Chapter 10

6.3K 118 6
                                    

DANIEL POV


Grabe nakakainis. >___< Andito kami ngayon sa condo ni Hannah, kakatapos lang niya magpa bless kaya kainan na. Pero, iba inaatupag niya! Yung Hinayup*k na Ice na yun!

Nandito si Sae at Dars, magkatabi sila at parang may sariling mundo =___= Ganyanan na pala. Tapos si Janine, isa pa to, text lang ng text, walang katapusan. Tapos, above all, si Hannah na katabi si Ice, at nagkukwentuhan ng kung anu-ano. 

Syempre hindi sumasagot si Ice, pipi yun e, nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Hannah. Feel ko nang umuwi, mukhang hindi na ako kailangan dito.

"Hoy Daniel! Wag ka ngang umayos ng ganyan! Ampangit mo, bad aura ka dito" babaeng to talaga, napaka sensitive. Pati naman mukha ko pinapakialaman.

"Tigilan mo nga ako Sae, intindihin mo na lang yang syota mo!"magsama kayong tumalon sa dagat.

Ahh.. anyway, bati naman kami ni Darius, hindi niya ako natiis. XD

"Maka syota naman to, pwedeng BOYFRIEND, pangit nung term mo, parang ang face mo ngayon" lanyang to gusto atang magka black eye.

"Oh? wag nga kayong mag away.. nakakahiya sa amin ni Dars at Janine" nagsabi ang mabait.

"Hannah kung gusto mong makisali okay lang, wag ka nang feeling guidance counselor"Hayan na nga, nambabara na si quarter blood.

"Hoy hindi ah! *pouts*" Hannah. Feeling maganda to.. FINE! siya na maganda. 

"Babes, wag mu nang awayin si Boss at Hannah, talo ka nang mga isip bata" ngumiti siya kay Sae at saka tumingin ng nakakaloko sa akin.

"HOY!! Darius Vincent, siguro naman ayaw mong madagdagan ang mga pasa mo sa mukha ano?" nanakot? XD I'm sure talagang takot yan, yun ba namang ginawa ko na *censored* Bwahahahahah.

"Boss!! darating ang araw, hihingi ka ng advice sa akin at pagdating ng araw na yun! Mag isa kang mag isip kung ano ang gagawin mo!!" as if na mangyari yun. In his dreams..

"Wag ka nang magsalita pa Darius, dahil pag ako napuno sayo!! Hindi ka na aabutang buhay ni Sae" at saka ko tiningnan ng masama si Dars. At aba ang gag* e tumawa pa.

"DANIEL!! Pag nangyari yun world war III na!!" at may pataas taas pa ng kamay si Sae. Magsyota nga kayo ni Dars. Parehong engot =____=

"Tigilan niyo na nga yang mga away bata na yan, mahiya naman po kayo sa bahay ko, pwede?" nahiya naman daw ako =___=

Tumingin ako kay Ice, nagbabasa pa din siya ng libro. Napaka walang kwenta. Hindi mo maka usap ng matino.

Inabot ko yung saklay ko, at pumunta muna ako sa C.R ni Hannah. Grabe, pink na pink. Pink dito, Pink doon, pink diyan, pink everywhere. Hayy. Galit si Hannah sa color pink.

A Gangster Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon