Chapter 12

5.9K 107 5
                                    

Magkatabi pa rin kami ni Jake sa may tabing-dagat. Walang umi-imik, at nararamdaman ko na rin ang simoy ng hangin.

"Nagka gf ka na ba Jake?"wala na cu-curious lang ako

"Oo, pero matagal na niya akong iniwan" wow andrama pala ng buhay niya.

Shet, anlameeeg >___<

"Okay ka lang Daniel?" tanong niya saka hinawakan ang shoulders ko. 

"Its cold, balik na ako sa kwarto" tumayo ako at pinagpag ang buhangin sa may short ko. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa kanya. "Ikaw Jake? Hindi ka pa ba sasabay sakin pabalik?"



Ngumiti muna siya bago sumagot. "Mag e-emo pa ako dito sa pang bu-busted mo sa akin, sige mauna ka na.. ingat ka na lang" at binalik niya ang tingin sa dagat.

Huminga ako ng malalim. Nasaktan ko ang isang tao ngayong birthday ko. Naglakad na ako palayo sa kanya, pero bago ako maka alis, tumingin muli ako kay Jake na nakatingin sa may dagat.

Hindi naman kalayuan yung bahay na ni-rent namin dito. Konting lakad lang. Nung nasa may ikalawang kanto ako, may tatlong lalaki ang biglang humarang sa akin.

"Marjorie Daniella Lee"isang matangkad na lalaki na may baseball bat na hawak.

"Sino kayo? Bakit niyo ako kilala?" 

Lahat sila napangiti lang at hinahampas hampas ng mahina ang mga kamay nila.

"Kami lang naman ang grupong nakalaban ng Black Seven nung isang buwan, at dahil sa inyo nasira ang grupo namin" mahahalata mo sa lalaking to na malaki ang galit sa B7.

Tumakbo kaya ako? >__> Pero baka runners sila? Tss. 

"Oh? Anong gagawin ko?"

"Aba, matapang kang babae ka.." nakatingin pa rin sila. Teka? Kelan pa ako naging artista? =___=

"Wala kayong mapapala sakin" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun, nakaramdam ako ng pagkatusok sa aking tiyan. Tiningnan ko ito at nakita ang kutsilyo, mga dugo.. dugo..

"Yan ang ganti namin sa ginawa ng mga ka-gang mo! tara na, baka may makakita pa sa atin" at sabay sabay silang nagtakbuhan paalis.

Hinawakan ko yung kutsilyo at dahan dahan kong hinigit paalis. Ramdam na ramdam ko ang sakit at nakikita ko ang madaming dugo na nawawa sa akin.

SH*T ang sakit talaga.

Nang matanggal ko ito, it turns all black.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now