CHAPTER 45: BURDEN

15 1 0
                                    

Matapos ikuwento ni Count Maximus ang lahat ng mga nangyari noon. Hindi makapagsalita ang iba pang mga kasama nila roon, dahil hindi nila alam na iyon pala ang tunay na dahilan sa panahon kung kailan buhay pa si Count Exkiel.

Biglang tumayo si Richard pagkatapos ikuwento ni Count Maximus ang nakaraan, kahit na wala na ang puso nito.

"Papaano kang nakakatayo pa? Kinuha na ni Leila ang puso mo ah." tanong ni Victor na may halong gulat sa boses nito.

Tinitigan ko ng masama si Victor atsaka humarap kila Leila. Habang iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon, pinilit kong sabihin sakanilang lahat ang mga nababasa ko sa isipan ni Leila.

"Hu-hu..wag k-kayong ma-niwala kay Lei-la..." nahihirapan kong sinabi sakanilang lahat.

"Anong ibig mong sabihin na huwag maniwala kay Leila? " tanong ni Count Tristan.

"Hin..di to..too ang mga *argh ha* ha* mga i-yon. Ha* ha* guckkk* Si Leila ang pum..atay sa ama nito." sabi ko habang duguan na ako at sumuka na rin ng dugo.

"Tama na Richard! Huwag mo ng pilitin pa ang katawan mo. Kapag pinagpatuloy mo pa yan siguradong matutuluyan ka na. Pasalamat ka at nagising kapa sa ginawa ni Leila sa iyo." galit na sinabi ni Count Vlad sa akin.

Hindi na ako naka.imik pa at sa halip ay nagpahinga na ako habang nakatayo parin ako.

"Tumayo ka ngayon din mismo Leila." utos ni Count Vlad sakanya.

Napatigil ito sa pagiyak(crying) niya atsaka tumayo pagkautos sakanya ni Count Vlad.

"Ayon sa mga sinabi sa atin ni Count Maximus, pinalalabas niyang siya ang may sala sa lahat ng mga nangyari kay Count Exkiel noon. Habang si Richard naman ay sinasabi niyang huwag tayong maniniwala sa mga iyon dahil planado ni Leila ang lahat ng mga iyon sa simula. Sige, palalabasin kong wala akong narinig ni isa sa mga iyon kaya gusto kong bumalik na kayong lahat sa mga ginagawa ninyo. Leila at ang mga grupo mo ay maaari nang makaalis, Richard dalhin mo na ang mga kasama mo at iuwi mo na, at ikaw Maximus sumama ka sa amin dahil may pagtitipon pa tayong kailangan gawin." sabi ni Count Vlad.

Sa mahabang sermon na ginawa sa amin lahat ni Count Vlad, hindi kami makapagsalita ni isang beses dulot na rin ng sobrang takot naming lahat sakanya. Kaya niya kasing kuhanin ang buhay mo sa isang iglap lang at dahil siya ang pinakapunong bampira, lahat ay kaya niyang gawin sa mga taga-sunod niya o mas mababa pa sa puwesto niya.

Nang magsipag-alisan na silang lahat, hindi ko alam kung paano ko sila bubuhatin niyan. Nanghihina, hirap makatayo, at nanlalabo na ang paningin ko. Total knock-out na sila Lea, Nicole, at Scott ngayon, mabuti nalang umepekto na yung basbas na binigay sa amin nila Zeus.

Pinagtataka ko lang kung bakit ganito nangyayari sa akin, hindi ako tuluyang gumaling pero buhay pa rin ako sa kabila ng wala na akong puso.

Bampira man ako ngayon, kailangan ko parin ng puso dahil dhampir nga kami. Half-human, half-vampire. Kung wala iyon, hindi na ako mabubuhay sa human form ko.

At dahil may basbas nga kami ng mga Gods, maaari pa rin akong mabuhay panandalian lamang. Kaya may oras pa ako para humingi ng tulong sa mga kapatid ko o kaya sa mga pinsan ko.

"Kail--angan... ko maka--hingi... ng tulong... kay Josh." nahihirapan kong sinabi habang kausap ko ang sarili ko.

Nang biglang umilaw ang suot kong suit at nararamdaman kong unti-unti ng gumagaling ang pakiramdam ko.

Makalipas ang ilang segundo, tuluyan ng humilom ang sugat ko pero ang problema ay wala pa sa akin ang puso ko.

"Humilom na nga ang sugat ko, subalit ang puso ko naman ay dinurog ni Leila. Hmm, sa tingin ko gagamitin ko na ang pagkakataong ito upang puntahan sila Joshua at Jireh." sabi ko sa sarili ko.

Tumakbo na ako papunta sa bahay namin upang dalhin sila Joshua at Jireh sa kastilo ni Count Maximus.

Pagkalipas ng mga ilang minuto, nakarating na ako sa bahay namin at wala ng inaksayang oras pa para sa kailangan kong gawin.

"Joshua! Jireh! " sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.

Bumaba silang dalawa sa itaas at nagulat sa ginawa ko. "Ano iyon Kuya? " tanong ni Joshua.

"Bakit Kuya? " tanong ni Jireh.

Kinuha ko na silang dalawa at tumakbo na pabalik sa kastilo. At pagkalipas ng labing-lima minuto(15mins) nakarating na kaming tatlo doon.

Dinala ko sila Joshua at Jireh kung nasaan ngayon sila Lea at laking gulat nila ng makita nilang wala ng buhay sila Scott, Lea, at Nicole.

"Anong nangyari sakanila, Kuya? " tanong ni Jireh sa akin.

"Mahabang kuwento, mamaya ko nalang sasabihin sa inyo ang buong detalye. Sa ngayon, kailangan natin pumunta sa kingdom ni Zeus upang gamutin sila at ibalik sa dati. Kahit ako ay kailangan magamot ngayon mismo." sabi ko sakanya.

"Ano ba kasing nangyari dito? " tanong ni Joshua sa akin.

"Basta!! Iteleport mo na tayo sa kingdom at isama mo na rin silang tatlo." sabi ko na may pagtaas sa boses ko.

"O-okay! Hindi mo naman ako kailangan pagtaasan ng boses eh." sabi ni Joshua sa akin.

Hindi nagtagal ay nagteleport na kami papunta sa kingdom ni Zeus upang magamot na kaming lahat.

Pagkarating namin doon, paisa-isa ko sila dinala sa palasyo ni Zeus nang sa ganoon ay malunasan na sila. Kahit rin ako ay kailangan malunasan.

"Anong ibig sabihin ng mga ito, Richard? " tanong ni Zeus sa akin na may halong pagtataka sa boses nito.

"Lord Zeus! " sabi ko atsaka nagbigay pugay sakanya.

"Kailangan po namin malunasan ngayon. Kinuha po kasi ng kalaban namin ang mga puso namin at heto po gumana yung binigay niyo po basbas sa amin kaya nakakatayo po ako ngayon. wala na rin po akong oras dahil maya't-maya lang po ay mawawala na ang bisa ng basbas ninyo po." paliwanag ko sakanya.

Nilapitan ni Zeus silang tatlo at tinignan kung anong magagawa niya.

"Sorry Richard pero kailangan mo mahanap ang mga puso ninyo kung hindi mawawala na kayo sa mundong ito. Kaya ko lang ikabit ang mga puso ninyo sa dati pero hindi ko kayang bumuhay ng patay na sa ngayon. Mabuti nalang at gumana ang basbas ko sa iyo at may magagawa ka pa para sa mga kaibigan mo." sabi ni Zeus sa akin.

Natahimik ako ng mga sandaling iyon at napaisip ng malalim sa mga sinabi ni Zeus sa akin.

Ano na kaya mangyayari ngayon kila Richard, Nicole, Lea at Scott?? Makikita pa kaya nila ang mga puso nila??

===========================

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon