27. Clash of Familiars

30.5K 1.5K 56
                                    

Chimera? Iyon... ang familiar ni August?

Unlike manticores, nabasa ko na sa libro ang mga chimeras. It's a fire-breathing hybrid. Ang katawan nito ay iba't ibang parte ng mga hayop.

"Okay, representatives! Pumunta kayo sa categories kung saan nabibilang ang mga familiars!"

Pare-parehong napunta ang mga atensyon namin sa field dahil sa sinabi ng announcer. Nanatiling na kay August ang tingin ko. Pumwesto ito sa category na land. Mukha namang ibabase nila ang laban sa categories ng familiars.

Matapos nilang mapunta sa mga categories nila ay bigla na lamang nagbago ang nasa screen.

"First round! The Coyotes VS. The Keepers!"

Umalingawngaw ang hiyawan ng mga tao sa stadium. Kasabay n'on ay ang pagpwesto sa gitna ng field ng dalawang representative ng dalawang guild.

Hindi ako pamilyar sa guild nila. Pero base sa mga damit nila ay mukhang parehong open guilds ang dalawang ito.

With the announcer's signal, they both summoned their familiars.

The Coyotes' familiar was an eagle, habang ang sa Keepers naman ay isang vulture. Base sa mga familiars nila ay nasa air category sila.

Hindi ako masyadong naengganyo sa laban nila. Unlike the guild's from the Academy and dark guilds, bibihira lamang ang isang mythical familiar sa mga open guilds. Normal na familiar lamang ang nasa kanila. In the end, ang Keepers ang nanalo.

Ilang laban pa ang pinanuod namin at iilan sa kanila ay hindi ko mapigilang mapanganga. Some of the dark guilds and guild's from the Academy's familiar were freaking awesome. Unang beses kong makakita ng isang axex dito, a kind of griffin.

Habang nanonood ay nakuha ng atensyon ko ang susunod na maglalaban. It's the Coders vs the Serpents.

Sa pagkakaalala ko ay coders ang guild nina Eslin. Tinignan ko kung sino ang representative nila at isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yon ang lalaking kasama kanina nina Eslin. Sa pagkakaalala ko ay Zeke ang pangalan niya.

Sila naman ang pumwesto sa gitna ng field. Ang kalaban ni Zeke ay isang lalaki ring galing sa Serpents.

Iyong taga-Serpents ang naunang nag-summon ng familiar. Hindi ko mapigilang mapahanga sa familiar niya. It's a huge komodo dragon. And when I say huge, I mean so fucking huge. Walang-wala sa ordinaryong laki ng komodo dragon ang laki nito. Sa totoo lang ay hindi ko maitatangging mas malaki 'to nang kaunti kay Killer.

Sa kabilang banda naman ay hindi rin nagpatalo si Zeke. The jerk summoned a freaking huge Spider. No'ng una ay mukhang mas malaki ang sa Serpents pero nang tumayo ang gagamba at nakita namin ang mga paa nito ay hindi hamak na dumoble ang laki nito.

Akala ko no'ng una ay hindi hamak na mas maangas at mas maganda kapag isang mythical creature ang familiar mo. Pero dahil sa nakikita ko ngayon ay hindi ko maitatangging nakakatakot rin pala ang mga ordinaryong familiars.

Ilang minuto rin ang tinagal ng laban nila at buong oras na 'yon ay nanatiling nasa kanila ang atensyon ko. Hindi lang ako kung hindi na rin ang mga kasama ko ay naengganyo sa napanood nila. Sa dulo, si Zeke ang nanalo.

Matapos ang laban ng Coders at Serpents ay sumunod na ang laban na hinihintay namin. Susunod na lalaban ay ang Grim Reapers. Pero pare-pareho kaming natigilan kung sino ang magiging kalaban ni August.

It's no other than the Spiders. Sabay-sabay na nagbago ang mga ekspresyon namin. Tinignan ko ang reaksyon ni August pero nanatili itong kampante kahit alam na niya ang makakalaban niya.

Hindi ko tuloy mapigilang kabahan para rito. Pero familiars lang naman ang maglalaban hindi ba? Ibig sabihin lang n'on ay hindi gano'n mapapahamak si August. Kaya... hindi namin kailangang mag-alala... hindi ba?

Pumwesto na sa gitna ng field sina August at ang representative ng Spiders. A guy with a jet black hair and glasses.

Naunang mag-summon si August at dumating ang familiar niya. Sumunod naman ang Spiders at pare-pareho kaming napanganga sa familiar nito. Kahit si August ay nagbago rin ang ekspresyon.

It's an extinct animal.

A freaking mammoth.

At hindi lang basta-basta mammoth. A massive mammoth.

For pete's sake, kasing laki lamang ng paa n'ong mammoth ang familiar ni August.

Rinig ko ang pag-ismid ni Law sa gilid ko. Kahit ang iba ko ring kasama ay hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkairita.

Hindi ba madaya 'yon?! Hindi ba dapat by size rin ang labanan?!

"Tsk, bakit ganiyan ang mga itsura niyo? That's my freaking partner! Hindi aatras diyan si August!" sambit ni Zeldrick.

Pero sa kabila ng sinabi niya ay halata namang nakahihigit sa aming lahat ay siya ang pinakakinakabahan para kay August. Napakagat na lamang ako sa kuko ng hinlalaki ko habang pinapanood ang magiging laban nila.

Matapos mapakapag-summon ng dalawang guild ay nagsimula na kaagad ang laban. Sa kabila ng laki ng mammoth ay lumipad ang familiar ni August at binugahan ito ng apoy.

Sa kabilang banda ay mayroon pa ring advantage ang pagiging maliit ng chimera kumpara sa mammoth. Dahil madali itong nakalilipad at nakagagalaw habang nahihirapan naman itong hulihin ng mammoth.

Lumipas ang ilang minuto ang pakikipagpalitan ng atake ang dalawang familiar. Ni wala sa kanilang gustong magpatalo.

Hindi mawala ang tingin ko kay August na halatang napapagod na rin dahil sa paggamit ng familiar niya. Maari itong matumba kahit anong oras. At the same time, parang si Zeldrick ang nakikipaglaban dahil parang mas pinagpapawisan pa ito kaysa kay August.

Doon ko napagtanto kung gaano kahalaga si August para kay Zeldrick. They may always fight, but at the end of the day, lagi nilang nasasandalan ang isa't isa. But I think that they're both dense to see their feelings for each other.

"Oi, oi. Kapag nagpatuloy pa 'to ay hindi na makakalaban si August sa susunod na round. Pahintuin mo na siya Gin."

Kumunot ang noo ni Zeldrick sa sinabi ni Law at tumalim ang tingin niya sa kaniya.

"Anong sinabi mo? Hindi mo ba nakikita na ginagawa niya ang makakaya niya para manalo? Tapos gusto mo lang na sumuko siya?" giit ni Zeldrick.

Napaismid si Law. "So, you're telling me to let her be? We still don't know what the third round is. Kung mauubos na niya ang lakas niya ngayon ay patay siya sa susunod na laban," walang kaemo-emosyong sambit ni Law.

Zeldrick clicked his tongue as he look at my partner dead in the eye.

"Fuck off Law, just shut up and watch."


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now