CHAPTER 43: SISTER JESSY

19 1 0
                                    

Ako nga pala si Jessica, 23 yrs. old. Normal na namumuhay sa mundo ng kahirapan at korupsyon, wala eh ganun talaga ang buhay. Broken family din, kasi si Papa ko ay nag.asawa sa ibang bansa. Kaya ito, binubuhay ko nalang ang sarili ko at si Mama ko dahil matagal na siyang hindi nagtatrabaho matapos ang paghihiwalay nila ni Papa.

Pumapasok din ako araw-araw sa aking part time job, nasa harapan ako parati ng cashier ng isang maliit na grocery store malapit sa amin.

Sa kabila din ng aking part time job, pumapasok ako sa isang unibersidad na napakalayo sa amin. Ito ang S.U.N o mas kilala sa Super-Natural University. Medyo weird nga lang kung bakit S.U.N ang pinangalan at hindi S.N.U.

But anyway, nakapasok ako sa unibersidad na iyon dahil sinabi ko sakanila na gifted ako at nakakabasa ako ng isipan ng iba. Hindi sila naniwala nung una dahil marami na raw ang mga nagsisinungaling na gifted sila at desperadong makapasok rito upang gawin ang isang bagay at iyon ang i.exposed ang lahat ng mga estudyante dito.

Back to the story kung saan sinabi ko na gifted ako, kahit ako ay hindi makapaniwalang nasabi ko iyon. And what's more, nabasa ko nga talaga ang iniisip ng Principal ng mga oras na yun. Ang I have no clue kung paano ko nagawa iyon.

Then, lumipas ang ilang taon, nakapagtapos ako sa unibersidad na iyon kahit na inabot ako ng pitong taon. At dahil nga iyon sa kahirapan ng buhay.

Habang lumilipas ang mga araw, unti-unti akong napapalapit sa simbahan na para bang tinatawag ako nito. At hindi nga nagkamali ang hinala ko. Dahil pagkalipas ng dalawang buwan pagka.graduate ko, pumasok ako bilang Madre sa isang simbahan.

Tinanggap naman nila ako kahit na medyo hindi ako seryoso sa pinasok ko pag.mamadre. Inabot din ako ng tatlong buwan bago ako makapasok. At sa tatlong buwan iyon, madami na ang naiinis sa akin. Kasi yung iba mga Father doon ay hindi na makaya ang ugali ko, puro palpak, lampa, at parati ko naiistorbo sila pagdating ng misa. Kahit na hindi nila pinapakita ang bagay na iyon ang pagka.inis sa akin. Masasabi kong deep inside iyon ang sinisigaw at pinapakita nila.

Pagkalipas ng isang taon, isa na akong ganap na madre at nagsisilbi na sa simbahan.

"Sister Jessy! " tawag ni Sister Mica sa akin.

Napalingon ako sakanya at sinabi na, "Ano iyon Sister Mica? May kailangan ka ba sa akin? "

Umiling lang ito atsaka lumapit sa akin at may binulong(whispered).

Nagulat ako sa narinig ko, kaya dali-dali akong tumakbo sa loob ng Father's lounge.

Nagulat silang lahat sa biglaan kong pagbukas ng pintuan at tinitigan ako na para bang nakakita sila ng multo, kahit na hindi pa sila nakakakita.

"Totoo po ba narinig ko kay Sister Mica, mga Father? May bago na po vampire hunter? " tanong ni Sister Jessy sa mga pari.

Lumapit ang isang pari sakanya at hinawakan ito sa balikat(shoulders) at inalalayan palabas ng Father's lounge.

"Sorry Sister Jessy pero hindi ka dapat nandito. Bawal ang mga madre dito, tanging mga pari lamang ang puwede sa loob. Maaari ka lamang pumasok dito kung isa kang pari o maglilinis lamang ng kuwartong ito." sabi ni Father Martin sakanya.

"Pero Father..." putol na sinabi ni Sister Jessy.

"Pari o maglilinis lamang ng kuwartong ito ang maaaring pumasok rito. Tandaan mo iyon Sister Jessy." paalala muli ni Father Martin kay Sister Jessy.

Napagsaraduhan na siya ng pintuan atsaka nag.pout dahil hindi sinagot ni Father Martin ang tanong niya sakanya.

"Kahit kailan napakadaya ni Father Martin. Hindi niya sinagot tanong ko sakanya. Hmph." sabi niya sa sarili niya.

Legendary Teens (The continuation)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt