28. Battle of the Greatest

30.1K 1.8K 598
                                    

Ismid ang sinagot ni Law kay Zeldrick. Matapos nilang magtalo ay sa dulo ay nanatili pa rin kaming nanood kay August.

Naiintindihan ko ang gustong iparating ni Law. Kung ako rin naman ang tatanungin ay halata ng nahihirapan na si August. Pero hindi ko rin siya kayang pahintuin.

Kagaya ng sabi ni Zeldrick ay ginagawa niya ang makakaya niya para sa guild.

Sana lang ay matapos na kaagad ang laban na ito at huwag ng tumagal pa. The same as August, halata na ring napapagod na ang taga-Spiders. Hindi biro ang lakas na ginagamit niya para i-summon ang napakalaking familiar niya.

"I think it's about time to end this, shall we?" nakangising sambit ng myembro ng Spiders.

Napaismid si Zeldrick nang marinig ang sinabi nito at biglang itong sumugod. Mabuti na lang at napigilan siya ni Elroy at ni Gin.

"Stupid! Hindi naman ikaw ang kausap!" giit ni Lemon dito.

Ismid ang sinagot ni Zeldrick. Kasunod n'on ay ang pagtingin muli sa field kung nasaan sina August.

"Nice, I'm also thinking of that," sagot ni August sa taga-Spiders.

Napalunok ako nang malalim nang parehong nagbago ang ekspresyon ng dalawang representative ng guild. Katulad nila ay tila nagbago rin ang inakto ng mga familiars nila.

This is it. They're gonna end this in their next attack.

Naging seryoso sa panonood sina Law at parang walang kumukurap sa kanila. Kahit ako ay nanatiling nakatingin sa laban ng dalawa.

Humanda na sa pag-atake ang dalawang familiars. Naunang sumugod sa kanila ang familiar ng Spiders, the massive mammoth.

Pigil hininga ang mga sumunod na nangyari. Bago pa man makalapit ang mammoth sa familiar ni August ay biglaan na lamang itong bumuga ng napalaking apoy. A fire that's big enough to burn the huge mammoth.

The fire spread throughout it's fur—burning the huge creature alive.

Pare-parehong natigilan sa napanood ang mga nasa stadium. Kahit kaming mga Grim Reapers rin ay nabigla sa napakalaking apoy na binuga ng chimera. Kahit ano pang sabihin ng iba ay imposibleng bumuga ng gano'ng kalaking apoy ang mga mythical creatures na iyon.

No wonder why August is a Grim Reaper... ibang klase talaga siya.

Matapos ianunsyo ng announcer na ang Grim Reapers ang nanalo ay walang tigil ang paghiyaw ni Zeldrick.

"Freaking told yah jerks! Kaya ni August 'yon!"

Napabuntong-hininga na lamang kami rito. Eh siya pa nga 'yong sobrang kinakabahan para sa partner niya kanina.

"Nice," nakangiting bulong ni Law.

Kahit ayaw niyang ipahalata ay alam kong nag-aalala lang din siya kay August.

"Yey!! May panalo na tayo!" natutuwang sambit ni Lemon.

Ngiti ang naging reaksyon ko rito. Magandang simula ito dahil nanalo kami.

Habang nagsasaya ang mga kasama ko ay napako ang tingin ko sa screen. Doon ko nakita ang susunod na maglalaban. The Beast and-

The Deities.

Natauhan din si Gin nang makita rin ang nakalagay sa screen.

"Oi, oi. Base sa narinig kong usap-usapan kanina ay ang Beast ang pumangalawa sa Avelites nakaraang taon," kumento ni Law.

Tila nagbago ang mga ekspresyon ng mga kasama ko. Kung kanina ay nagsasaya sila ay ngayon pare-pareho silang naging seryoso. Mukhang hindi talaga basta-basta sa kanila ang mga Deities.

All of our eyes were locked on the field. Matapos umalis nina August sa field ay dumating na ang susunod na maglalaban. Unang pumwesto sa gitna ay ang taga-Beast. Sigurado akong taga-Beast ito dahil hindi ko siya nakitang kasama nina King kanina.

Mukhang masyadong malaki ang tiwala niya sa sarili dahil kahit wala pa ang taga-Deity sa gitna ay nauna na niyang sinummon ang familiar niya.

Kasunod ng pag-summon niya ay ang biglaang paggalaw nang kaunti ng lupa. Kahit hindi ito gaano kalakas ay sapat na ang paggalaw nito para maramdaman namin. Kasabay n'on ay ang ngising hindi mawala sa labi ng taga-Beast. Hindi ko tuloy mapigilang mairita sa itsura niya.

Pagtapos ng paggalaw ng lupa ay ang pagtaas ng tubig sa dagat. Doon ko nakita ang dahilan kung bakit mataas ang tiwala ng taga-Beast sa sarili niya.

Naramdaman ko ang pagbigat ng hininga ko nang lumabas ang ulo nito sa dagat. For fucking pete's sake, it's so freaking huge.

That Beast's member's familiar is no other than the Megalodon.

Hindi ko mapigilang matakot sa itsura nito. No wonder sinummon kaagad siya ng taga-Beast. Gusto niyang ipamukha sa amin na walang makatatalo sa familiar niya.

Not even... the Deities.

Sa kabila ng mga reaksyon namin ay naagaw ng atensyon ko ang itsura ni Gin. Walang gana itong nakatingin sa Megalodon na para bang hindi siya natatakot.

What the... fuck?

Doon ko lamang din napansin ang pagdating ng representative ng Deities. The girl with a blue hair. Iyong babaeng nakikipag-away sa registrar. Kung hindi ako nagkakamali ay Aqua ang pangalan niya.

Hindi ko mapigilang mapahanga dahil nagagawa pa rin nitong maglakad sa gitna ng field ng walang takot. Kahit na hindi hamak na mas malaki sa pwesto niya ang Megalodon.

Paano niya magagawang labanan 'yan?

Imbis na kabahan sa nakita ay kumurba pa ang labi ni Aqua na kinanuot ng noo ng taga-Beast. Pagkatapos n'on ay hindi na rin pinatagal ni Aqua ang paghihintay dahil sinummon na rin niya ang familiar niya.

"Eh? So she's not scared of the sea anymore huh? That'll make her more frightening," bulong ni Gin habang nakangusong nakatingin kay Aqua.

Kasunod n'on ay ang biglaang paggalaw ulit ng lupa. Hindi katulad kanina ay hindi hamak na mas malakas ang paglindol ngayon. Unti-unti ring bimibitak ang iilang hagdanan sa stadium. Kasabay n'on ay ang biglaang pagkulog.

My eyes widened and my jaw drop. Doon ko nakita ang unti-unting paglitaw ng isang halimaw sa dagat. I suddenly felt the chills down in my spine. Hindi ko mapigilang manginig habang unti-unting lumalabas ang katawan nito. Hindi lamang ako kung hindi na rin ang mga gifted sa Stadium.

Pero iilan sa kanila ay hindi na natatakot sa halimaw na unti-unting lumilitaw. Kabilang na rito si Gin na kaswal na nakatingin dito.

"Tsk, there she goes. The God's favorite," sarkastikong aniya.

Napanganga na lamang ang ako sa naging reaksyon ng Guild's Master namin. Lahat kami rito ay hindi mapigilang matakot habang parang bata lamang siya na naiinggit.

"Tsk. Ano pa ba ang inaasahan mo sa 7 crowns at queen ng Deities," muling aniya.

"The Leviathan is just like a pet to her."


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now