32. Losing is not an option

29.1K 1.7K 232
                                    

Napaismid na lamang ang mga kasama ko sa nangyari kay Zeldrick. Pinairal na naman nito ang kayabangan niya at tuluyan na itong napalibutan ng mga ugat.

"Fucking asshole," iritadong sambit ni Lemon.

Tila nawalan na kami ng pag-asa nang hindi na ito makagalaw sa gitna ng field. Bakit pa kasi nakipaghintayan pa siya?!

"Looks like there's already someone who'll clean the Guild," bulong ni Elroy.

Napaismid na lang ako nang nagsimula ng maglakad ang kalaban ni Zeldrick papalapit sa kaniya upang kunin ang bell niya. Mukhang masyado akong nagtiwala kay Zeldrick. I overestiated him. Kahit sa laban ay sadyang kupal-

"Winner! Zeldrick from the Grim Reapers!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang sinabi ng announcer. Agad napunta ang tingin ko sa field at hindi ko mapigilang mapanganga. My eyes slowely widened as I can't help but to get confused.

Masayang naglakad pabalik sa amin si Zeldrick—hawak-hawak ang bell ng kalaban.

"P-Paanong?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Kumurba ang labi ni Zeldrick bago itapat sa pagmumukha kong ang bell na hawak-hawak niya.

"Piece of cake," aniya.

Nawala ang ngisi nito sa labi nang malakas itong binatukan ni August. "Stupid jerk!" nanggigigil na sambit ni August dito.

"H-Hoy ano ba?! Nanalo naman ako ah!" giit ni Zeldrick habang hawak-hawak ang ulo niya.

"Eh ano pa 'yong pakana mo ha?! Papansin ka talaga!"

Napasinghap si Zeldrick dito. "I just want to see her gift first! Para alam ko kung gagana ang gift ko!" pagpapaliwanag niya.

Natauhan ako sa sinabi niya. I forgot Zeldrick's gift. The ability to control any metal...

"Tsk, 'yong mga weapons na dinala ko ay palamuti lang. Hindi 'yon kasama sa plano ko." Napakamot siya sa ulo niya.

"Taking her bell is just a piece of cake. Pero depende 'yon sa gift niya, kaya kailangan ko munang makita," nakasimangot na dagdag niya.

"Nang makita ko ang gift niya ay tumuloy ako sa plano ko. She literally made things easier for me. Siya na mismo ang lumapit sa akin. Tuloy, tulad niya ay naguguluhan rin ang mga nanonood. That means, hindi pa rin nila alam ng tuluyan ang kakayahan ko."

My mouth remained open. Hindi ko mapigilang humanga kay Zeldrick. Gaano ba kalayo ang na-predict niya at umayon ang lahat sa kagustuhan niya?

This freaking jerk is really scary in the field. Lalo na kapag pinapagana niya ang utak niya.

"He may not look like it... but Zeldrick's IQ is over 200," walang ganang sambit ni Law sa tabi ko. Nakasalumbaba siyang nakatingin sa field.

"Si Zeldrick ang utak ng guild. Kadalasan sa kaniya lumalapit si Helena para sa pagplano ng mga team missions. Though, mas pinapairal niya palagi ang kayabangan niya. But still, isa sa dahilan ang talino niya kaya siya naging isang Grim Reaper."

Napanganga na lamang ako sa narinig at muling napunta ang tingin ko kay Zeldrick na tuwang-tuwa sa bell na hawak niya. Bumalik ang alaala ko sa unang laban namin at ang kailan na laban namin na tinalo niya 'ko.

I thought that he was just a stupid jerk na hindi marunong magseryoso. Pero nagkakamali ako. Ibig sabihin lamang n'on ay hindi ko pa nagagawang makalaban si Zeldrick gamit ang totoong lakas niya.

To be honest, hindi ko pa rin nakikita ang buong lakas ng mga kasama ko. The reason why they're the Grim Reapers—the reason why Helena and the Portugals' acknowledge them.

They're really-

"Oi, oi. It's not the time to be amazed. It's your turn."

Natigilan ako sa pag-iisip nang muling nagsalita sa tabi ko si Law. Natauhan ako sa sinabi niya at agad akong napatingin sa screen.

Scarlet from the Grim Reapers and-

Nickle form the Coders.

Naalala ko kung sino ang babae na 'to. Isa siya sa mga nakilala ko kanina bago magsimula ang event.

"Good luck Scarlet!" sambit ni Lemon nang makita rin ang nakalagay sa screen.

Hindi ko pinatagal ang pagtunganga ko at agad na 'kong tumayo upang bumaba sa field. Hindi pa 'ko tuluyang nakalalayo ay may pahabol na sinabi si Law.

"Good luck, hood."

I suddenly felt something strange. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

What the heck? It's just only two words! Ano ba itong nangyayari sa akin?!

Iniling ko ang ulo ko at pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdan. Hindi ngayon ang oras para mag-isip ako ng kung ano-ano. Kailangan kong mag-focus sa laban.

Nang makarating ako sa field ay hinarang muna ako ng announcer upang ilagay ang bell sa bewang ko.

"Good luck!" aniya.

Nang malagay na niya ang bell sa bewang ko ay dumeretso na 'ko sa gitna ng field kung saan naghihintay sa akin si Nickle.

"I didn't expect na ikaw ang makakalaban ko. Wala sanang samaan ng loob," sambit niya sa akin. She fixed her glasses.

Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. "Yeah, right. Wala sanang samaan ng loob."

Umalingawngaw ang tunog ng pito ng announcer. Kasunod n'on ay ang agadang pagbabago ng mata ni Nickle.

Her eyes-

Turned... sand?

Hindi kaagad ako nakapag-react sa paggamit niya ng gift niya at natauhan na lamang ako nang nagsimulang magtipon-tipon ang mga buhangin sa field.

Tsk, masyado siyang nagmamadali. Gano'n na lang niya ba 'ko gustong talunin?

"I'm sorry, Scarlet. Hindi ako pwedeng matalo rito," seryosong sambit niya sa akin.

Nagsimulang pumunta sa akin ang mga buhangin. Hinanda ko ang sarili ko nang tuluyan na itong makalapit sa akin. Hindi ko pa alam kung ano ang kakayahan ng mga buhangin na ito-

Natigilan ako nang naghugis kamay ang buhangin at hinatak nito ang paa ko. Hindi ko nagawang makaiwas at natagpuan ko ang sarili kong hila-hila ng buhangin.

Isa pang kinabahala ko ay ang nangyari sa paa ko nang madikitan ito ng buhangin. Unti-unti itong natuyo na para bang wala ng laman.

Dahil sa nangyari ay kusang gumalaw ang mga paa ko upang sipain ang humahatak sa akin. Dahil sa lakas ng pagkasisipa ko ay nawarak ang hugis kamay na buhangin.

Mas lalo kong nakita ang itsura ng paa ko ng nang mahawala na ang mga buhangin dito. Sobrang naging tuyo ito na parang buto na lang ang natira.

"I told you. Iyan ang mangyayari sa'yo kapag pinagpatuloy natin 'to. I'm sorry, I really need to win. Ibigay mo na ang bell mo," seryosong sambit ni Nickle.

I can see her determination in her eyes... at the same time, she doesn't want to hurt me more.

Tumagal ng ilang segundo bago ako sumagot dito. Unti-unting kumurba ang labi ko kasabay ng pagbabago ng mga mata ko.

Kapwa natigilan si Nickle pati na rin ang mga nanonood. Hindi ko masisisi ang reaksyon nila dahil bibihira naman talaga ang mga gift na katulad sa akin.

Nakaramdam ako ng pag-iinit, pero hindi nakakapaso. Kasabay ng paggamit ko ng gift ko ay unti-unti na ring bumalik sa rati ang paa ko.

Nagtama ang mga mata namin ng babaeng kaharap ko. Naapatras siya nang kaunti.

"I'm also sorry too Nickle. But losing is not an option."

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon