CHAPTER 42: THE HUNTER

21 2 0
                                    

Biglang may pumigil kay Leila sa binabalak nito kila Count Maximus at sa iba pa. At mukhang malapit ito sa buhay niya.

"Stop this right now! " sabi ng di kilalang babae.

"Ikaw si---" putol na sinabi ni Leila.

Atsaka lumitaw sa anino yung babae at nagulat ang mga kasama ni Leila sa nakita nila.

"Imposible! Paanong nangyari iyon!? Leila! " sabi ni Flamedude.

Hindi kumikibo si Leila dahil sa sobrang galit nito.

"Nagulat ka ba, Sis? " sabi nung babae.

Napangisi ng ngiti yung dalawang lalaki at napangiti yung isa pang babae.

"Lea!! " nang.gigil na sinigaw ni Leila sakanya.

"Richard, salamat sa plano mo. Kung hindi siguradong tayo na ang nakahiga ngayon doon." sabi ni Lea sa akin.

"Wala iyon, Lea. Mabuti nga at naisipan ko iyon." sabi ko.

"Huwag niyong sabihin humingi kayo ng tulong sa iba niyo pang kasama sa Legendary Teens." bigkas ni Leila.

"Legendary Teens? Anong ibig niyang sabihin doon, Kuya Richard? " tanong ni Scott sa akin.

"Iyon na ang bagong pangalan ng grupo namin pagkatapos namin matalo sila Pride at Doom, gayundin sa Death Guild." sagot ko.

"Hindi ko maintindihan, Kuya." sabi ni Scott.

"May basbas na kami ng mga Legendary Gods. Which means lilitaw ang pagka.diyos namin kapag kailangan na talaga. Lalong - lalo na kung nanganganib ang mga buhay namin." paliwanag ko.

Hindi makapaniwala si Scott sa mga narinig niya mula sa akin. At nawala na ang konsentrasyon(concentration) nito sa mga kalaban namin.

"Kaya din kami naging Legendary Teens ngayon dahil kinilala kami ng buong bansa sa pagiging dakila, matulungin, at handang harapin ng buong tapang ang masasamang loob kahit na buhay namin ay nakasalalay dito. At pinalabas namin na namatay kaming lahat matapos ang digmaan upang bumalik muli sa lahat ang mga tao sa dati nilang buhay na kung saan ay hindi sila umaasa sa tulong namin." patuloy ko.

"So, sino talaga nagbigay sa inyo ng pangalan na Legendary Teens? " tanong muli ni Scott sa akin.

"Ang Presidente! Inanunsiyo(announce) niya ito sa harapan ng mga tao at ginawan pa kami ng Presidente ng sarili naming musiyo(museum). Kung napadaan ka na sa may roma(Rome), makikita mo doon ang musiyo namin. May statwa, armas, damit, at kung anu-ano pa ang nasa loob nun, iyon ang magsisilbing alala sa iba kung gaano kagiting kaming mga bayani(heroes) nila noong panahon ng digmaan" sagot ko.

Bigla akong bumalik sa tanong ni Leila sa amin at sinagot ko siya, "Hindi ko alam ang sinasabi mo, Leila. Wala kaming hininging tulong mula sa iba pa naming mga kasama. Matagal na disbanded ang grupo namin, matapos ang malagim na digmaan noon."

Ang totoo ay humingi talaga kami ng tulong kay Justine upang gawan kami ng isang ilusyon namin upang magamit laban kila Leila. At mukhang umepekto ang pa.in(bait) namin sakanila.

"Sinungaling! Imposibleng magawa ninyo ang ganyang klaseng ability. Dahil kayong apat ay alam ko na ang mga ability ninyo, lalo na rin sa mga iba niyo pang sekretong abilidad." galit na sinabi ni Leila sa amin.

"Talaga? Katulad ng alin, Leila? " pang-aasar ko sinabi sakanya.

"Ikaw Richard ay kaya mong mang.attract at mag.negate ng isang bagay, pull and push sa maikling salita. Dahil sa tulong ng gravitational force. Ikaw Lea ay may angking abilidad na magkaroon ng pakpak ng anghel. Ikaw Scott ay kaya mong gawing abo ang makakalaban mo sa isang tingin mo lang. At ikaw Nicole ay ahm, ikaw Nicole ano, ahm basta yun nasabi ko na lahat." paliwanag ni Leila.

Legendary Teens (The continuation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon