Chapter 4

8.2K 134 6
                                    

DANIEL's POV


Linggo na naman =___= 

Nandito lang ako sa bahay at nanunuod ng t.v, mga nasa galaan yung iba kaya si Ice, Raj at ako lang ang nandito.

Nakapunta na nga pala ako ng hospital  pero normal naman daw ang puso ko, wala naman daw butos or kung anu mang iniisip ko. Tss.

Nakapatong ang pareho kong paa sa lamesa habang may hawak akong popcorn dahil nanunuod ako ng t.v at katabi ko si Raj, si Ice naman andun sa kabilang room, yung pangalawang living room namin. Yaman namin noh?

"Boss lipat mo nga yan, panget e" sira ulong to napaka choosy sa palabas =____=

"Ayoko" 

"Bilis na Boss!"medyo tumaas yung boses niya

"Ang kulit mo ha!! Ayoko sabi e!" pagmamatigas ko.

Lumapit siya sa akin at pinilit agawin ang remote. Gusto pa ata nito ng away . Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at pinagdikit niya tapos lumapit siya.. palapit... the distance between us are decreasing..nang biglang ..

*POK*


"ARAYYYYYYYYYYY!!!" napasigaw sa sakit sa ulo si Raj. May tumama sa ulo niya at nung tiningnan ko, isang libro. Tiningnan ko si Ice na nakatayo sa may tabi namin at pinulot ang libro.

"Duling ka ba Ice?! Bakit mo ako binato?!" halos mapiyok na si Raj sa pag sigaw habang si Ice ay nakatingin lang at pinagpag ang libro niya.

=______= Jusko po.

Umupo siya sa tabi ni Raj so ganito ang pwesto namin:

AKO/.unan/.Raj/.Ice

Nilipat ko ang channel sa news, at dahil dun napilitan si Raj na magbasa na lang din ng libro. Makalipas ang ilang minuto, parang kiti kiti, ilang beses akong kinukulit ni Raj. Kesyo ang ganda daw ng binabasa niya, kesyo ampangit daw ng taste ko sa palabas.

Isang pang aasar na lang niya at masasapak ko na to. Ubos na yung popcorn -____-

"Raj, kuha mo akong popcorn" pero walang response.

"Raj!"wala pa ding response. Hanggang itinulak ko siya ng malakas, at naging bata batuta kami na nagututulakan, samantalang yung isa hindi marunong makisali.

"Tss"sabay kaming napatingin sa epal na yun.

 "Problema mo Ice?"nang aasar pa si Raj. Baka masapak pa to ni Ice.

"Ice, gusto mong sumali noh? Kaso nahihiya ka lang sa amin! Bwahahah!" at sa ka engotan ni Raj tinulak din niya si Ice. 

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now