CHAPTER 65: NEW MEMBER OF THE FAMILY

1 1 0
                                    

Matapos ang pagbasbas nila Tony sa pamilya nila Richard.

Nagpaalam na sila sakanila at naiwan na muli silang tatlo.

"Ang suwerte ni Andrea, Daddy. Akalain mo ang mga Legendary Gods pa ang unang bisita natin at binasbasan pa nila tayo." sabi ni Nicole.

Napatango(nodded) ako at sinabi na, "Magiging maganda na ang kinabukasan ni baby Andrea nito, mommy, dahil sakanila." atsaka ako napangiti.

Alas-siyete pa lang ng umaga, may dumalaw na naman sa amin.

"Hello!! " sabi niya sa amin.

Napalingon si Nicole at nagulat ito sa nakita niya.

"Mommy!! " bigkas niya.

Lumapit ang mommy ni Nicole sa amin at binigyan kami ng yakap.

"Kamusta na ang anak ko, Richard? At si baby niyo nasaan? " tanong niya sa akin.

"Um, okay na po si Nicole ngayon. Kailangan nalang niya ng pahinga at huwag masyado mag-gagalaw upang hindi siya duguin." sagot ko.

"Binalik na po ulit si baby Andrea sa nursery, Mom. Kakatapos niya lang po gumatas sa'kin." sabi ni Nicole.

Nabigla ang mommy ni Nicole at sinabi na, "Wow!! Baby girl pala ang apo ko. Nakakatuwa naman marinig iyon anak. Pero teka, Andrea ba pangalan ng anak ninyo? "

Pareho kaming tumango at ngumiti.

"Parang hindi bagay. Hmm, bakit hindi nalang Sophia? Tutal mas mukhang sosyal pakinggan, diba?! " advice niya sa'min.

Napabuntong hininga si Nicole sa sinabi sa amin ng Mommy niya.

"Mom?! " bigkas niya atsaka binigyan ang mommy niya ng gloomy look.

"Joke lang anak. Mas okay na yung Andrea kaysa sa Sophia. Basta ikaw nagpangalan nun." paliwanag niya.

Lumingon sa akin si Nicole habang ako naman ay tumango nalang.

"Si Richard po nagpangalan sa anak namin, mom." sabi niya.

"Talaga?? " halatang hindi niya pagsang-ayon.

Tumango si Nicole.

"Well, wala na akong masasabi pa. Yung ama na nagdecide ng pangalan eh. At dapat siya nga talaga ang mag-iisip para sa inyo at hindi ikaw." pasimpleng sermon niya sa akin.

Napangiti nalang ako at hindi na umimik pa.

Tinabi na ng mommy ni Nicole ang mga dala niyang regalo sa may sopa atsaka nagpaalam na sa amin.

"Love you Mom!! " sabi ni Nicole.

"Love you too, anak!! " sagot niya pabalik.

Atsaka na siya lumabas.

Halos kalahating-oras nagtagal ang mommy ni Nicole sa kuwarto namin. Dahil na rin siguro sandali lang pagdalaw niya, wala ang gusto niyang makita.

Lumipas ang tatlong oras, dumalo na rin sa wakas ang mga magulang at kapatid ko.

"Hello anak, at nicole!! " pagbati niya sa amin.

Nilapitan ko sila mama at papa atsaka pinagkukuha ang bitbit nila.

"Kamusta ka na Nicole? Hindi ko akalain magkaka-anak ang isang katulad ninyo. Dahil alam mo na, patay na talaga ang mga katawan ninyo, na isa kayong bampira." panganga-musta ni Mama kay Nicole.

Inangat ko si Nicole sa pagkakahiga niya upang makaupo siya.

"Ito, nagpapalakas pa po ako, mama. Medyo kailangan ko pa po magpahinga upang manumbalik na ako sa dati." paliwanag ni Nicole.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon