Chapter 40

5.2K 95 3
                                    

DANIEL POV


O____O BUHAY PA SIYA?!! Teka.. mabuti nga yun eh pero ibig sabihin?!!

"NILOKO NIYO AKO?!!" Napatayo talaga ako sa sobrang gulat at inis! Kase naman nagdrama drama ka ako. KAHIYA KA DANIELLA!!! Ugh!

"Si Lance ang sisihin mo, di naman kasama sa plano na sabihing patay na ako" kahit nakikita ko sa mukha niyang naka straight face pa rin siya, halata namang kumikinang ang mga mata niya. TAKTE!!! Bumibilis tibok ng puso ko!! >///<

Napatingin ako sa kanya.. PAKINSYET! Nahuli niya akong nakatingin.AAAHHH!

"So, mahal pala natin ang isa't isa?" Di pa rin nawawala ang kayabangan niya. Halatang proud na proud at confident siya sa mga sinabi niya =__= Of course, ano pa nga ba ang aasahan ko kay Ice, ganyan naman ugali niya.

"teka teka, bakit ka nga pala andito sa hospital? Tsaka may pabenda benda ka pang nalalaman,props lang yan noh? Grabe ka sobrang effort ah, dapat naglagay ka ng dugo sa gilid ng tiyan para magmukhang totoo" pang aasar ko sa kanya. Pero sa halip na mainis nakita ko siyang ngumisi sa akin.

"Pero nag work naman di ba? At isa pa, di to props..." biglang naputol ang pagsasalita niya.  Di props? Ibig sabihin.. NAAKSIDENTE TALAGA SIYA?!! Lumapit ako sa kanya at tiningnan ko katawan niya, bukod sa YUMMY.. ay mali! Ano ba, kase naman wala siya suot pang itaas naka bandage lang buong katawan niya. Sugat sugat siya!!

"A-anong nangyari sayo?" Hawak hawak ko ang braso niya at tiningnan ko mga sugat niya. 

"Nahulog ako" Napatingin ako sa kanya. He gently caressed my face and  show me his angelic smile. Yun ang matagal ko nang hinihintay, ang ngumiti siya sa akin. Yung ako talaga ang dahilan ng mga ngiti niya. Hindi ko mapigilang mapangiti din.

Mas lumapit ang mukha niya sa mukha ko. At mas bumilis ang tibok ng puso ko, di ko alam kung anong gagawin, parang ang sarap ng feeling na nakakakaba. Grabe. Mas lumalapit na siya sakin.

"I-ice? Ah... di ka pa nagpapaliwanag sakin.. y-yung lahat lahat" Pinilit kong pigilan kung ano man ang meron sa SWEET na atmosphere namin pero ang tibay ah, di mawala wala ang SWEET ATMOSPHERE. Kulang ako sa powers.

"Di mo ba ako tatanungin kung bakit ang dami kong sugat?" Dahil ang lapit lapit ng mukha ko sa mukha niya, kitang kita ko na nagsad face siya.OHMAYGAHD! Parang nagpapacute siya sakin!!! LOL. Nag sad face lang si Ice, nagpapacute na kaagad sakin? Assuming ako noh? Hehe.

"Oh? Sabi mo nahulog ka? Wag mong sabihin na sa kanal, di ka naman ganung katanga"pang aasar ko ulit. Pero if ever na nahulog nga siya sa kanal, takte. TATAWANAN KO TALAGA SIYA!! Iniisip ko pa lang natatawa na ako. HAHAHHAHHAHHA! Ang sama ko talaga XDD

"Sayo" Napatigil ako sa pag iisip ng kung ano ano. Nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Ice. 

*gulp* 

Err. Nu nga ba sinabi niya?

A Gangster Love StoryМесто, где живут истории. Откройте их для себя