Chapter 22

5.1K 110 12
                                    

DANIEL POV


Maaga akong gumising para pumasok sa school. Tumingin muna ako sa salamin at saka ngumiti.

"Tanga" yun lang ang nasabi ko sa sarili ko. Inayos ko ng konti ang buhok ko, at saka ako naghilamos. Naligo na ako at nagbihis para pumasok sa school.

Tumingin ulit ako sa salamin na nasa cabinet ko, "Ikaw Daniel, ano yon? Katangahan lang? ANO?" Nalulungkot ako na ewan. Kagabi? Walang magandang nangyari. Isa lang namang katangahan ang nagawa ko. Ano ba yung iniisip ko? Bakit ganun na lang ako kay Ice?

Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta kaagad sa kusina, nakita ko si Raj at Dars na nag bebreakfast na.

"Yo boss, hows your date kagabi?" Hindi ko na lang pinansin si Dars, umupo ako at nagsimulang kumain.

"Woahh. Ang suplada ni boss ngayon ah" Raj

Wala ako sa mood.Ewan pero parang nasasaktan ako, parang may kumukurot na dito sa puso ko, kagabi naman masaya ako di ba? Masaya ako kasi nag enjoy ako.. Masaya ako kasi.. 

Napalingon ako sa kanya, kay Ice. Umupo siya sa tapat ko at tahimik na kumain. Tumingin ako sa kanya pero hindi siya tumitingin sa akin.

"Grabe.. anong meron at ang tahimik niyo?" Sabay kaming nagtinginan kay Keith na pababa pa lang ng hagdan.

"May dumaang anghel, makigaya ka na lang" Dars

Tumayo na ako at umalis na din kaagad. Ayoko dun, ang tahimik. Naglakad ako papasok sa school, syempre gawin di ba? 

"Search for Love" Nakasulat sa isang poster na nakadikit sa pader. Tss. Ano bang meron ngayon miss Author? Bakit ganito ang update mo? Bakit madrama ako? BAKIT?!!!

Pagkapasok ko sa school. umob-ob kaagad ako sa lamesa, konti pa lang kami, maaga pa kasi. 

After 30 minutes~

Nakakarinig na ako ng ingay, dahan dahan kong iniangat ang ulo ko, nandito na pala silang lahat, pati si Ice. 

"Class! Listen, now this is the list of our basketball players who were chosen by the basketball council, listen up!"

Tumahimik ang lahat at napatingin kay prof. Inaabangan talaga nila kung sino ang isasali sa basketball para lumaban sa ibang school.

"On the top, Ice Ezekiel Ravena, and the others were: Lance Fuentabella, Raijeen Paul Mariano, Lou Perez, and Mike Choi, job well done guys, especially to you Mr. Ravena, so, again I have a good news"

"Aish! Di ako kasama!" pagrereklamo ni Kyohei.

"Listen up guys, this is the other good news, Ms. Lee you were chosen to be a member of the cheering squad, and for that, I'll dismiss the class earlier!"  Halos lahat ay nagtatalon sa tuwa. Ako lang at si Ice ang hindi.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now