko naman na may pinagkakaguluhan sa baba,madaming babae ang nakapalibot sa isang lalaking nakashade at jacket na black. Tingkad na tingkad ng araw, naka jacket siya, baka siya si Edward Cullen?! 

Aish. Amfufu naman oh! Ang lalandi kasi nung mga babaeng nandun na pinapalibutan yung guy. Pumunta kaya ako dun? Sigurado gwapo yung lalaking yun kaya siya pinalilibutan! Hihi. May plano ako.

Bababa na sana ako ng makasalubong ko si Hannah na may dala dalang box, na halatang mabigat.

"Oh Hans, ano yang dala mo?"

"Mg files kasi tungkol dun sa models kahapon, tapos yung mga pictures sa photography at tsaka yung mga fashion statement na kinuha ko kanina, nagkaroon kasi ng mini fashion show sa auditorium, kaya eto, aayusin ko silang lahat" =____= Grabe, halatang halata na ang sipag niya.

"FASHION SHOW?! Wag mong sabihin na ikaw yung naka-kuha nung first award para makapag-fashion show?"

"Oo ganun na nga.."

"Yung sa models? Bakit ikaw naghahandle?"

"Kasi..ano..uhmm.." alam ko na ang ibig sabihin nito. Grabe ang babaeng to, maluluka ako sa sobrang talent sa katawan!

"Grabe Hans, parang nung isang araw lang, ikaw yung naging captain ng cheerleadingsquad, tapos ikaw na naman ang nakuhang top model? At yang photography?! First ka na naman! Hanga na talaga ako sayo"

"Ikaw naman Jans, thanks sa compliment"

@____@ Grabe selos na selos ako sa kanya. Ganda talaga ng babaeng to!

"Ay sige Jans ha? Madami pa akong gagawin, aayusin ko pa mga to, kita na lang tayo mamayang uwian.. " Tapos nag smile siya. Kung lalaki lang ako, naligawan ko na to. Baka nga na-obsessed ako sa sobrang kagandahan at kabaitan ni Hannah.

"Ah sige, bye! Mag papacute pa ako!" Ay anu ba yan, nasabi ko yung gagawin ko. Aish!

"Ha?!" Nagulat naman siya. Parang di na nasanay.

"I mean titingnan ko kung gagana pa alindog ko! Bwahahahahahah"

"Ikaw talaga, hahahaha sige na, baka hindi mo pa maabutan yung lalaking yun"tapos nag wave na siya ng goodbye.

Oh? Naniwala naman kayo! Joke lang yung kanina na magpapacute ako! As if.. Medyo lumapit ako dun sa nagkukumpulan dun, yung lalaki hirap na hirap itaboy yung mga girls na nakapaligid sa kanya. 

A Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon