CHAPTER 41: DEATHMATCH

30 1 0
                                    

Nagulat kami ni Lea sa mga nangyari sa amin. Kasi bigla kaming nagpalit ng anyo kahit wala pa kaming ginagawa. Ibig sabihin, naka.vampire form kami nung tinuturuan namin si Nicole sa may basement at sa isang iglap lang pagkagising namin kinabukasan heto naka.human form na kami.

"Halimaw! " bigkas ni Lea.

Nagtaka naman si Nicole sa sinabi ni Lea sakanya.

"Ano po ibig ninyo sabihin? " tanong ni Nicole.

"Which means napalakas mo. Yun lang! " sagot ni Lea.

Biglang may nabasa akong isipan sa paligid ng base.

"Gusto niyo ba ng maiinom? " tanong ko sakanila.

"Ay Master ako nalang po kukuha. Kailangan niyo pa po magpahinga diyan." sabi ni Nicole sa akin.

Pinaupo ko siya sa kama ko at sinabing, "Ako nalang kukuha. Atsaka kailangan ko rin kumilos upang mawala itong nararamdaman ko. Mahirap na baka tamarin pa ako kapag nahiga lang ako magdamag."

Tumayo na ako sa kama ko atsaka na bumaba upang kumuha ng maiinom namin.

Pero sa totoo lang ay pupuntahan ko ang espiyang nakikinig sa amin na nasa labas lang.

Dali-dali akong tumakbo palabas. At nadatnan kong nandoon parin siya.

Nakita niya ako ako at kaagad siyang tumakbo palayo. Pero hinabol ko siya upang malaman kung sino nag.utos sakanya upang espiyahin kami ng ganun.

"Si Leila! Si Master Leila ang nag.utos sa akin." sabi niya.

"Bakit? Para saan ang pinapagawa niyang ito? " tanong ko.

"Ewan ko! Hindi ko po talaga alam. Isapa isa lang akong...." bitin niyang sinabi.

Nang may naramdaman akong dumaan sa likuran ko. Pagkalingon ko upang tignan ay wala naman.

Pagkatingin ko muli sa espiya namin ay wala na itong buhay. Naging abo na ito habang nasa kalagitnaan kami ng pagiimbestiga ko.

"Shit! Sino kaya gumawa nito sakanya? " sabi ko.

Pumasok na akong muli sa loob at nadatnan ko si Lea na naghihintay sa may kusina.

"Saan ka ba galing, ha Richard? " tanong nito sa akin.

"Ah, ano kasi ahm may inasikaso lang sa labas." sagot ko.

Tumingin ako sa may sala atsaka tumingin muli kay Lea.

"Gising na ba si Scott? " tanong ko.

"Hindi pa. Ayun tulog parin hanggang ngayon. Malakas ata tama sakanya ng ability ni Nicole eh." sagot ni Lea.

Napatango nalang ako sa sinagot niya. Atsaka na ako kumuha ng maiinom namin.

Pagkalipas ng tatlong oras, bandang hapon na nun ng maisipan kong puntahan ang lugar nila Leila.

"Handa na ba kayo? " tanong ko sakanila.

"Ahm para saan naman Richard? " sabi ni Lea.

"Pupuntahan na natin sila Leila." sabi ko.

Nabigla silang tatlo sa sinabi ko.

"Upang? " tanong ni Scott.

"Talunin ang grupo niya at nang matigil na rin ang binabalak niya kay Count Maximus." sagot ko.

"Richard..." sabi ni Lea.

"Huwag kang mag-alala Lea, may plano ako. At sinisigurado ko hindi ito hahantong inisip mo." sabi ko.

Nagbuntong hininga siya habang ako naman ay nakatingin sakanya at iniisip ang isang bagay. At iyon ay nag-aalala parin siya para sakanyang nakakatandang kapatid.

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now