Chapter 38

4.8K 89 1
                                    

DANIEL POV


Umagang umaga, masakit ang ulo ko. Paano ba naman kase, sa sofa ako nakatulog, kakaisip siguro sa mga bagay bagay.

Pumunta kaagad ako sa kusina para maghanap ng makakain, nagugutom na din ako, kumain ba ako kagabi? Hindi man lang ako nakaligo, lalagnatin ata ako, ang HOT ko eh. XD Bahala na si Batman. Dire diretso pa din ako ng kusina ng makasalubong ko si Ace.

"Morning" mahina man yung boses niya, narinig ko pa din yung pagbati niya. Ngumiti ako sa kanya. Nakatayo siya at may hawak hawak na basong may laman na gatas. Kumuha din ako ng gatas at tinapay, magkatabi kaming nakaupo.

"Ace.. about.. about yesterday" pag uumpisa ko.

"Its okay. Sorry din tsaka kalimutan na natin yun, mind as well we keep it as it never happened" sabi niya sabay inom ng gatas.

AWKWARD. Tahimik kaming kumakain ng biglang ayain ako ni Ace.

"Wanna come with me at the beach this afternoon?" tanong niya. Nakangiti lang siya sakin at ganun din ako sa kanya. Nakakapanibago. Ang tahimik niya parang hindi siya yung nakilala kong Ace na lagi akong nilalait. 

Ako ang may kasalanan. Nagpa dalos dalos kaagad ako. Kung pwede ko lang ulitin ang nangyari kagabi. 

"Wag na, may gagawin pa ako, enjoy na lang" Sabi ko. Sabay kaming umalis dun sa kusina.

HAY! PAHIRAP. Grabe, nakakapigil hininga si Ace ha. Ang laki ng pinagbago niya. Kasi naman eh, sa dinami dami ng pwedeng gawin, nauna kaagad ang galit ko. Kakainis! Kakainis!

Napatingin ako sa hagdan ng may narinig akong footsteps, Hehe. English! XD Nakita ko si Hannah at Ice na sabay bumaba galing sa kwarto nilang dalawa. Magkahawak kamay silang nababa. Nakatingin sakin si Hannah, at nakita ko siyang ngumiti. Ngumiti din ako.

May napapansin ako, bakit mapula ang mga mata niya? Umiyak ba siya?

"Umiyak ka ba Hannah?" Nagulat siya sa tanong ko. Nakita kong pinisil ni Ice ang kamay niya.

Masakit.

"H-hindi ah. Kaw talaga bessy dami mong napapansin, tara kain na tayo?" tanong niya. Tumingin siya kay Ice at ngumiti. Parang sinasabi niya mauna-ka-na-kumain-kakausapin-ko-lang-si-Daniella. =_= Ganon ako kagaling mag telekenesis XD

"Daniella, uhm, mamayang gabi pwede kitang makausap in private?" Heto na ang kinatatakutan ko. Harapin mo to Daniella. 

"Bakit mamaya pa? Pwede namang ngayon na" Sabi ko. Natatakot ako sa pwede kong malaman. Natatakot ako kay Hannah. Natatakot akong mas masaktan.

"Ehhh.. Kase may date kami ngayon ni Ice, mamayang gabi na lang ha? Ge, kain muna ako" bago siya umalis sa harap ko ay yumakap siya sa akin at ngumiti.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now