Chapter 54 - The Aftermath

4.5K 87 20
                                    

DANIEL POV

I decided to let him go because... bakit nga ba? Dahil ba ginamit niya sa Hannah para makuha ako? Dahil ba sa ginawa niya kaya hindi kami nagkatuluyan ni Ace? Dahil ba niloko niya ako at ang iba pang mga tao?

O dahil hanggang ngayon, hindi ko matanggap na ang lalaking sobrang mahal ko ay isa sa mga dahilan kung bakit nawala ang lalaking mahalaga sa akin.

Ngayon alam ko na ang totoo. Alam ko nang siya ang dahilan kung bakit naaksidente si Jake. Siya pala ang dahilan kung bakit sobrang nasaktan si Jake noon. Siya pala ang dahilan kung bakit nag-inom si Jake noong araw na yon. Sinabi niya ang tungkol sa kanila ni Hannah. Sinaktan niya si Jake.

Akala ko ako ang dahilan kung bakit nawala si Jake... mali pala ako... si Ice pala, ang lalaking mahal ko.

**

"Limang bote pa!" sigaw ko dun sa isang bartender.  Andito ako ngayon sa isang bar at magpapakasaya ako! Magpapakalasing! 

"E-eh ma'am, lasing na lasing na po kayo, baka ano pa pong mangyari sa inyo eh.." sabi nung bartender na ikinagalit ko naman. PUTA. Pag sinabi kong lima pa! Dapat lima pang bote! Gusto kong makalimot! UGH!

Hinawakan ko siya sa collar at nilapit ko siya sa akin.

"Tangina mo ikuha mo ako ng alak kung ayaw mong gawin kong punching bag yang mukha mo!" Malakas ko siyang tinulak kaya muntik na siyang mapaupo sa sahig. Nag nod lang siya at kumuha ulit ng alak.

Gago tong bartender na to. Napaka-pakielamero.

Bumalik siya dala ang alak at ininom kong lahat. Wala akong paki sa mangyayari sa akin. Gulong gulo na ako. Niloko ako ng mahal ko. Sinaktan niya ako. TANGINA!

Biglang nag ring yung phone ko. Si Lance yung tumatawag. Actually kanina pa silang tawag ng tawag sakin pero di ko sinasagot. Gusto kong lumayo muna. For once, I need to stay awa from them. Pag nakikita ko sila, nasasaktan ako. Ewan ko ba, ang drama ko na shit!

"Hi miss, mukang mag-isa ka ah, want some company?" tiningnan kong mabuti yung lalaking humawak sa bewang ko at lumapit sa akin.

"Tangina mo. Pakyu. Layuan mo ako babalibagin kita tarantado ka!" Mabilis kong inalis ang kamay niya sa bewang ko. 

"Nagtatanong lang miss, chill" napataas pa ang dalawa niyang kamay. 

"Chill chillin mo muka mo! Lumayas ka nga sa harap ko! Bwiset!" Pagtataboy ko sa kanya kaya umalis na din siya. 

Ininom ko ulit yung alak ko. Di naman ako ganito eh. Di ako mahilig mag inom. Ni hindi nga ako mahilig pumunta sa bar pero wala eh.. ang sakit sakit kasi. Bakit ba nagawa yon ni Ice?! Okay na sana eh. Masaya na ako. Move on na ako kay Ike. Pero pota. Wala ata akong happy ending. 

Wala na siya sa buhay ko. 

"Daniella" tiningnan ko ang lalaking tumawag sa akin.

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now