🎄CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER🎄 PART 2

35.5K 1.8K 757
                                    

Scarlet

Nag-ayos ako ng mga gamit sa kwarto namin. Binigyan kami ng mga kwarto ni Miss Cora at kasama ko rito si August.


"Scarlet, naniniwala ka?"

Nabasag ang katahimikan nang magsalita ang babaeng kasama ko. Nalipat ang tingin ko sa kaniya na kapwa ko ay nag-aayos din ng gamit.

I paused for a second. Tila naalala ko ang tinutukoy niya. Tungkol sa death threat na natatanggap nina Miss Cora at ng asawa niya.


"I don't know. Pero mukhang hindi naman sila ung tipo na nagsisinungaling."

Malalim na napasinghap si August sa sagot ko.


Muli kaming natahimik at nagpatuloy sa mga ginagawa namin. Pero nanatiling nasa isip ko ang posibilidad na totoo o hindi ang sinasabi nina Miss Cora.

They said that they saw bigfoot. At siya raw ang nagpapadala sa kanila ng death threats.

Pero bakit? And for pete's sake, he's really bad at spelling.

Kung siya nga ang-


"AHHHHHH!"

Mabilis akong natigilan sa pag-aayos nang may narinig akong sumagaw. 


Namilog ang mga mata namin ni August at agad kaming nagkatinginan. Madali naming naintindihan ang gustong ipahiwatig ng isa't isa at hindi kami nag-aksaya pa ng oras.

Nagmamadali kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa pinanggalingan ng sigaw. Hindi lamang kami ang nakarinig nun dahil hindi lang kami ang nagsitakbuhan sa pasilyo.


Nakasalubong namin sina Zeldrick at Law na parehong papunta sa iisang direksyon.

Natagpuan namin ang mga sarili namin sa salas. Pare-pareho kaming nakatingin sa babaeng napasigaw kani-kanina lang.


"L-Lemon." Pagtawag ni Zeldrick na bakas ang pag-aalala.


Pareho naming nilapitan si Lemon na nakatalikod sa amin at nakaharap sa bukas na bintana.

"Oi, oi. Wtf happened?" Kabadong tanong ni Law.

Hindi siya sinagot ni Lemon. Bagkus ay nanginginig siyang may tinuturo sa amin.

Napalunok ako nang malalim. Ito ang unang beses na makita ko ng ganito ang senior namin.


Dahan-dahan kaming napatingin sa tinuturo niya. Mabigat ang paghinga ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

I-Is it a corpse? B-Blood? 


Nang mapunta ang tingin ko sa tinuturo ni Lemon ay kusang umawang ang bibig ko. 

My expression changed.

Ang tinuturo niya... ay walang iba kung hindi...


Isang kahon... isang kahon ng cake na wala ng laman.


"S-Someone stole my fucking cake..." 


Doon ko napansin na hindi nanginginig sa takot si Lemon. Bagkus, sa galit.

I heaved a sigh and closed my eyes to calm myself. Narinig ko rin ang malalim na pagbuntong-hininga ng mga kasama ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon