CHAPTER 34: THE GAPS

9 2 0
                                    

Lahat kami ay hinigop ng kakaibang pintuan at dinala kami sa kawalan. Habang si Pride ay tinitignan kaming lahat na napupunta sa loob nun.

"Hanggang sa muli League of Teens at mga Legendary Gods." sabi ni Pride.

Dahil sa nangyari sa amin, nagkahiwalay-hiwalay kaming lahat.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagising ako sa isang kuwarto. Napakapamilyar nito sa akin pero hindi ko maalala kung saan at kailan ito.

"Argh! Sakit ng ulo ko ah. Hmm? Teka, pamilyar itong lugar na ito sakin. Hindi kaya? " sabi ko atsaka ako lumabas ng kuwarto ko.

Pagkababa ko, nadatnan ko si Mama sa may sala na may hawak na sanggol(baby/enfant) at may kasama rin itong isang batang lalaki.

Pinagmasdan ko silang mabuti at bigla kong naalala ang okasyon na ito.

"Mama, pwede ko na po bang buhatin ang kapatid ko po? " sabi nung bata kay Mama ko.

Nagtaka ako sa sinabi nung bata kay Mama ko dahil alam kong si Josh, at si Jireh lang ang mga kapatid ko. Wala akong naalalang isa ko pang kapatid puwera sakanilang dalawa.

"Richard, Anak, hindi mo pa siya puwedeng buhatin dahil bata ka pa at isapa baka mabitawan mo si Josh. Alam mo naman baby pa siya diba? " sabi ni Mama ko.

Nagulat ako sa narinig ko, dulot na rin ng pagkagulat ko lalo akong nagtaka at dahil dito nilapitan ko na sila Mama at yung bata upang masagot na ang pagtataka ko sa sarili ko.

"Shit! Ako ito ah. 4 yrs. old pa lamang ako nito." sabi ko.

Natuwa ako sa nakikita ko ngayon, hindi ko akalain na mangyayari ito. Biglang may kumatok sa pintuan, "Si Papa! " sabi ko(I'm talking about here that kid when I was still small)

Tumakbo siya kaagad sa may pintuan at binuksan ito. "Papa! " sigaw niya. "Hello Anak! Musta araw mo? " sabi ni Papa. "Okay naman po. Kanina ko pa nga po kinukulit si Josh eh, pinipindot ko po pisngi niya palagi. Hehe." sabi niya.

Nagulat si Papa sa narinig niya at sinabing, "Huwag ganun Anak, baby pa pisngi ni Josh. Baka mamaya lumawlaw pisngi niya paglaki niya."

Napayuko siya sa sinabi ni Papa, atsaka siya humingi ng paumanhin(apology).

Natatawa ako sa aking sarili noong  bata pa ako. Hindi ko akalain na ganito pala ako kakulit noon.

"Grabe, makulit pala ako noon. Hindi ko alam iyon ah. Hmm, well nabanggit naman ni Mama sa'kin tungkol sa bagay na iyon." sabi ko.

Nang biglang nag.iba ang buong kapaligiran ko. Na para bang ibang timeline na naman ang makikita ko.

Napunta ako sa isang bahay kung saan umiiyak si Mama, kasama niya sila Papa, Joshua, at Jireh.

"Tama na po Mama, sa tingin ko naman po nakaligtas si Kuya sa pagsabog na iyon. Malay po natin diba." sabi ni Jireh kay Mama. "Isapa po Mama, nasa loob ng kuwarto si Kuya nung nasa ibaba po kami nun. At hindi po mismo tinamaan ang kuwarto ni Kuya, kasi po bandang hagdanan yung nasabugan po sa tinutuluyan po naming bahay." sabi ni Joshua.

Pero patuloy parin sa pag.iyak si Mama. "Narinig mo naman siguro sila Ma. Hindi mismong kuwarto ang tinamaan ng pagsabog kundi sa may bandang labas nito na malapit sa hagdanan. Tama ba ako mga Anak? " sabi ni Papa.

Tumango sila Joshua at Jireh sa sinabi ni Papa sakanila. "Kahit na, hindi nga natin alam kung nasaan si Kuya mo ngayon eh. Kung buhay siya eh di sana nandito siya." sabi ni Mama habang umiiyak parin ito.

"Grabe, ganito pala nangyari nung nawala ako. Teka, unti-unti ng bumabalik ang memorya ko. Naaalala ko na ang lahat, ahm well kalahati lang pala at hindi pa kumpleto." sabi ko.

Nang mag.iba na naman ang buong paligid. Ngayon naman nasa kakahuyan(forest) na ako. "Hmm, ano kaya ginagawa ko rito? " naguguluhan kong tanong sa sarili ko.

Nang may lumabas sa loob ng maliit na bahay na iyon. May dala siyang palakol(axe) sa kanang kamay nito atsaka niya pinatong sa may balikat nito.

"Oh shit, ako iyon ah. Kailan kaya nangyari ito? Para kasing ang bata parin ng itsura ko na nakikita ko sakanya ngayon." sabi ko sa sarili ko.

Pagkalipas ng ilang minuto, may buhat-buhat na akong putol na punong kahoy at nakapatong ito sa may balikat ko.

"Wooh! Ang lakas ko naman, teka hindi lang malakas sobrang lakas ko naman para mabuhat iyon." sabi ko.

Biglang sumakit na naman ang ulo ko, at hindi ko alam ang dahilan. "Argh! Ano na naman ngayon? " sabi ko.

Habang iniinda(feeling/enduring something like that) ko ang sakit ng ulo ko. Nakuha pansin ko ang isang babae sa likuran ko na sinusundan ako ng palihim.

"Sino kaya iyon na sumusunod sa akin? " tanong ko sa sarili ko.

Pagkaharap nung babae, nakilala ko siya kaagad dahil pamilyar ang itsura niya sa akin. "Si Lea iyon ah. Bakit niya kaya ako sinusundan ng palihim? Hmmm." sabi ko.

Huminto yung sarili ko na may buhat-buhat na punong kahoy atsaka tumingin sa buong paligid.

"Nahalata na siguro niya na may sumusunod sakanya." sabi ko.

Pagkatapos niyang tignan ang buong paligid, naglakad na siyang muli. Dala-dala ang kalahating punong kahoy.

Paalis na sana ako sa kagubatan ng gumalaw na naman ang buong kapaligiran ko. "Hmm, another timeline na naman siguro ito." sabi ko.

Ngayon naman napunta ako sa loob ng isang palasyo. Madilim, tahimik, at puno ng tao ang palasyong ito.

"Bakit kaya ganito ang palasyong ito? Napakadilim at kandila lang ang nagsisilbing ilaw nila dito." sabi ko habang pinagmamasdan ko ang buong kapaligiran ko.

Biglang bumukas yung pintuan at pumasok ang isang babae sa palasyong ito.

"Ha? Si Lea iyon ah! Hmm, ano kaya ginagawa niya rito." bulong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad siya, binalak ko siyang sundan sa pupuntahan nito. Upang masiguro ko kung anong gagawin niya.

Papasok na siya sana sa isang kuwarto ngunit pinigilan siya ng mga bantay at sinabi sakanya na, "Anong kailangan mo? "

"Papasukin ninyo ako. Kailangan kong magreport kay Lord Recxkuz(pronounce as Rexuz). Tungkol ito sa aking binabantayan na tao." sabi niya sa mga kawal.

Di nagtagal ay pinapasok na nila si Lea. Ganun din ako, nakapasok na rin ako sa loob.

"Panginoon! " sabi ni Lea at nagbigay galang ito. "Sige, tumayo ka na diyan at sabihin mo na sa akin ang kailangan mo." sabi niya sakanya.

"Panginoon, tungkol po ito sa pinalit kong tao. Ngayon po ay nakatira siya sa loob ng kagubatan at malayo sa mga tao. At sa loob po ng mahigit limampung taon(50yrs.) ay wala pa po siyang napapatay na tao." paliwag ni Lea kay Lord Recxkuz.

Tumayo ito sa kinauupuan niya atsaka lumapit kay Lea. Nilapit nito ang mukha niya sa may bandang tenga ni Lea atsaka binulong na, "Ang ayaw ko sa lahat ay yung nagsisinungaling sa harapan ko. Tama ba ako roon Lea? "

Napalunok si Lea dulot ng sobrang takot nito. Hindi niya akalain na babantaan siya ng ganoon. "T-tama po kayo roon Panginoon. Alam ko naman po papaslangin(kill) niyo po kaagad yung bampirang iyon na magtatangkang magsinungaling sa inyo po. Hinding-hindi ko po iyon nakalimutan Panginoon." sabi ni Lea na may halong kaba sa boses nito.

"Ano ito? Oh shit! Kamukha ni Recxkuz....Si Pride! " sabi ko na may halong takot sa boses ko.

Ano kayang ibig sabihin nito? Si Lord Recxkuz at si DarLord Pride ay iisa??

===========================

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now