CHAPTER 35: END OF THE LINE

12 1 0
                                    

Nagulat ako sa aking nakita, at hindi ako makapaniwalang kamukha ni Lord Recxkuz si Pride. Sinubukan kong lumapit sakanila subalit biglang nag.iba na naman yung timeline.

"Tignan mo nga naman, mag.iiba na naman yung timeline. Kung kailan ko naman gusto makita ng malapitan si Lord Recxkuz atsaka pa bigla nag.iba yung timeline." sabi ko.

Nang huminto yung timeline sa isang lugar kung saan hindi ko maalala ito.

"Hmm, nasaan kaya ako ngayon? " sabi ko sa sarili ko.

Nilibot ko itong lugar na napuntahan ko. Makaraan ang limang minuto, wala akong makitang tao kahit saang sulok ng lugar na ito.

"Mukhang nagsipag.alisan ang mga nakatira dito ah. Magulo, makalat at parang nagkaroon pa ng stampede dito. Ano kaya tinatakbuhan nila? " sabi ko.

Lumibot akong muli sa buong siyudad nang may mapansin akong may nakaupo sa bandang tabi ng fountain. Nilapitan ko siya upang malaman ko kung anong nangyari dito sa siyudad.

"Ahm mawalang galang(excuse me) na Miss pero puwede bang magtanong? " sabi ko sakanya.

Hindi siya umimik sa sinabi ko. Kung kaya naman, hinawakan ko ang balikat nito upang makuha ko pansin niya. At pagkaharap nito, nagulat ako sa nakita ko. Kalahati ng pisngi niya ay wala na atsaka kita na ang buto nito sa mukha.

Bigla itong umiyak na parang asong galit na galit. "Rawrhh!! " ungol niya ng makita ako.

"Shit! Hindi kaya? Oh shit, zombie ka! Zombie!! " natataranta kong sinabi.

Dali-dali akong tumakbo palayo sakanya. "Haaa haaa haaa, shit, shit hindi ito maganda, wala akong speed." sabi ko habang hingal na hingal ako sa pagtakbo ko.

Papalapit na ako sa isang mall upang makapagtago, subalit grupo ng mga patay(zombie/undead) ay biglang lumitaw mula roon. "Oh men, dead end." sabi ko.

Nang makita nila ako, kaagad silang tumakbo papunta sa akin. Dahil dito, iniba ko na naman ang ruta(route) ko. Pumunta ako sa isang bakanteng lote upang magtago.

"Sana hindi nila ako mahanap dito." sabi ko habang hingal na hingal ako sa katatakbo.

Pagkalagpas nila sa tinataguan ko, lumabas akong muli upang maghanap ng ligtas na lugar. Habang tumatakbo ako, atsaka ko naalala ang okasyong ito.

"Now I remember! Ito yung dawn of the apocalypse. Dito namin nakalaban ang Death Guild atsaka din namin nilinis ang lugar na ito. Wala kaming tinirang zombie dito." sabi ko.

Nang biglang gumalaw na naman ang buong lugar, ibig sabihin ibang timeline na naman ang mapupuntahan ko.

Sa dami ng mga timeline na napuntahan ko, inabot ako ng mahigit dalawang araw bago ko natapos ang lahat ng mga iyon. Nakita ko din sa mga timeline na iyon ang mga nangyari sa mga pinsan ko, gayundin sa mga kapatid at kaibigan ko. At sa loob ng dalawang araw na iyon, naaalala ko na ngayon kung sino ako, mga pinsan ko, mga kapatid at kaibigan ko.

Alam ko na rin kung ano ako ngayon at paano ako naging ganito na isang bampira na kayang magpalit ng form. Vampire to human form. Kakaiba kami sa lahat pero tinuring ko na rin itong isang gift dahil kahit na isa akong bampira ay kaya ko parin maging tao sa tulong ng special ability namin.

"Well, mga bata nagustuhan niyo ba ang kuwento ko sainyo? " sabi ko sakanila.

"Opo! " sabi nilang lahat. Nang may nagsalita isa sakanila. "Pero Professor Richard, ano na po nangyari dun sa war po ng League of Teens at Death Guild. Pati na rin po kila Pride at Doom laban sa Legendary Gods." tanong ni Kyle sa akin.

"Ahm tungkol diyan puwede bang bukas ko nalang ikuwento sa inyo? Kasi tignan niyo na yung oras, oras na para umuwi kayo. Diba hanggang 10 o'clock lang ang klase natin at isapa bukas may ipapakilala ako sa inyo. At sigurado akong matutuwa kayo." sabi ko sakanila.

"Yehey! sigaw nilang lahat. At dahil sa sobrang tuwa nila, hindi ko maiwasang matuwa din para sakanila. Hindi ko kasi akalain na may makikinig at may magkaka.interest na pakinggan ang storya ko. I mean storya naming lahat, kaming League of Teens.

Kung tutuosin nga sa lahat ng mga hirap na dinanas namin noon ay hindi namin lubos na maisip na may hinaharap pa kaya kami pagkatapos ng lahat ng mga iyon.

Habang nagmamaneho ako pauwi sa amin. Nadatnan kong may nakapark na kotse sa harap ng bahay namin. Tinabi ko muna ang sasakyan ko atsaka ako pumasok sa loob.

Nabigla ako sa nakita ko, nasa bahay namin ngayon sila Tony, Leon, Lyan, Ron at Aira. Nang makita nila ako, nilapitan ako ni Mama ko at sinabing maupo raw katabi nila.

"Anong ginagawa niyo rito? May problema ba? " sabi ko kay Tony.

Natawa ito sa sinabi ko sakanya, tinapik niya ako sa may balikat ko at sinabing, "Balita ko naging Professor ka na ng isang school, sa ano na ngang pangalan nun. Ah, Angel's High School and Elementary School. Tama ba? "

Napatango ako sa sinabi niya at sinabi ko na, "Well actually I'm still a businessman. Nagtuturo lang ako sa school na iyon dahil wala si Lea ngayon. Nasa teacher's conference siya ngayon doon sa ahm malapit sa twin towers company ba iyon o corporation, basta yun."

"Ahh, oh paano Richard mauna na kami. Napadaan lang kami rito sa inyo upang kamustahin kayo. Sige, hanggang sa muli." sabi ni Tony sa akin.

"Bye Richard! " sabi ni Lyan. "Bye! Oh Tony, mag.iingat kayo sa pagmamaneho niyo." sabi ko.

Tumango nalang at nagpaalam na silang lahat.

Kinabukasan, papasok na ako sa trabaho ko nang makasabay ko si Luke papunta sa eskwelahan(school) nila. Kumaway ito sa akin at nag.goodmorning. Ganun din ginawa ko sakanya pabalik.

Pagkadating ko sa eskwelahan, inayos ko na kaagad ang classroom namin atsaka hinanda ang lahat ng mga gagamitin namin. Tinulungan na rin ako ni Luke dahil siya ang unang nakarating sa klase ko.

"Professor Richard, diba po sabi ninyo kahapon may dadalhin po kayo na ikatutuwa namin ngayon. Nasaan na po iyon? " paalala nito sa akin.

Ngumiti ako at sinabing, "Mamaya lang makikita niyo na iyon."

Pagkaraan ng kalahating oras, kumpleto na silang lahat. Nagdasal muna kami bago magsimula ang klase atsaka ko na sila pinaghanda sa sopresa ko.

Lalabas na sana ako pero bigla akong pinigilan ng isang tawag. "Professor Richard! " tawag nito sa akin.

Humarap ako at sinabing, "Yes? Ano iyon Kyle? "

Tumayo ito at lumapit sa akin. Sinabi niya sa'kin na ilapit ko raw ang tenga(ear) ko sakanya. Ginawa ko naman kaagad iyon.

Yun pala may ibubulong(whisper) sa akin. Maya-maya lang ay binulong ko na rin yung sagot ko.

Sa bulungan naming iyon, tinatanong niya sa'kin kung ano raw nangyari kay Richard doon sa storya kong kinuwento sakanila. Ang sinagot ko naman kay Kyle ay mamaya sasabihin ko sa iyo.

Pagkatapos nun ay lumabas na ako at pumunta sa faculty ng mga teachers. Dahil substitute teacher lang ako, naka.lamesa ako ngayon sa puwesto ni Lea.

Mga ilang saglit lang ay pabalik na ako uli sa klase ko. Dala-dala ang picture naming mga League of Teens.

Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako sa nakatayo ngayon sa aking harapan. Dahil dito nabitawan ko ang hawak ko at nakatulala nalang sakanya.

"Nicole? " sabi ko. Ngumiti ito at sinabing, "Hi Richard! "

Ano kayang kailangan ni Nicole at nandito siya ngayon sa school na ito.

===========================

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon