CHAPTER 58: TWO AGAINST A LEAGUE

1 1 0
                                    

Dahil umano sa pagkabigo nila Richard, Kc, Vince, at Nicole sa plano nila. Bihag sila ngayon ni President Lex at nasa secret hide-out sila ngayon.

"Good work Damaso! " puri niya sakanya.

Ibinato niya sila Richard, Kc, Vince, at Nicole sa may paanan ni President Lex.

"Itali mo na sila magkakasama at ilagay mo ito malayo sakanila upang powerless silang apat at para rin hindi sila makatakas." patuloy ni Presient Lex.

Tumango nalang si Damaso atsaka ginawa ang mga inutos sakanya.

Sa kasalukuyan, naglalakad na si Sister Jessy papunta sa dating base ng Legendary Teens upang masabi ang mga nangyari sakanila.

Pagkadating niya, kumatok kaagad ito sa pintuan at nagbabakasakaling marinig siya ni Head-Butler Jerry.

Mga ilang sandali lang ay pinagbuksan siya nito at laking gulat niya ng makita si Sister Jessy na nag-iisa lamang.

"Ano ho nangyari sainyo, Sister? N-nasaan ang iba mo pang mga kasamahan? " natataranta niyang tanong sakanya.

Biglang naluha si Sister Jessy dahil sa mga nangyari sa kasamahan niya. Nabigla si HB Jerry sa pagluha niya at ipinasok na siya sa loob upang masagot ang katanungan niya.

Pina-upo niya ito sa may sala at tinabihan siya.

"Ano ba talaga nangyari sa inyo, Sister? " tanong niya muli.

Tumingin sakanya si Sister Jessy at sinabi na, "Bihag ni President Lex ang mga bayani. Hawak nila silang apat ngayon."

Nagulat si HB Jerry sa narinig niya at hindi malaman kung anong gagawin.

"Si Father Rence naman ay naiwan ko sa loob ng kampo ni President Lex. Hindi ko na siya naisama pa dahil pinamamadali ako ng bumihag sakanila." patuloy niya.

Tinignan niya si Sister Jessy sa mga mata nito at sinabi na, "Si Damaso ba gumawa nito? Yung elite soldier ni President Lex."

Tumango siya at patuloy parin sa pag-iyak.

"Tawagan mo ang iba pang mga bayani kung hindi, papaslangin nila silang apat ngayon." bigkas niya.

Hindi na nagdalawang isip pa si HB Jerry at kaagad kinontak ang iba pang miyembro ng Legendary Teens.

Pagkalipas ng kalahating oras, nandoon na sila kaagad sa loob ng dati nilang base.

"Jerry, nabasa namin mensahe mo sa computer namin. Nasaan ngayon sila Richard? " tanong ni Lea sakanya.

Tinuro niya si Sister Jessy at kaagad dinampot ni Lea si Sister Jessy at inangat sa ere.

"Nasaan ang iba pa naming mga kasamahan?! Sabihin mo sa akin!! " galit na sinabi ni Lea sakanya.

"President Lex. Si President Lex ang may hawak sakanya ngayon." sabi ni Sister Jessy.

Ibinaba na niya ito at sinabi na, "Nabigo sila sa misyon nila? Pero paano? "

"Si Damaso ang dumukot kay Richard at sa iba pa. Siya rin ay isang elite soldier ni President Lex. Super-human sa madaling salita. Walang sinuman sa mundong ito ang kayang pumaslang sakanya dahil sa angking lakas nito at kakaibang depensa na parang hindi galing sa mundong ito." paliwanag ni HB Jerry sakanila.

"Sino naman iyon, Jerry? " pagtataka ni Lea.

"Siya ang nawawala kong apo. Matagal ko na siyang hinahanap noon palang. At nung nakita ko buhay pa siya, doon ko na parati siya sinusundan ng palihim dahil na rin siguro gusto ko na siyang makapiling na." patuloy niya.

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now