Chapter 43

4.9K 105 5
                                    

Daniel POV


Isang linggo na din ang nakalipas simula ng ikasal sina Janine at Keith, balita ko nasa U.S na daw ang dalawa, at doon muna sila titira, kahapon lang umuwi si Kyo, sa mommy niya muna daw siya, I know everything. Matagal na sa akin yung sinabi ni Kyo, kaya nga naaawa ako sa kanya, at hindi ko din alam kung paano tinanggap ni Janine yon, eh sobrang mahal nun si Kyo, kawawang love story =_=

Anyway, monday ngayon at kailangan kong pumasok ng maaga, wala lang trip ko lang, mayroon kasi akong kinaiinisang lalaki diyan na nasa tabi tabi lang. >__< Ugh! Naaalala ko pa nung nasa batangas kami!! Ang walanghiya, ang daming babaeng pupulu-pulupot! Tapos.. may payakap yakap kay Hannah na tuwang tuwa naman!! ASAAAAAR! Syempre may part sa puso ko na nag seselos ako, may past sila... alam ko... pero okay lang... pero masakit... pero ayos na din, ako naman mahal niya... pero... UGH!!!!! Madaming pero!

"Excuse me!" Mataray kong inagaw yung baso na may milk na dapat ay iinumin ni Ice, tiningnan niya lang ako, AT ANG KAPAL NG MUKHA PARA HAWAKAN ANG KAMAY KO!!!

"Don't touch me!!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko napatingin sa akin si Lance at Raj na maaga ding nagising. >___< I glared at Ice, napaka eh!!! Binelatan ko lang siya tapos kinuha ko na yung gamit ko saka umalis.

Bwiset.

Next month, february na, =_= Pinaka ayaw kong month!! Mabilis lang akong nakapunta sa school, walang pag babago ... madaming babae pa din ang nasa labas sa may gate, I'm sure tulad ng dating gawi, hinihintay ang magkapatid.

BAKIT BA ANG GWAPO NG ICE NA YON?!?!

Pwede naman siyang maging panget, mamahalin ko pa rin siya kahit ganun, eeeh!! Naaasar talaga ako. Hindi ko pa siya sinasagot niyan ah! Alam ko napaka selosa ko, aba, malay ko bang mabilis umiinit ulo ko!! Tsk. Tsk. Tss... AAAHHH!! Ayoko mag Tss. =_= Bwiset naman.

"Hey" nakita ko si Ace na nakasandal sa may puno, dala na naman niya yung gitara niya.

"Oh, nabuhay ka?" Lumapit ako sa kanya, alam niyang mainit ang ulo ko. NAKUUUU!! Naaalala ko talaga ang Ice na yon!

"Problem?.. let me guess.. it's Ice?" Napasimangot ako ng wala sa oras. Well kanina pa naman akong nakasimanot. 

"Eh kasi yung kapatid mong yon! Habulin ng babae, napaka! Naaasar lang ako pag hinahayaan niya silang lumandi sa kanya! Kung ako sa kanya sasapak sapakin ko mga yon eh! Napaka!!" Naaalala ko nung wedding ni Janine, halos lahat ng babae nakatingin sa kanya tapos kinakausap siya... TAPOS KINAKAUSAP DIN NIYA!!!!! Hindi naman as in kinakausap .. I mean sumasagot sagot lang siya ng Oo, Hindi, Maybe, Baka, Sige, Ewan.. Ayun ganun lang, pero kahit na!! Katabi ko pa siya nun ah, di man lang nahiya >_<

"Pero ngumingiti ba siya dun sa mga babae na yon?" Napatingin ako kay Ace, sasagot na sana ako ng "HINDI NGUMINGITI SI ICE SA KANILA" ng biglang nanlaki mga mata ko.

O_________O PAKINGSHET.

"NAGTAGALOG KA?!?" Sa sobrang pagkagulat ko pinisil ko ang pisngi ni Ace....  "ANG CUTE CUTE MONG MAGTAGALOG!!" sa kanya ko binuhos ang galit ko kay Ice... =_= Wag papakita yon sa akin dahil bubugbugin ko siya!!!

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now