43. Rosa Town

29.8K 1.7K 542
                                    

Wala kaming choice kung hindi sumunod kay Helena. Pare-pareho kaming nakasakay ngayon sa kalesa papunta sa Rosa. Ang bayan kung saan si Helena lamang ang nakatira.

Katabi ko si Law at Zeldrick sa upuan. Dulot na rin siguro ng pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe

Nagising ako nang makaramdam ako ng pagyugyog sa akin.

"Oi, oi. Hood, wake up." Rinig kong sambit ni Law.

Dahan-dahan kong inimulat ang mga mata ko at bumungad sa akin malapit na mukha ni Law. Napalunok ako nang malalim nang naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Doon ko napagtanto na nakasandal pala ako sa kaniya buong byahe. Agad akong natauhan at bumangon sa pagkasasandal.

"O-Oh, sorry."

Tawa ang sinagot sa akin ni Law at pareho kaming bumaba sa kalesa. Pagkababa ko ay bumungad sa akin ang isang magubat na lugar. Inilibot ko ang tingin ko at tanging mga puno lamang ang nakikita ko. Hindi na 'ko nagtaka kung bakit hanggang bungad lamang ng tunnel kami naihatid ng kalesa.

"What the fuck? Ano 'to? Bahay lang ni Principal Helena ang may patag?" pagrereklamo ni Zeldrick.

"No wonder why she's the only one living here in this city," dagdag ni August.

Wala kaming nagawa kung hindi mapabuntong-hininga na lamang at tumigil sa pagrereklamo. Imbis na magreklamo kami ay tinabi na lamang namin ang mga lakas namin sa paglalakad papunta sa tirahan ni Helena.

Pare-pareho kaming naglalakad sa gitna ng gubat na mukhang walang katapusan. Mukhang hindi ata-

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig kami ng pagsabog sa hindi kalayuan. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko at alam na namin ang gustong ipahiwatig ng isa't isa.

Helena told us that we're the only ones that should be here. Kung may iba kaming makita rito ay kailangan namin silang ligpitin—and that's an order.

"Let's split. Lemon, Elroy, come with me. Sa kabila 'yong iba," ma-awtoridad na sambit ni Gin.

Sabay-sabay kaming tumango sa sinabi niya at agad na naghiwalay. Kasama ko sina Law, Zeldrick, at August.

Papunta kami sa direksyon kung saan namin narinig ang pagsabog.

Naaninag na namin ang pwesto kung saan nangyari ang pagsabog. Nagsenyasan kami ng mga kasama ko at naghiwalay kami upang palibutan ang pwesto nito.

Malapit na 'ko makarating nang matigilan ako nang makaramdam ng kung ano sa paa ko. Agad akong napatingin dito at nabigla ako nang makitang isang kahoy ito.

Isang kahoy na nagawang palibutan ang mga paa ko.

"Hood!" Rinig kong tawag ni Law.

Agad akong napalingon sa pwesto niya at sumalubong sa akin ang isang babaeng sumusugod papunta sa akin.

I felt my eyes changed. Using my claws, I destroyed the wood that's holding me down.

Hinanda ko ang sarili ko ang sarili ko sa pag-atake ng babae nang bigla na lamang itong napunta sa isang bula. Nabigla ako sa nangyari at nalipat ang tingin ko sa babaeng gumawa nito.

Kahit hindi ko siya nakitang lumaban kanina sa event ay hindi ako nagkakamaling isa siyang Deity. Isa siya sa mga rookies na nakita ko.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi ko pa nagagawang magtanong ay natigilan ako nang may ibang taong umatake sa akin. Hindi ako makapaniwala nang makilala ko ito.

Alvis?!

Napaawang ang bibig ko nang makilala ko siya. W

What the fuck?! Why are they attacking me?!

"Applehead!" Rinig kong tawag ni Zeldrick.

Kahit nahihirapan akong lingunin si Zeldrick ay nagawa ko siyang tignan. Tumatakbo ito papunta sa akin at may mga ilang dosenang metal ang sumusunod sa kaniya.

Alam ko na ang gusto niyang iparating. I changed my arms into wings and I flew away from Alvis.

Kasunod ng ginawa ko ay ang pagpunta ng mga metal papunta kay Alvis. Akala ko ay matatamaan na siya nito ngunit madali niya itong naiwasan.

"Law!" Rinig kong tawag ni August. Tumatakbo na rin ito papalapit sa amin ngunit agad itong natigilan nang tila lumambot ang lupang tinatapakan niya dahilan ng paglubog niya.

Pare-parehong napunta ang tingin namin sa lalaking gumawa n'on at tulad ng reaksyon ko kanina ay gan'on rin ang naging reaksyon ko ngayon.

Nakikilala ko ang lalaking gumawa n'on. Kung hindi ako magkakamali ay siya si Zeke galing sa Coders mula sa Solar Academy.

Labis na 'kong naguguluhan sa mga nangyayari. What the heck is happening?! Anong ginagawa nila rito at bakit nila kami inaatake?!

Akala ko ay magkasama ang Coders at Deities pero nawala ang paghihinala ko nang inatake ng babaeng rookie galing sa Deities si Zeke. Tulad ng nangyari sa babaeng sumugod sa akin kanina ay tila napunta rin sa isang bula si Zeke.

"You're open," sambit ng isang lalaki sa bandang gilid ko.

Natigilan ako sa pag-iisip at natauhan ako nang makitang nasa gilid ko na muli si Alvis. He tried to attack me using a blade made from a lightning when it suddenly disappeared.

Napunta ang tingin ko kay Law na gamit-gamit na ngayon ang gift niya at cinancel ang gift ni Alvis.

"Now, Zeldrick!" sambit ni Law.

Mabilis na kumilos si Zeldrick at nagsimula ng lumipad kay Alvis ang mga metal nang bigla na lamang itong sunod-sunod na bumagsak.

Napasinghap ako sa nangyari at napaismid si Law.

"What the fuck are you doing, Zel?!" reklamo ni Law.

Maski si Zeldrick ay nabigla rin sa nangyari. Bigla na lamang tumigil ang paggamit niya ng gift niya at muling bumalik ang mga mata niya sa rati.

Nasagot ang mga katanungan namin nang makita namin ang isa pang Deity. As far as I can remember, her name was Cleofa.

Gamit-gamit nito ang gift niya. She freaking stole Zeldrick's gift.

Nagsimula ulit na magsilutangan ang mga metal ni Zeldrick ngunit imbis na kay Alvis ay sa akin na ito nakatutok.

"Fuck! Get her, Law!" sambit ni Zeldrick kay Law.

Hindi nag-aksaya ng oras si Law na pinakamalapit sa pwesto ni Cleofa. Hindi inalis ni Law ang gift niya kay Alvis at sumugod na ito.

Nang akala namin ay magagawang lapitan ni Law si Cleofa ay bigla na lamang itong natigilan nang may puting apoy na humarang dito.

"No uh. Who told you that you can touch my girl?" nakangising sambit ng bagong dating na lalaki.

Nakakurba ang labi ni Helix na humarang sa harap ni Cleofa. Napasinghap si Law sa sinabi niya at itinapat ang kamay niya sa dibdib ni Helix.

"Don't freaking make me do it.

Imbis na kabahan ay nagawa pang tumawa ni helix. Napaismid si Law sa ginawa nito at tuluyan niyang ginamit ang gift niya kay Helix.

Hinintay naming mabutas ang dibdib ni Helix ngunit walang nangyari. Bagkus ay natauhan ako nang muli akong tutukan ni Alvis ng isang patalim gamit ang gift niya.

Napaawang ang bibig ko sa nangyari. Pero paanong?-

Cinancel na ni Law ang gift niya!

Napunta ang tingin ko kay Law at nanlumo ako nang makitang bumalik sa rati ang mga mata niya.

But how?! Cleofa is using her gift against Zeldrick!

Paano niya nagawing i-adopt din ang gift ni Law?!

"My girl was training for months," natatawang sambit ni Helix na para bang nababasa ang mga nasa isip namin.

"Who told you that Cleofa can only adopt one gift at a time?"


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now