CHAPTER 56: CONFRONTATION

0 1 1
                                    

Nagdeklara na ako ng isang pagrebelde kay President Lex at patungo na kami ngayon sa villagehall upang pababain siya sa puwesto.

Nang marating na namin ang gate, pinigilan kami ng guwardiya nakabantay ngayon.

"Saan punta ninyo? " sabi nung guwardiya sa amin.

Kinindatan(wink) ni Nicole yung guwardiya at bigla nalang ito napahiga sa sahig.

"Nice job Nicole." sabi ko sakanya.

Tumango nalang siya atsaka na kami pumasok sa loob.

Napatigil sila Sister Jessy at Father Rence sa nangyari.

"Anong nangyari sakanya? " tanong ni Sister Jessy.

"Pinatulog ko gamit ang kindat ko." sagot ni Nicole.

"P-pero paano? Kinindatan mo lang ay nakatulog na siya, parang napakaimposible naman nun ah." sabi ni Sister Jessy.

"Tayo na sa loob." sabi ko sakanila.

Nakapasok na nga kami ng tuluyan sa loob ng villagehall kung nasaan ngayon si President Lex.

At sa bawat sundalo na madaanan namin ay pinatutulog nalang ni Nicole upang hindi mabulabog ang buong paligid kung saan napakaraming sundalong naka-antabay.

"Sigurado ba kayo sa ginagawa natin? Parang gusto ko ng bumack-out." pabulong na sinabi ni Sister Jessy.

"Nandito na tayo Sister, wala ng atrasan ito." sabi ni Father Rence sakanya.

"Talaga bang alagad kayo ng simbaban? Kasi kung oo, hindi ba dapat pipigilan niyo kami sa binabalak namin ngayon? " pagtataka ni Kc sakanila.

Nang bilang humarap si Sister Jessy sakanya at sinabi na, "Katulad ninyo ay meron din kaming pinoprotektahan. Alam namin lahat na mali sa isang katulad namin ang madumihan ang mga kamay dahil anak at alagad kami ng simbahan. Pero one's na tinanggap na namin ang kapalaran naming maging field man, kumalas na kami sa pagiging anak ng simbahan."

"Hindi ko makuha mga pinagsasabi mo." sabi ni Kc.

"Mga hunter kami. Vampire hunter. At one's na maging hunter ka na, kailangan mo ng umalis at kalimutan na isa kang anak ng simbahan. You're a free man, a friar. Parang ganun." paliwanag ni Sister Jessy sa amin.

Nabigla kaming apat sa narinig namin. Hindi kami makapaniwalang may ganoon klaseng grupo na nag-eexist.

"Vampire. Hunter? " pagtataka ni Nicole.

Tumango sa amin si Father Rence at mukhang hindi sila nagbibiro sa mga sinasabi nila.

Lumingon sila Vince at Kc sa amin ni Nicole na para bang sinasabi nila na nasa panganib kami ngayon sa paligid nila Sister Jessy at Father Rence.

Habang nawala ang tuon namin sa pinunta namin ngayon. Bumungad sa harapan namin ang mga sundalo ni President Lex at hinarangan ang daraanan namin.

"Sumuko na kayo ngayon kung ayaw ninyong paputukan namin kayo." sabi nung isang lalaki habang nakatutok ang baril nito sa amin.

Lahat sila ay nakatutok ang mga baril sa amin at sa isang pindot lang ay uulan ng mga bala sa buong paligid.

Tinaas nila Sister Jessy at Father Rence ang mga kamay nila atsaka lumuhod.

Habang kaming apat ay nanatiling nakatayo parin.

"Kayong apat. Hindi ba kayo susuko?! " sigaw niya.

"Vince, alam mo na gagawin mo." bulong ko sakanya.

Tumango naman ito sa sinabi ko.

"Hoy! Kayong dalawa diyan. Ano pinagbubulungan ninyo diyan? " sigaw niyang muli sa amin.

Legendary Teens (The continuation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora