CHAPTER 63: YEAR 2100

0 1 0
                                    

Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating na si Lea sa taong 2100.

Pagkalabas niya ng portal, nagulat ito sa mga nakita niya. Ibang-iba sa panahon nila.

"Wow! Ang ganda naman sa panahong ito. Malinis, maaliwalas, at masyadong maliwanag na." manghang sinabi ni Lea.

Nilibot niya ang tingin sa buong paligid at napansin nitong nasa may eskinita siya inilabas ng portal.

Naglakad-lakad siya sa buong siyudad at medyo naninibago siya dahil ang mga kalsada at gusali ay ibang-iba na.

Tumakbo siya palabas ng siyudad at nagbabakasali makita niya sila Richard.

Sa paghahanap niya, may nakita siyang isang nilalang na pasakay ng kotse. Hindi ito tao at nung nasilayan niya ang mukha nito, nagulat siya ng makitang android ito.

"May robot na sa panahong ito?! Hanep, advance na masyado ang mga teknolohiya rito." sabi ni Lea.

Lumibot muli si Lea at nung napunta sa wala ang paghahanap niya. Napag-isipan nalang niyang pumunta sa tirahan nila sa nakaraan.

Sinubukan niyang hanapin ang kagubatan sa panahong ito subalit bigo siyang makakita.

"Saan na kaya napunta ang mga kagubatan dito? Nakakalito naman itong panahon na pinuntahan ko. Ang daming bago at halos wala na yung mga dating bagay na nakikita ko madalas sa panahon namin." puna ni Lea.

Nang may lumapit sakanya isang android.

"Miss? " tawag nito.

Napalingon si Lea at nagulat ito.

"A-ano yun? " tanong ni Lea.

"Hindi ka taga-rito sa panahong ito. Anong ginagawa mo rito at bakit ka pumunta sa taong ito?! " sabi nung android sakanya.

Napalingon sa malayo si Lea at binulong na, "Paano niya kaya nalaman na hindi ako taga-rito sa panahon nila?! "

Biglang umilaw ang mata niya at sinabi na, "Scan in progress...."

Tinignan lang ni Lea yung android at clueless siya sa pinag-gagawa nito.

"Scan complete! " bigkas niya.

"Ano? " pagtataka ni Lea.

Hinawakan siya bigla nung android at sinabi na, "Sumama ka sa akin! Idadala kita sa punong ministro."

Sinubukan ni Lea na pumiglas subalit bigo siya dahil masyadong mahigpit ang hawak sakanya.

Nang may lumitaw na portal sa sahig malapit sa android.

Tinapakan ng android ito at mga ilang sandali lang ay naglaho silang dalawa.

Pagkalipas ng ilang segundo, napunta silang dalawa sa isang malaking palasyo na mukhang pagmamay-ari ng punong ministro.

"Nasaan tayo ngayon? " tanong ni Lea sakanya.

"Sumunod ka sa akin." utos niya.

Hindi na lumaban pa si Lea sa gusto ipagawa ng android sakanya, sa halip ay sumunod nalang siya ng tahimik.

Pagkapasok nila sa isang kuwarto, naglakad silang dalawa malapit sa may altar.

"Punong ministro! " bigay galang niya sakanya.

Habang si Lea ay hindi makakibo sa kinatatayuan niya.

Mga ilang sandali lang ay tumayo yung punong ministro at sinabi na, "Sige, iwanan mo na kami dito, Alex."

Tumayo na siya sa pagkakaluhod niya at lumabas na ng kuwarto.

"So, punong ministro, sino ka ba talaga sa likod ng anino tumatago sa'yo?! " sabi ni Lea.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon