CHAPTER 74: WELCOME BACK

3 0 0
                                    

Habang pinapaliwanag ko kay Andrea ang bagay na kailangan niya malaman.

Bigla kami nasilaw sa pagsulpot ng isang liwanag sa may likuran namin.

At sa paglaho ng liwanag na iyon, nasilayan namin ang mga tao malapit sa amin.

"Hi Richard! Kamusta na? " sabi nito sa'kin atsaka ngumiti.

"Daddy, kilala niyo po ba sila? Bakit parang natutulala na po kayo diyan? " tanong ni Andrea.

"Lyan? At Aira? Anong ginagawa niyo rito? " pagtataka ko.

Ngumiti silang dalawa at sinabi ni Aira na, "Obvious naman diba? Dinadalaw kayong tatlo."

"Aira! " tawag ni Nicole.

Ngumiti si Aira atsaka napasigaw ng, "Nicole!! "

"Seriously? Kailangan niyo pa ba talagang sumigaw para lang dun? Tsk, kakaiba talaga kayo minsan eh noh." sabi ko.

Bigla akong sinuntok ni Lyan sa braso ko at sinabi na, "Hindi ka pa rin nagbabago pagdating sa ganyan. Parehong-pareho parin ugali mo simula pa noon."

Bigla ako kinalabit ni Andrea gamit ang damit ko, hinila niya ito paibaba upang mapansin ko siya.

"Yes baby?! " tanong ko sakanya.

"Sino po sila daddy? Bakit parang kilala nila po kayo ni mommy." pagtataka niya.

Ngumiti ako at sinabi na, "Siya si Lyan at Aira. Silang dalawa ay mga diyosa o goddess sa itaas. Ang tawag sakanila ng mga tao ay The Legendary Gods, dahil sa mga kabutihan ginawa nila."

Bakas sa mukha niya ang pagtataka parin. Hindi niya nakuha ang ibig kong sabihin.

"Hala sige anak, kumuha ka na ng impormasyon sa isipan ni daddy. Nang sa ganoon ay makuha mo mga pinapaliwanag ko sa'yo." sabi ko.

Hindi nagtagal ay tinapik niya ang noo ko gamit ang isang daliri niya.

At pagkalipas ng ilang minuto, nawala na ang bisa ng ability niya sa'kin.

Bigla siya ngumiti sa'kin pagkakuha niya ng impormasyon.

"Okay na po daddy. Malinaw na sa akin ang lahat." sabi ni Andrea.

"Alamin ba naman lahat ng mga nalalaman ko. Aba'y siyempre lilinaw sa'yo ang lahat." sabi ko atsaka tumawa.

Nang pumasan siya sa likuran ko at pinagsasabi na, "Pasan, pasan, dali po daddy. Pasan niyo po ako, tapos takbo tayo ng mabilis."

Binuhat ko siya at ipinatong sa may balikat ko at pagka-pasan ko sakanya. Siya naman pagtakbo ko ng mabilis.

"Ang kulit din pala ng anak ninyo, Nicole. May pinagmanahan." sabi ni Aira atsaka napatawa.

"Oo nga eh. Parehong-pareho sila ng daddy niya." pagsang-ayon ni Nicole.

"So Nicole, kamusta na pala pagtira niyo dito sa kalagitnaan ng kagubatan kung saan malayo sa mga tao? Okay naman ba? " sabi ni Lyan.

"Heto, nakakaraos naman kahit papaano. May nakukuha pang pera si Richard sa mga business na itinayo niya noon. Mabuti nga at hindi pa nalulugi iyon at nagsarado. Malamang wala na kami pagkukuhanan ng pera." paliwanag ni Nicole.

"Hindi mo ba alam na may mga savings si Richard sa banko? " biglang nabanggit ni Lyan kay Nicole.

Napailing(shaking her head) si Nicole at sinabi na, "Walang nababanggit na ganyang bagay si Richard sa'kin. Ano nalalaman mo Lyan? "

"Sa isang banko sa siyudad, sa SeaBank to be exact ay may nakatago siyang pera dun. Sa laki ng halaga nun, aakalain mong buong buhay niya ito pinag-ipunan." paliwanag ni Lyan sakanya.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon