CHAPTER 71: DOPPELGANGER

0 0 0
                                    

Nagteleport na nga ang buong grupo ng Legendary Teens sa hide-out nila President Lex at Damaso.

Habang si Sophie, ang mommy ni Nicole, ay naiwan at bantay ngayon kila Lisha, Danielle, Vince at Zyrus dahil wala silang mga malay ngayon.

"Hay naku naman. Ginawa pa akong guwardiya ng mga iyon. Ano ba sa tingin nila ako? Marunong makipaglaban katulad nila?! " inis na sinabi ni Mommy Sophie.

Mga ilang sandali lang ay may dumating na hindi inaasahan ni Sophie.

"Magandang araw sa inyo! " pagbati niya.

"Hello?! Sino naman ikaw? Anong kailangan mo? " sabi niya sakanya.

"Una sa lahat, ako pala si Damaso. Ikalawa, nang-galing ako sa ibang mundo. At ang huli, narito ako ngayon upang tulungan ang mga kasama nila." paliwanag ni Damaso.

Nanahimik si Sophie ng mga sandaling iyon at nakikinig sakanya.

"Yung nakita mo kanina na mukhang android at ako ay iisa. Siya ang counter-part ko dito sa mundo ninyo. At..." putol ni Damaso.

"Teka, sandali lang ha. Medyo naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo. Hindi ko parin maintindihan ang mga sinasabi mo sa akin." biglang singit ni Sophie.

"Sige. Kung hindi mo makuha mga pinagsasabi ko, wala na akong magagawa pa. Ngayon alam mo na kung sino ako at saan ako nanggaling. Kailangan ko naman malaman kung nasaan sila ngayon. Dahil nanganganib silang lahat kahit sabihin nating mas malakas na sila kaysa noon." sabi ng ikalawang Damaso.

Umiling si Sophie at sinabi na, "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung nasaan sila dahil nung may mag-ping sa tablet nila, kaagad nila kinuha sa akin iyon bago ko pa man makita ang kinaroroonan ng sinasabi mong counter-part mo sa mundo namin."

Nadismaya si Damaso sa sinabi sakanya ni Sophie at hindi alam ang gagawin niya.

Nang tumayo si Vince at pinilit sabihin kay Damaso ang isang bagay.

"Heto ang relos ko, Damaso. Gamitin mo iyan upang matunton kung nasaan sila ngayon." sabi ni Vince.

Tumango si Damaso at sinabi kay Vince na, "Maraming salamat kaibigan. Ngayon, matutulungan ko na ang mga kasama mo laban sakanila."

Paalis na sana si Damaso ng pigilan siya ni Vince.

"Bakit mo ba kami tinutulungan kung kamukha mo ang android na iyon? " pagtataka ni Vince.

"Kasi sa mundo namin, si Lex ay isa kong tapat na kaibigan. Hanggang sa di inaasahang pangyayari, nagbago bigla ang pagkatao niya. Hindi ko na siya kilala, hindi na siya ang kilala kong kaibigan. Para bang galing siya sa ibang mundo." kuwento ni Damaso.

"Alam mo, tama nga si Mommy Sophie. Ang gulo mo magkuwento. Hindi ko makuha-kuha ang pinagsasabi mo." inis na sinabi ni Vince.

"Naririnig mo kami kahit wala kang malay? " pagtataka ni Mommy Sophie.

"Sa totoo lang, kanina pa ako gising pagkadating nitong si Damaso. Hindi lang ako tumayo dahil nakikiramdam muna ako sa paligid ko bago ako tumayo ng tuluyan. Mahirap na mapalaban kung nanghihina ka pa rin." paliwanag ni Vince.

"So, hahayaan mo lang ako masaktan at makipaglaban kung sakali mang may panganib na dumating?! Ganun ba!? " galit na sinabi ni Mommy Sophie.

Umiling si Vince at sinabi na, "Nagkakamali kayo ng iniisip Mommy Sophie. Siyempre, aatakihin ko siya ng pasupresa nang sa ganoon ay hindi siya makapagdepensa. Iyon ang gusto kong ipahiwatig sa sinabi ko."

Napatango(nodded) nalang si Mommy Sophie.

"So anyway, nandito talaga ako upang tapusin na ang kasakiman ni Lex. Nang sa ganoon ay manumbalik na ang dati kong kaibigan sa mundo namin. Bumalik sa pagiging mabuti." paliwanag muli ni Damaso.

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now