33. Encounter

29K 1.7K 125
                                    

Everyone was shocked and amazed at the same time. Hindi nila inaasahan na isang takeover type ang gift ko.

"Tsk. A takeover huh," iritadong sambit ni Nickle.

Naging alerto si Nickle sa mga kilos niya. Ngayong nakita na niya ang gift ko ay hindi pwedeng umatake na lang siya ng basta-basta.

Kinuha ko ang chansa na 'yon para mag-isip ng strategy. Mayroon akong advantage dahil sa regineration ability ko. Pero tatlong beses ko lamang maaring gamitin 'yon kada gamit ko ng gift, at ginamit ko na ang isa.

Pero hindi 'yon alam ng kalaban ko. Ang alam niya lang ay kaya kong mag-regenerate. Kaya panigurado akong hindi na ito aatake ng hindi pinag-iisipan. Ibig sabihin ay nasa akin ang advantage na iyon dahil hindi kaagad ako mauubusan ng lakas.

Mas mabuti na ring nakita na rin ng iba ang gift ko para malaman nila na hindi gagana sa akin ang mga pisikal na atake. Tanging mga myembro lamang ng guild ko ang nakakita at nakakaalam ng kahinaan ko. At 'yon ay ang mabilis akong nauubusan ng lakas.

Now all I have to do is to think on how can I take her bell without showing any of my weaknesses. Kailangan kong ipakita sa lahat ng nandito na wala akong kahinaan.

"Now you've already seen my gift, bakit hindi na lang ikaw ang sumuko, Nickle?" nakangising sambit ko kay Nickle.

Isang ismid lang ang sinagot niya sa akin. My first strategy is to pressure my opponent by showing my gift. Nang sa gano'n ay siya na mismo ang sumuko.

Hindi nagpatinag si Nickle at sinubukan ako nitong atakihin ulit. Using sands, hugis mga bala naman ang ginawa nito at tinama niya ito sa akin.

Pero hindi katulad ng inaasahan niya ay hindi ko iniwasan ang mga atake niya, bagkus ay sinalo ko ang mga ito. Ang mga bala na tumama sa akin ay unti-unting nilamon ng apoy. Ni walang isang bakas ng sugat ang nangyari sa akin.

I saw the frustration in my opponent's face, nang makita niyang wala man lang epekto ang mga atake niya. Mas lalong kumurba ang labi ko.

"It's useless," nakangising sambit ko rito.

Sa likod ng ngisi ko ay hindi ko mapigilang kabahan. Ginamit ko na ang pangalawang regeneration ko. Kapag pumalpak ang plano kong pasukuin siya ay malilintikan ako kapag naglaban kami.

I should make her give up and avoid any fights.

"Sasayangin mo lang ang lakas mo. Mas mabuting sumuko ka na lang. Pwede ka pa namang bumawi sa ibang guild. 'Wag mo ng pahirapan ang sarili mo," seryosong ani ko.

Napaismid sa sinabi ko si Nickle at tila nagbago ang ekspresyon niya.

"I can't afford to lose in any members of the Grim Reapers..."

"Until I can fight her."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Mayroon siyang gustong makalaban sa guild namin? Pero bakit? At sino?!

"So until then, I'll win!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang muli akong atakihin ni Nickle. Napaismid na lamang ako at iniwasan ito.

Bwisit! Palpak ang first strategy ko!

I bit my lower lip. I don't have a choice then. Kahit balak ko itong gamitin sa mga Deities ay wala akong choice kung hindi gamitin ito. Para na rin hindi nila malaman ang kahinaan ko. Tatapusin ko na agad ito.

"Tsk. I'm sorry Nickle, I need to win too."

Naramdaman ko ang pagbabago ng buo kong katawan. Napalibutan ako ng apoy na hindi nakakapaso, bagkus ay nakakagaan ng pakiramdam.

Tuluyan na 'kong naging phoenix. It's the same ability that I used when I fought Zeldrick.

Nabigla si Nickle sa biglaang pagbabago ko at hindi ito kaagad naka-react. Kinuha ko ang chansa na iyon para lumipad papunta sa kaniya.

Tila naging desperado na siya at kahit anong klaseng atake ay ginawa niya sa akin. Ngunit walang tumalab ni isa sa kanila at tumagos lang ang mga ito sa akin.

Natigilan na lang siya nang tuluyan na 'kong napunta sa harap niya. She didn't got a chance to react. I changed in my human hands and took her bell.

Kasunod n'on ay ang pag-anunsyo ng announcer na ako ang panalo.

Ramdam ko ang pagbigat ng paghinga ko nang i-cancel ko ang gift ko. Bwisit, kaya akong gamitin ang ability na 'yon.

Tila napunta ang tingin ko kay Nickle na bakas sa mukha ang pagkainis. Mahigpit ang pagkasasara nito sa kamao niya at pinipigilan niyang umiyak. Hindi ko mapigilang mapaisip kung sino ang gusto niyang makalaban sa guild ko at ano ang dahilan.

"Bumalik na kayo, magsisimula na ang susunod," sambit ng announcer.

Hindi ko na nagawang tanungin si Nickle nang nauna na itong bumalik. Tanging pagsunod na lang ng tingin ko sa kaniya ang nagawa ko. Imbis naman na bumalik ako sa pwesto namin ay lumabas muna ako ng stadium upang makakuha ng maiinom. Pumunta ako sa pasilyo kung saan merong drinking water fountain.

Nakaramdam ako ng pagkauhaw dahil sa laban.

Nang matapos kong uminom ay kaagad din akong bumalik sa entrance ng stadium. Habang naglalakad pabalik ay natigilan ako nang may nakasalubong akong babae. She looks like she's on her mid 40s.

She's wearing a formal attire, and her long brown hair is in waterfall braid. Hindi maipagkakaila ang kagandahan niya.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko at wala akong magawa kung hindi titigan lamang siya. For pete's sake, I'm always lost for words every time I see gorgeous people.

Nang mapansin niya 'ko ay kumurba ang labi niya sa isang ngiti.

Nakaawang ang bibig ko nang lumapit siya sa akin. Natauhan na lang ako nang inabutan niya 'ko ng panyo. Doon ko napansin na nabasa pala ang damit ko nang uminom ako sa fountain.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko bigla. Nakakahiya!

"T-Thank you po," sambit ko rito.

Isang ngiti ang sinagot niya sa akin. "What's your name?" tanong niya.

"A-Ah, Scarlet Ma'am!" biglaang sagot ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong naging balisa.

She smiled. "Oh, good luck, Scarlet. Do your best."

Hindi ko nagawang makasagot sa kaniya dahil nanatili akong nakatingin sa mukha niya. Muli na lang akong natauhan nang may isang lalaking tumakbo papunta sa amin at tinawag ang babaeng kaharap ko.

"Miss Portugal! Need daw po kayo!" sambit ng lalaki habang tumatakbo papunta sa amin.

"Oh, sorry!" sagot ng babae rito at muli akong tinapunan ng tingin. "Well then, good bye!" nakangiting aniya bago tuluyang umalis.

Hindi pa rin mawala ang tingin ko sa kaniya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"W-Who's that?" tanong ko sa lalaking tumawag sa kaniya.

Tinignan ako ng lalaki na para bang may mali sa sinabi ko. Magkasalubong ang kilay niya at nakakunot ang noo.

"That's Miss Prisma Portugal! Duh! Ang asawa ng principal ng Nocturne Academy!"

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon