Chapter 16

6.7K 103 3
                                    

DANIEL POV


"Okay ka naman Ms. Lee, wala akong nakitang masama sa heart mo nung nagpa-ECG ka, dont worry Ms. Lee, you are safe and healthy" nakangiting sabi ng doktor. Psh. Pasensya natakot naman talaga ako, sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko, parang hindi ako makahinga kahapon.

"Thanks po" aalis na sana ako nung nagsalita si dok.

"Ms. Lee, kamusta na nga pala si Josh? I heard siya na ang bagong president ng company niyo, well I used to be his mentor nung high school kaya naman proud ako sa kanya" nagulat naman ako sa sinabi ni dok, pero kilala niya si kuya?

"Ah ganun po ba? Sige po" tumayo na ako at nag-vow sa harap ni dok, pero bago ko pa mabuksan ang pintuan, nagbukas na kaagad ito.

"Hi" sabi nung magandang babae na pumasok, grabe ang ganda niya!! Pero mukha siyang pamilyar, basta parang nakita ko na siya.

"Hello" ngumiti naman ako.

"Ah, Ms. Lee, this is Wena Lorenzo, my wife, Sweety si Daniella Lee, ako yung private doctor nila, kapatid yan ni Josh" pagkatingin ko dun sa expression nung girl. Para siyang gulat na gulat pero ngumiti pa rin siya. ANG GANDA NIYA!!

"Tama si Josh, napaka-ganda pala ng kapatid niya, you know nung magkaklase pa kami ni Josh, he used to tell us stories about you, mahal na mahal ka talaga ng kuya mo" simula nung narinig ko yun parang SUPER saya ko na! Gusto kong tumili, sumigaw at magwala sa tuwa pero wala akong ginawa kundi ngumiti.

Naging kaklase pala ni kuya tong si ate Wena, pero iniisip ko pa rin kung saan ko siya nakita. SOBRANG familiar ng mukha niya.

"SIge po dok, sige po ate Wena, aalis na po ako, salamat po" Ang bait ko talaga. Kahit naman may bad sides ako, at least meron ding good na good na good sides. Hahahahah

Pumunta na ako ng school, 11am pa ang klase ko, tinamad akong pumasok kanina dahil nga sa puso ko na ang bilis ng tibok kahapon. KAYO KAYA MAGKAGANUN?!!

Nandun na din naman lahat ng B7, ang aaga nga pumasok ng mga yan! Hindi tuloy ako makasabay. Umupo na ako sa upuan, samantalang sila ay nag-kukulitan. Ang iingay! Aish! Pati yung iba kong mga classmates! ANg iingay talaga.

"Dars! May gagawin ka ba mamaya? Samahan mo ako kina Apro, basketball tayo, practice para sa try-outs sa monday" Lance

"Hindi pwede, may date kami ni Sae mamaya, magagalit yun pag di natuloy"Dars

"Wooooo! Under the table si Dars! Pre, pag naging mag-asawa kayo, I'm sure ikaw ang magiging HouseHusband! hahahahahahaa" Hulaan niyo kung sino ang loko-lokong to. Si RAIJEEN PAUL MARIANO lang naman A.K.A Raj

"Saya naman Dars, sasama sa amin si Ice" Keith

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now