47. Survival

26.4K 1.5K 271
                                    

Naiwang nakaawang ang bibig ko nang tuluyan ng nawala sa harapan namin ni Aqua si Zail.

Literal na humampas ang malamig na hangin sa pagkawala niya. We're the only ones left... in this huge and cold place.

Isa pang hindi ko mapaniwalaan ay ang reaksyon ni Aqua. Kung ako ay halos manigas na sa sobrang lamig ay baliwala lamang ang temperatura sa kaniya.

She's just standing here, in this frozen land—fucking unbothered.

"W-What the fuck How can we survive here without shelter and food?" giit ko. Nakatupi ako at yakap-yakap ang sarili. Every time I open my mouth, a fog comes out.

Napunta ang tingin sa akin ni Aqua na parang may mali akong sinabi. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"What do you mean... we?"

I looked at her, dumbfounded.

She touched my shoulder, as if trying to cheer me up. "I'm only here to make sure that you won't die, okay? Hindi kita tutulungan mag-survive."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. As if she just told someone who's been shot by a gun to stop dying.

Hindi nakatulong ang sinabi niya!

"Well then, goodl uck Scarlet!" Aqua smiled, raising her thumb. "Darating ako kapag hindi mo na talaga kaya."

Hindi ako nito hinintay na makasagot nang bigla na siyang kumaripas ng takbo sa nagniniyebeng daanan. Hindi ko siyang nagawang habulin dahil ni hindi man lang ako makagalaw sa pwesto ko sa sobrang lamig.

Sa pangalawang pagkakataon, literal na humampas ang malamig na hangin nang hindi ko na makita pa si Aqua at naiwan ako nang tuluyan.

Bwisit!

Naramdaman ko ang pagbabago ng mga mata ko at unti-unting umapoy ang katawan ko. Kahit pa paano ay nakaramdam ako ng init sa katawan ko sa kabila ng nagyeyelong lugar na 'to.

Sigurado akong mabilis mauubos ang lakas ko kapag ginawa ko ito pero wala akong ibang choice. Dapat mahanap ako ng matutuluyan ko rito sa loob ng tatlong araw.

Ilang minuto pa lang ako naglalakad dito sa gitna ng nagniniyebeng lugar at wala akong matanaw na kahit ano. Walang kahit anong puno ang nagagawang mabuhay sa malamig na lugar na ito kaya sigurado akong mahihirapan akong makahanap ng matutuluyan.

Napaismid ako habang naniningkit ang mga mata, nahihirapan na imulat 'to nang maayos.

If I can't find a shelter, then I'll make one.

Naghanap ako ng lugar kung saan hindi basta-basta makikita. Sa maraming bato-bato. Mahirap na at baka maging hapunan ako ng mga kung anong nandito.

Using my bare hands, I made an igloo by myself. Halos maiyak ako sa sobrang hapdi ng mga kamay ko. Hindi ko pwedeng gamitin ang gift ko dahil matutunaw ang yelo.

Ilang oras din ang itinagal bago ako nakagawa ng isang igloo na sapat lang para sa akin. Agad kong ginamit ang gift ko upang gamutin ang nagdurugo kong mga kamay. I kept shivering and my hands are still numb. But still, the important this is that I already have a place to stay.

Sapat na ito para may matuluyan ako. Kahit pa paano ay hindi ako masyadong lalamigin.

Now all I need to do is to find food. First is water, kung gusto ko ng tubig na hindi ko ikamamatay ay ang best choice ko ay ang mga yelo rito. Hindi ako pwedeng uminom ng tubig sa dagat.

It's safe to drink sea ice because when seawater freezes to form sea ice, the salt is squeezed out and moves down into the water.

Ang problema lang ay kung paano ko iyon tutunawin. Hindi pwedeng gift ko lang ang gagamitin ko dahil mamatay na 'ko't lahat-lahat at hindi pa rin ako nakaiinom.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon