CHAPTER 33: LOST MEMORY

13 2 0
                                    

Nagkamalay na nga muli si Richard matapos niyang lagpasan ang pintuan ni kamatayan.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, may naganap na ikinabigla ng lahat. "Sino kayo? Nasaan ako ngayon? Kilala ko ba kayo? " sabi ni Richard.

Nawalan nga ba talaga si Richard ng ala-ala(memory) o nagpapanggap na naman ito katulad nung dati.

"Ano ka ba Richard kami ito mga kaibigan mo at ang mga pinsa't kapatid mo." sabi ni Lea. Napatingin ako ng matagal sa babaeng kaharap ko at pinagmasdan ko siyang mabuti kung nagsasabi siya ng totoo.

Richard, Please! Alalahanin mo kaming lahat. Kaming lahat ang nakasama mo simula nung mabuo itong grupo na ito.

"Argh! Ba-bakit..ko na..baba..sa ang isipan.. mo." sabi ko sakanya at sabay hawak sa ulo ko dulot ng sakit na nararamdaman ko.

"Dahil iyon ang kakahayan(ability) mo. Angking talento mo iyan buhat nung maging bampira ka." paliwanag niya sa'kin.

Nagulat ako sa narinig ko, "Tama ba narinig ko? Isa akong bampira? " bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan ko siyang muli ng matagal atsaka ko nalang siya biglang kinagat sa leeg.

Nagulat silang lahat sa nagawa ko. Kaya naman pinigilan ako ng isang lalaki atsaka sinabi na, "Nababaliw kana ba Richard?! Bakit mo ginawa iyon kay Lea! " may halong galit sa boses nito.

Pinigilan nung kinagat ko yung lalaki atsaka ito umiling sakanya. "Wala sa sarili niya ngayon si Richard, kaya dapat kausapin natin siya ng mahinaon. Isapa, parang wala lang ito sa akin. Ibabalik nalang ng vampire powers ko ang nawalang dugo dito sa human form ko. Kaya wala ka dapat ipag.alala(worry) sa'kin Leon." sabi nito.

"You better be! Kasi kung hindi, pupuwersahin ko si Richard na ipaalala(remember) sakanya ang lahat." sabi niya.

Biglang nag.iba ang itsura nung babae, mas lalo itong namutla sa kulay at nag.iba rin ang kulay ng mga mata niya.

"A-anong nangyayari sa'yo? " gulat kong tanong sakanya. Pagkatapos niya magbago ng itsura atsaka niya sinagot ang tanong ko sakanya.

"Kaya mo rin gawin itong ginawa ko. Basta iisipin mo lang kung anong itsura mo noon upang makapagpalit ka ng form mo." sagot niya sa akin.

Nagtaka ako sa mga sinabi niya pero sinubukan ko parin gawin ang mga sinabi niya sa akin.

"Wow! Ang galing naman! So ano na ako ngayon? " sabi ko sakanya. Tinitigan niya ako sa aking mga mata at sinabi na, "Naka.human form ka na ngayon, Richard."

Biglang may umatake sa amin mula sa likuran. Dahil dito lahat kami ay nagulantang sa nangyari.

"Ohh, mukhang may pinagkakaabalahan sila doon Pride." sabi ng isang babae. "Baka gusto niyong ipamahagi(share) ang mga sinasabi ninyo diyan? " sabi nung lalaki.

"Pride!!! " galit na sinabi ng isa naming kasama atsaka sinugod siya. Pero pinigilan siya at sinabi sakanya na, "Huwag na muna ngayon Anak. May problema pa kayo sa isa ninyong kasama. Sa ngayon, kailangan na muna nating bumalik sa itaas upang mabalik na natin sa dati si Richard."

Papaalis na sana kami ng biglang may lumitaw na kakaibang pintuan sa harapan namin. Atsaka kami hinigop nito pagkabukas ng pintuan na iyon.

"Paalam League of Teens at mga Gods. Hanggang sa muli nating pagkikita." sabi nung lalaki.

Ano na mangyayari niyan sakanila? At saan sila dadalhin ng kakaibang pintuang iyon matapos silang higupin lahat.

===========================

Legendary Teens (The continuation)Where stories live. Discover now