CHAPTER 32: EVERYONE'S THOUGHT

17 1 0
                                    

Sa kasalukuyan, ginagawa na nila Tony at ng iba pang Gods ang lahat mabuhay lang nila si Richard. Dahil malaki maitutulong niya laban kila Pride.

"Sana gumana ito kasi kung hindi, siguradong mag.iiba ang tingin sa atin ng mga kasama niya." sabi ni Tony. "Richard..." sabi ni Lyan na may halong lungkot sa boses nito.

Hinihintay na lamang nila na gumana ang pinainom nila kay Richard, ito ang regeneration pills. Kaya nitong pagalingin(heal) ang anumang klaseng sakit o pinsala na natamo ng katawan mo. Ngunit, sa kabilang banda naman ay hindi nito kayang ibalik sa dati ang lahat. Lalong-lalo na kung malapit na ito sa pintuan ng kamatayan.

"Paki usap gumana ka naman!! " galit na sinabi ni Tony. Tinapik ni Zeus ang Anak niya sa may balikat nito at sinabing, "Kung may tiwala ka sakanya Thor, bakit hindi natin hintayin ang pagbalik niya sa tabi natin. Walang magagawa iyang galit mo sa pag.galing ng kaibigan mo. Sa ngayon, ipagdasal nalang natin ang kanyang kaligtasan."

Maya-maya lang ay dumating na silang lahat at nakita nila ang nangyari kay Richard. "Ahhh Ku-ku-kuya. " sabi ni Joshua. "Ku---ya...." sabi ni Jireh habang naluluha ito. "Richard..." sabi ni Lea habang umiiyak ito. "Oh my gosh! " sabi ni Danielle. "Uhhh, Kuya Vince! Si-si Kuya, si Kuya Richard." sabi ni Lisha atsaka ito yumakap sa kuya nito habang umiiyak.

Lahat sila ay nalungkot sa nangyari, hindi nila akalain na mangyayari iyon sa kasamahan nila.

Tony's thought:
Richard, sa lahat ng mga nakilala ko, ikaw ang pinakapositibo. Kahit na wala ng pag.asa ang isang bagay, naghahanap ka parin ng paraan upang hindi malagay sa alanganin ang mga kasama mo. Pagiging mahinaon(calm) mo ang nagsisilbing tulay sa isang magandang tuwid na plano sa pagkapanalo ninyong magkakasama. At iyon ang ikinatuwa ko sa iyo bilang isang miyembro ng League of Teens, kahit na hindi ka naman lider ng grupo ninyo.

Lyan's Thought:
Richard, kahit na medyo makulit ka, bolero, at palabiro sa akin, ni minsan hindi ko tinuring iyon na malas o panira ka sa buhay ko. Sa halip, natutuwa pa nga ako dahil may gumagawa nun sa akin kahit na alam mong isa ako sa mga Diyos. Hindi ko malilimutan yung mga panahon na magkasama tayo, lalong-lalo na yung mga panahon na binibiro mo ako palagi. Pakatatag ka Richard, sana malagpasan mo itong pagsubok na ito.

Lea's Thought:
Richard, naaalala mo ba nung una nating pagkikita? Noon pa lang ay nakuha mo na ang tingin ko, at noon din nakita ko na ang pagiging determinasyon mo sa isang bagay kahit na mabagal pero sigurado(slowly but surely) naman ito. Nalaman ko iyon nung mahigop ko ang dugo. Kaya sana Richard, labanan mo ito upang masabi ko na ang tunay kong nararamdaman para sa iyo.

Joshua's Thought:
Kuya, alam kong napaka.strikto mo pagdating sa amin, lalong-lalo na sa lahat bagay na ginagawa namin. Pero, dahil hindi ko lubos na maunawaan ang mga pinag.gagawa mo, kadalasan ay hindi na ako sumusunod sa iyo dahil ayaw ko ng parating may nag.uutos sa akin. Kahit naman siguro ikaw ay maiinis sa ganun diba. Pero, pangako Kuya magbabago na ako. Susunod na ako sa mga bagay na ipapagawa mo sa akin.

Jireh's Thought:
Kuya, dahil strikto ka masyado sa amin, kadalasan ay ayaw ko ng sumunod sa mga pinapagawa mo sa akin. Kasi naman eh, para kang lider ng mga sundalo, parating nagbibigay ng commands. Pero alam mo ba Kuya, deep inside natutuwa ako. Alam mo bakit? Baliw ka kasi eh. Hahaha pero promise mo Kuya na lalagpasan mo ang pagsubok na ito ha, kung gusto mo akong makinig sa mga utos mo. Hahaha

Vince's Thought:
Richard, Kuya Richard, o ano pa man gusto mong itawag ko sa'yo, gusto ko sana malaman mo na iniidolo(idolise/idolize) na kita noon pa lang. Kasi napakatapang mo(kahit naman hindi hahaha) at susubukan mo ang lahat upang hindi mabigo sa isang bagay na ninanais mong makamit. Sabihin mo lang kung gusto mong maging lider sa grupo natin, ngayon pa lang sumasang.ayon na ako. Kaya Kuya Richard, pakatatag ka ha.

Maynard's Thought:
Richard, alam kong nababasa mo ngayon ang isipan ko, dahil alam ko natutulog ka lamang ngayon. At gusto ko sana malaman mo na wala ng hihigit pa sa galing mo pagdating sa pag.gawa ng estratehiya(strategy). Biruin mo, Ako na nakakakita na sa hinaharap eh nadaig mo pa. Tsk, kung meron din ako nian(mind reading) kagaya ng sa iyo siguradong gagaling din ako pagdating sa matinong srategy na puwedeng gamitin ano mang oras ko gugustuhin. Ang suwerte mo pinsan, seryoso iyon.

Halos lahat sila ay ipinamahagi(share) ang kanilang sa loobin kay Richard. Nang biglang napahinto ang lahat pagkatapos magsalita ni Elaijah dahil sa isang pangyayari.

"Tsk, ang ingay... ninyo... " pinilit kong sinabi sakanila. Nagulat sila sa narinig nila at sabay-sabay nilang sinigaw ang pangalan ko. "RICHARD!!! " sigaw nilang lahat.

Yumakap kaagad si Lea sa akin atsaka bumulong na, "Pinag.alala mo ako doon Richard. I mean, pinag.alala mo kaming lahat."

Ngumiti lang ako habang nakapikit atsaka sinabi na, "Dugo.. Kung maaari sana.. bigyan niyo ako ng.. dugo na maii..nom ko."

Lumapit si Lyan sa akin atsaka niya itinutok ang braso nito sa may harap ng bibig ko. "Sige Richard, inumin mo ang dugo ko. Nang sa ganoon ay manumbalik kaagad ang lakas mo." sabi ni Lyan sa akin. "Pero..." sabi ko.

Biglang tinapik ni Lea ang braso ni Lyan atsaka sinabing, "Tama ka Richard, sa akin ka uminom ng dugo dahil ako ang iyong creator. Ang iyong master."

Kakagat na sana ako sa braso ni Lea nang biglang makaramdam ako ng pananakit sa aking ulo. "Urgh!! Ackkk* cough* cough* Arghhh ahhhhh...."

Nag.alala sila bigla para sa'kin. At sa di ko inaasahan, nagbago nalang ang tingin ko sakanilang lahat.

"Sino kayo? Nasaan ako ngayon? Kilala ko ba kayo? " sabi ko.

Lahat sila ay nagulat sa nangyari kay Richard at hindi makapaniwala sa nakikita nila. Kasi bigla nalang ito nagka.amnesia at nakalimutan kung sino ang mga kasama nito at ano siya. Biro, kalokohan, at kung anu-ano pa ang nasa isipan ng mga kagrupo niya ngayon. Babalik pa kaya ang memorya ni Richard, kailan at paano siya makakarecover.

===========================

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now