CHAPTER 48: THE PROMISE

25 0 0
                                    

Sa hindi malaman na dahilan, gulung-gulo na si Tony sa mga nangyayari. Sapagkat nawala siya ng dalawang araw sa kingdom nila. Sa kadahilanan na may business sila sa mundo ng mga tao.

Upang malaman niya ang mga nangyari nung wala siya. Pinuntahan niya si Aira sa kanilang palasyo.

Iniwan na muna ni Tony si Richard sa kuwarto nito atsaka na lumakad sa pupuntahan niya.

"Sino kaya yung lalaking yun? At mukhang kakilala pa siya ni Aphrodite." naguguluhang tanong ko sa sarili ko.

Nang biglang sumakit ang ulo ko. "Ugh! Huh? Tony? Tama, Tony nga pala pangalan niya. Yun ang pagkakasabi niya sa akin kanina." sabi ko.

Nang biglang makaramdam ako ng pagkagutom. Kaya naisipan kong lumabas ng kuwarto ko upang kumuha ng makakain ko sa may kusina.

Nadatnan ko si Ron sa may kusina na naghahanda ng isang potahe(special food, something like that).

"Oh ikaw pala Richard. Anong ginagawa mo rito? Nagugutom kana ba? " sabi niya sa akin.

"Ikaw Ron, anong ginagawa mo rito? Diba may sarili kang palasyo? Bakit dito ka nagluluto." sabi ko sakanya.

Bigla niya akong nilapitan at sinabi na, "Kaarawan kasi ngayon ng asawa ni Lord Zeus. Kahit na wala na siya dito, gusto ko sanang alalahanin ang maligayang araw na iyon kung saan buhay pa siya."

"So, susupresahin mo si Lord Zeus? Ganun ba? " tanong ko sakanya.

"Well, parang ganun na nga." sabi nito sa akin.

Habang nag-uusap kami ni Ron. Nagpakita si Lord Zeus sa may kusina at nagulat ito ng makita kami ni Ron.

"My Lord! " sabi ni Ron atsaka nagbigay galang sakanya.

"Oh kayo pala, Ron at Richard. Anong ginagawa ninyo rito? At mukhang abala kayo sa isang bagay ah." sabi ni Lord Zeus.

"Ah opo, may ginagawa po kaming supresa para sainyo. Sa totoo lang po si Ron talaga yung may pakana nito." sabi ko.

Nagulat si Ron sa mga pinagsasabi ko at nataranta siya sa mga sandaling iyon.

"Ah ganun? Siya, kukunin ko lang itong inumin ko at maiiwan ko na kayo rito." sabi ni Lord Zeus sa amin.

Nagtinginan kami ni Ron sa isa't-isa na parehong nagulat sa sinabi ni Lord Zeus sa amin.

"Ipagpatuloy niyo na iyang supresa ninyo sa akin. Siguraduhin niyong hindi ako madidisappoint diyan ah." pahabol ni Lord Zeus.

Pinagpatuloy na ni Ron ang kanyang ginagawa, habang ako naman ay nagtaka sa nasabi ko kanina. Nagmukha tuloy na kasama nga talaga ako sa supresa ni Ron samantalang kararating ko lang nun sa kusina.

"Ah, bahala na. Nasabi ko na ang lahat ng mga iyon. Wala ng atrasan." bulong ko sa sarili ko.

Tinulungan ko na si Ron sa hinahanda niya at lumipas ang ilang oras ay natapos na rin kami.

"Whew, sa wakas natapos na rin. Salamat sa tulong mo, Richard." sabi niya.

Tumango nalang ako sakanya bilang sagot ko.

Bumalik na ako sa aking silid pagkatapos ko kumain at tulungan si Ron sa supresa nito.

Nang mabigla ako sa aking nakita. May naghihintay sa aking pagbalik.

"Ahm, hello! Sino kayo at Bakit nandito ka sa silid ko ngayon? Hmm? " sabi ko.

Humarap ito sa akin at sinabi niyang, "Hindi mo ba ako nakikilala kapag nakatalikod ako. Ha Richard? "

"Lyan?! Pasensiya na kung hindi kita nakilala kaagad. Medyo malabo pa ang mga alaala ko eh." sabi ko.

Ngumiti ito sa akin at sinabi na, "Anyway, kailangan mo ng bumalik sa mundo ninyo. Dahil napadaan ako roon kanina lang at nadatnan kong nag-aalala na sila sa pagkawala mo ng mahigit tatlong buwan."

Tinitigan ko lang siya ng mga sandaling iyon at napaisip ako ng malalim kung ano ang kailangan kong gawin.

"Huwag ka ng mag-isip pa ng malalim diyan. Umuwi ka lang sa inyo tapos gawin mo na madalas mong gawin kapag nasa inyo ka. Ganun lang ka-simple, Richard." sabi ni Lyan sa'kin.

Hindi nagtagal ay bumaba na kami sa mundo ng mga tao atsaka kami kaagad tumakbo papunta sa tirahan ko.

Pagkarating namin sa destinasyon namin, napatigil ako ng mga sandaling iyon sa hindi ko malaman na dahilan.

"It's okay to go in, Richard. Sinabi ko na sakanila ang buong detalye kaya huwag mo ng alalahanin iyon." sabi niya sa akin.

"Salamat Lyan! Kung di dahil sa'yo, malamang hindi ko na alam ang gagawin ko." sabi ko sakanya.

Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Magiging ayos ang lahat, babalik ka rin sa dati. Hindi ka nag-iisa, kasama mo kami lahat sa pagsubok mong ito. Or should I say them, perhaps." sabi niya.

Bumukas yung pintuan at nabigla ako sa nakita ko.

"Kita mo Richard. Buong pamilya mo nandito upang suportahan ka at tulungan ka sa dinaranas mo ngayon. Ahm, alam ko kailangan mo gawin iyon upang mabuhay muli at matupad ang mga pangako mo. I'm talking about your new heart. Kaya ngayon, nangyari na naman ito sa iyo ulit. Sa tingin ko makakarecover ka kaagad, sa loob ng madaling panahon." paliwanag niya sa akin.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Tuwa ba ito o maiiyak ako sa mga narinig ko ngayon.

Well, I guess it will be both. Atsaka ako ngumisi ng ngiti.

"May nakakatawa ba sa mga sinabi ko, Richard? " tanong ni Lyan sa akin.

Humarap ako sakanya at tinitigan ko ang mga mata niya at sinabi ko na, "Thank you for all of this."

Napangiti siya ng mga sandaling iyon at pumasok na kaming dalawa sa loob.

Pagkalipas ng ilang mga araw, unti-unti nila pinaalala sa akin ang lahat ng hindi ko matandaan.

Nang biglang sumakit ang ulo ko at hindi ko maintindihan kung bakit.

Napatigil ako panandalian at lumingon ako sa buong kapaligiran ko.

Sa mga oras na ito, mag-isa lamang ako sa tahanan namin. Umalis silang lahat dahil may aasikasuhin pa sila. Tinutukoy ko ay sila mama at papa, sila joshua at jireh.

Lalabas sana ako ng bahay namin nang biglang may maalala ako.

"Huh? What the heck?! Yung pangako ko kila Lea, Nicole at Scott ay kailangan ko ng tuparin." sabi ko atsaka ako tumakbo kaagad papunta sa kaharian ni Lord Zeus.

Pagkarating ko roon, nagtanong-tanong ako sa kinaroroonan nilang tatlo ngayon. Subalit walang nakakaalam sa mga pinagtanungan ko.

Huminto ako sa may tabi at umupo roon nang may lumapit sa akin na isang lalaki.

"Kung hinahanap mo ang mga kaibigan mo. Pinabalik na sila ni Lord Zeus sa mundo ng mga tao." sabi niya sa akin.

Nabigla ako sa sinabi niya at nagtaka ako kung paano niya nakilala ang mga tinutukoy ko.

"Kakaalis lang nila, kasama nila si Tony at Aira." patuloy niya.

Tumayo ako atsaka ako nagpasalamat sakanya.

"Walang anuman iyon. Sige, mauna na ako sa'yo." sabi niya sa akin.

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa ibaba ng kaharian.

Habang pababa ako, nakita ko sila Ron at Leon na nakatayo sa pintuan palabas ng kaharian.

"Oh Richard, ikaw pala. Kakaalis lang nila Tony at Aira kasama sila Lea. Bilisan mo at baka maabutan mo pa sila." sabi ni Leon sa akin.

Tumango nalang ako atsaka na lumabas ng kaharian.

Nang maalala na ni Richard ang lahat. Maisakatuparan na kaya niya ang pangako iniwan niya kila Lea?

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now