5. Lunar Academy

34.9K 1.9K 88
                                    

Tahimik akong bumalik ng kwarto ko. Ni hindi ko inalintana ang mga batang nagtatakbuhan sa hallway. I'm staring at nowhere—with a dead expression on my face.

Papa gave me a choice. Tatakas ba ako ng mag-isa lang? O tatapusin ko ang trabaho ko para sa pamilya ko?

Of course, my answer is fucking obvious! Hindi pwedeng ako lang!

Hindi pwede...

Pero magagawa ko bang patayin si Helena? Ang babaeng ni hindi ko man lang nahawakan?

"Hey, Scarlet!"

Natigilan ako sa pag-iisip nang may biglang humawak sa braso ko. Nawala ang madilim na paligid sa isipan ko at sumalubong sa akin ang nakakunot na noong si Liev.

"Anong tumatakbo sa utak mo ha?!"

My forehead furrowed. Naguluhan ako sa narinig. Anong pinagsasabi niya? Siya nga itong bigla na lang nanghahatak.

"What are you talking-"

"Tigilan mo na si Helena! Alam mo namang wala kang pag-asa hindi ba?!"

I was taken aback, dumbfounded.

Paano... niya nalaman? Alam niya ba... ang totoong katauhan ni Papa? Bakit-

Nasagot ang lahat ng tanong ko nang malipat ang tingin ko sa bandang balikat ni Liev, nakuha ang atensyon ko ng taong nakatayo sa likod niya... si Papa, together with the one digit codes.

"Masyado ka na bang desperada? Pupunta ka pa mismo sa pugad ng kalaban?" Magkakrus ang braso at mapanghusga akong tinignan ni Viola.

Lahat sila ay tinitignan ako na para bang alam nila ang buong nangyari.

"Papa told us, Scarlet! Pupunta ka sa Lunar Academy para lang kay Helena? You don't have to do that! Masyadong delikado!" sunod-sunod na sambit ni Liev.

Hindi ako makasagot. Unti-unting nawalan ng buhay ang mga mata ko.

Wala na.... Planado na lahat ni Papa. Kung hindi niya 'ko mapatatahimik, mga estudyante ni Helena o si Helena mismo ang papatay sa akin.

"That's why I'm so proud of my daughter," pagsingit ni Papa.

Nabigla ako nang lapitan niya 'ko at walang pag-aalinlangang niyakap ako. Hindi ko magawang makagalaw. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"She's really dedicated to her work..." I can feel his breath next to my ear. "You can do it, right Scarlet? For the family.... For the future."

Hindi kaagad ako nakasagot, ramdam ko ang pagsitayuan ng mga balahibo ko sa katawan. Parang nawala ako sa katinuan. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatawa. Hindi ko alam kung saan ko pa mahuhugot ang lakas ng loob ko.

Rather than crying, I started laughing.

"Masyado kayong nag-aalala sa akin. Lahat pa talaga kayo pinuntahan ako? I'm code S03, Scarlet the phoenix. Don't underestimate me." I smirked. "I'll come back—together with Helena's head," taas noong sambit ko. I want to ask for help.

Napaismid sa sinabi ko si Viola. Habang hindi pa rin mawala ang pagkasimangot ni Liev. He's showing that he's pissed, but I know that he's just worried.

"Good luck S03," sambit ni Sky, code S06.

"Kung hindi mo na naman nagawa, ako na lang ang tatapos," sabi naman ni Lean, code L09.

"Call us if there's a problem," dagdag ni Naja, code N05.

"Para sa family! Ate Scarlet!" pahabol ni Yna, code Y07.

I faked a smile—trying to show a cheerful face. Pagtapos n'on ay sunod-sunod na silang nawala sa harap ko. Kasabay rin ay ang walang paghintong panginginig ng mga kamay ko na tinago ko sa loob ng bulsa.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now