Special Chapter: The Lost Years

3.3K 64 25
                                    

Hannah's POV

"Hi Dara" pang ilang beses ko na ba tong bisita this month? After 6 months nang makaalis si Daniella, lagi ko nang pinupuntahan si Ice.

"I'll be warning you Hannah, hindi maganda ang lagay niya ngayon." Tuwing binibisita ko si Ice, hayan naman lagi ang sinasabi niya. Walang pagbabago.

"Hanggang ngayon? Wala ka na bang ibabalita tungkol sa kanya bukod sa hindi maganda ang lagay niya?" hindi naman ako galit, nasasaktan lang talaga ako kasi hanggang ngayon walang nangyayari kay Ice, he's still in that state.

"I'm sorry Hannah, I know this is tough especially for you" she said.

Umiling ako. Hindi na ako nagsalita at naglakad na papunta sa meeting room. Hindi ko maaaring bisitahin si Ice sa mismong room niya dahil strictly prohibited iyon. Ang pasyente nila ay maaari lang makita sa meeting room.

"I'll be outside if you need anything" Dara said bago ako pumasok sa loob, nginitian ko muna siya.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

At nakita ko siya.

Ice Ezekiel Ravena.

Nakaupo sa sulok ng kwarto, nakatingin sa kawalan. His hands were bandaged at mukhang bagong lagay pa lang non.

Hindi kaagad ako lumapit sa kanya. Nakatayo lang ako malapit sa pinto. I didn't even dare to speak nor to take a step towards him. Because I can't. Because this...this is so heartbreaking.

Gusto ko siyang yakapin, gusto kong makita ang dating Ice, ang dating lalaking minahal ko. Gusto ko siyang sampalin at sigawan.

IBALIK MO SI ICE SA AKIN!!! PARANG AWA MO NA IBALIK MO ANG DATING ICE!!!

Pero hindi ko magawa.

Kasi hindi ako si Daniella. Hindi ako ang babaeng hinahanap hanap niya, hindi ako ang babaeng gusto niyang makita. Hindi kasi ako yon.

Pero sana...ako na lang. Ako naman talaga dapat. Di ba? Ako naman talaga ang dapat niyang mamahalin? Ako naman kasi.

Nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Ice at tiningnan niya ako. His eyes, so dull and lifeless. Buhay pa ba siya? Para kasing wala na siya. He has a dead soul inside a living person.

He's still staring directly at my eyes.

"I-Ice?" I murmured. Nangangatal ang mga kamay ko. I am so nervous and my heart's beating so irrational. Parang mamamatay ata ako sa kaba.

He took a few steps and stand in front of me only a ruler apart. He's still looking at me.

Ngumiti ako.

And that's a wrong move.

***

"I'm sorry. I shouldn't allowed you to visit him. Alam kong hindi pa rin maganda ang kalagayan niya and he's at his worst stage" saad ni Dara.

She's currently putting some ice at my bruised cheeks. Dinampian din niya ito ng ilang mga gamot then she put a bandage with soft cotton in it para mawala yung pagka sore.

"Does it hurt?" tanong niya.

Hindi ako makasagot. Kasi ang totoo, mas masakit isipin na sinampal ako ni Ice.

Yeah, he slapped me.

***

~1 hour ago~

Ngumiti ako.

But he didn't smiled back. Instead, he slapped me, hard. Napahawak ako sa pisngi ko. Biglang pumasok si Dara at dalawang lalaking nurse dahil alam kong nakita nila ang pangyayari.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now