Chapter 53 (Secrets Revealed Part 2)

4.3K 91 0
                                    

Hannah POV

"Daniella" ang bukod tanging nasabi ko sa isang oras naming pag upo sa hospital room ni Ace. Nakaupo si Ace sa kama niya while Daniella is sitting beside him. Si Ice naman ay nakasandal sa may wall near the glass window. 

"I really wanted to tell you everything, kahit sayo Ace... I'm sorry, God knows how much sorry I am, wala akong kwentang bestfriend I know" I didn't meet their eyes, tumungo na lang ako. Hindi ko sila kayang tingnan, natatakot ako. Natatakot ako sa mga reaksiyon nila, sa sasabihin nila.

"I heard you say na nagka relasyon kayo ni Ice behind Jake? Why did you do it? Bakit mo kailangang lokohin si Jake?" halatang galit siya, but I can't blame her, she has the right to be mad or angry at me and Ice.

"I loved Jake, pero nung makilala ko si Ice, siya na yung minahal ko, hindi ko magawang iwan si Jake because he loves me so much that's why I kept my relationship with Ice... and I didn't know that he wants something from me" Eto na, sasabihin ko na ang lahat. No more secrets to hide. 

"Ice asked for me to pretend someone I'm not, to pretend to be Ella, gusto niyang ako ang mahalin ni Ace, hindi ikaw" Pinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko na talagang lumabas sa kwartong to, ayoko na.

"You did it for Ice? Ganun pala ang pagmamahal mo Hannah, ang manloko, so hindi mo din minahal si Ace? Talagang si Ice lang? Ikaw pa man din ang bestfriend ko, ikaw!" Umiiyak na si Daniella, hindi ko man makita pero alam kong umiiyak na siya.

Ang sakit sakit malaman na kaya nasasaktan ang bestfriend mo ay dahil sayo.

"Ang kapal ng mukha mo Hannah" mahina pero rinig kong sinabi ni Daniella.

"I'm sorry... I'm sorry Daniella, mahal ko talaga si Ice kaya ko nagawa yon, hindi ko kayang mawala siya kaya nagpanggap ako kay Ace, I'm sorry too Ace, I'm sorry kasi niloko kita, kahit alam kong matagal na yong nangyari... I'm sorry" Lumuhod ako sa harap niya to show how sorry I am.

"Stand up Hannah, you don't have to kneel, pinatawad na kita dati pa and you know it" sabi ni Ace sabay hawak sa balikat ko.

Pumatak nang pumatak ang mga luha ko. 

"No, I deserve this, I deserve everything, hate me, throw things at me, matatanggap ko yun, kasi tanga ako, tanga ako dahil masyado kong minahal si Ice... and I'm really stupid because if there would be a chance to get back to the past... I won't change anything, gagawin at gagawin ko ulit yon for Ice.. that's how much I love him.. I'm sorry Daniella, Ace.. I'm sorry"

Tumayo na ako. Lumapit sa akin si Daniella.

*PAK*

Isang malakas na sampal ang binigay ni Daniella. Tumungo na lang ako at hinawakan ang parte ng pisngi ko na sinampal niya.

"Kulang pa yan Hannah, kulang pa yan kasi..." pinunasan niya ang mga mata niya. "sobra akong nasasaktan sa ginawa mo, ang sakit sakit na niloko ako ng sarili kong bestfriend at alam mo ba kung ano pa ang mas masakit? Ang malaman na ibibigay mo ang buhay mo kay Ice, para lang kay Ice" 

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now