41. The right hand

28.9K 1.6K 427
                                    

Gamit ang natitirang lakas ko ay nagawa kong paapuyin ang buo kong katawan. Just like when my whole body turns into a phoenix, I'm invincible. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ako naging literal na phoenix ngayon.

Mukha ring seseryosohin na 'ko ni Zail. He took a knife from his pocket and his expression changed. We're both getting ready for our next attack.

Akmang mauuna na 'ko sumugod nang nawala sa paningin ko si Zail. Agad akong naging alerto sa ginawa niya.

Nakaramdam ako ng paggalaw sa likod ko at imbis na kumilos ay sinalo ko ang atake niya. Tumagos lang ang patalim ni Zail sa akin na kinabigla niya. Kinuha ko ang chansa na 'yon para hawakan ang kamay niya at sapilitan na binali ito.

I saw Zail flinched and I took that chance to take his bell. Ngunit mabilis na siyang naka-react at nawala sa harapan ko.

Nalipat si Zail ilang metro ang layo sa akin hawak-hawak ang kamay nitong na-dislocate ang buto. Napasinghap ako nang walang kaemo-emosyong niyang binalik ang ayos ng kamay niya.

Malalim na ang paghinga ko at pakiramdam ko ay kahit anong oras ay mawawala na ang epekto ng gift ko.

Kailangan ko ng tapusin ito.

Naghanda na 'ko sa susunod kong atake. Katulad ko ay naghanda na rin si Zail. Nakapako ang tingin ko sa kaniya at labis kong pinakaramdaman ang mga kilos niya.

Sabay kaming sumugod sa isa't isa at habang papalapit sa akin si Zail ay nawala siya. Agad akong naging alerto at mabilis kong nabasa ang galaw niya.

Sumulpot ito sa gilid ko at bumwelo siya sa pag-atake. Hinanda ko ang kamay ko para sa patalim niya at nang sinubukan niya 'kong saksakin ay agad ko itong sinalo.

Akala ko ay nagawa kong pigilan ang atake ni Zail sa akin pero agad akong natauhan nang makita ang kaliwang paa niyang malapit ng tumama sa akin.

Alam kong hindi ko na ito magagawang iwasan kaya buong lakas ko ring ginamit ang kaliwang paa ko upang sipain siya.

Pareho kaming tumilapon ni Zail nang makatanggap kami ng parehong atake sa isa't isa. Naramdaman ko ang sakit ng tagiliran ko. Doon ko napagtanto na hindi na tuluyang gumagana ang kakayahan ko at malapit ng maubos ang lakas ko.

Hindi ko pinatagal ang pagkabagsak ko at agad akong tumayo. Kinuha ko ang pocket knife ko sa ilalim ng skirt ko na lagi kong dala. Tatapusin ko na ito sa susunod ko na atake.

Kapwa ko ay agad ding bumangon si Zail. Dumura ito ng dugo at pinunasan ang labi niya.

I suddenly felt the chills in my spine. I don't know why.

Para bang ito ang naramdaman ko no'g una kaming nagkita ni Law—it feels like I'm gonna die.

Iniling ko ang ulo ko at inisinawalang bahala ang nasa isip ko. Naghanda na 'ko sa susunod kong atake. Sabay kaming sumugod ni Zail at parehong nakatutok ang mga patalim namin sa isa't isa.

Sobrang bilis ng pangyayari at hindi kaagad nakahabol ang mga mata ko. The next thing I knew, Zail's shoulder was bleeding. Natamaan ko ito ng patalim ko.

Sa oras na 'yon ay tanging pagngiti na lamang ang nagawa ko. Doon ko nakita kung gaano kalaki ang pagitan ng lakas namin ni Zail.

Nagawa ko siyang puruhan sa balikat. Ngunit sapat na ang putol kong kanang kamay para malaman kung sino ang mas malakas sa amin.

Zail didn't took my bell. He took my whole arm where my bell was.

Pinorposeso pa ng utak ko ang mga nangyari at natauhan na lamang ako nang in-announce ng announcer ang panalo.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon