9. A symbol that cannot be erased

31.4K 1.8K 495
                                    

Hindi makapaniwala ang mga myembro ng guild sa sinabi ni Gin. Ngayon ko lang nakitang magbago ang ekspresyon ni Lemon, August frowned, and even Elroy stopped playing games.

"W-What the fuck, seryoso ka ba talaga Gin?! Magiging pabigat lang kay Law 'yan! She doesn't even have her familiar!" giit ni Zeldrick.

"Zel is right, hindi kailangan pa ni Law ng kasama," dagdag ni August.

Hindi sila pinakinggan ni Gin. "Why? Nakita niyo naman ang kakayahan ni Scarlet. At isa pa, si Law na lang ang walang kasama rito. It's only fair."

August started walking towards us. Hindi mawala ang nakakunot na noo niya. Nakasunod sa kaniya ang lahat ng tingin namin.

"Then ako na lang!"

Pare-pareho kaming nabigla sa sinabi niya. Patago akong napasinghap. Lalo na si Zeldrick na ka-partner niya.

"Huh?!" Nakakunot na noong reaksyon ni Zeldrick.

"Kung pag-uusapan lang ang pagiging partner ni Law ay ako dapat! I'm more worthy to be his partner!" muling giit ni August.

Hindi ko maintindihan kung bakit punong-puno siya ng emosyon ngayon. Ni hindi niya man lang naisip ang mararamdaman ni Zeldrick sa sinabi niya.

"Kung ikaw talaga ang dapat ay ikaw na sana ang partner niya ngayon, August," walang kaemo-emosyong sagot ni Gin.

Natigilan si August sa sinabi niya. Her expression changed—a look of defeat on her face. Pare-parehong napaiwas ng tingin ang mga myembro ng guild. Kahit si Zeldrick ay napaismid na lang.

Nakuha ng mga reaksyon nila ang atensyon ko.

Why? May nangyari ba rati?

Hindi na nakasagot si August, bagkus ay tumakbo ito palabas. Walang nagawa si Gin kung hindi mapabuntong-hininga na lang.

"Anyways, I heard what you said Zeldrick. Dahil ikaw nagsabi n'on, ikaw ang tumulong kay Scarlet na mag-summon ang familiar niya. Make sure na ma-summon niya 'yon bago makarating si Law."

Nawala ang pagkaseryoso kanina ni Zeldrick at napasimangot siya sa sinabi ni Gin.

"Eh?! Bakit ako?! Tsaka bukas na makababalik si Law! She can't summon her familiar in a short amount of time!"

Nagbingi-bingihan si Gin sa mga sinasabi ni Zeldrick habang naglalakad papunta sa isang pintuan. Bago siya pumasok sa loob ay sinagot niya ang sinabi ni Zeldrick.

"You still have half of the day then." He winked, teasing his guild member more.

Napanganga si Zeldrick sa sinabi niya at napasabunot sa sarili.

"Fuck! Bakit ba ang malas ko ngayon!"

Kanonood sa kaniya sa pagsabunot sa sarili niya ay hindi ko napansin na lumapit na pala sa akin si Lemon.

"Dingue," sambit ni Lemon habang nakatingin kay Zeldrick.

Anong ibig sabihin n'on?

"Anyways! Now that you're officially a part of the guild, you'll need this!"

May hinarap siya sa akin na parang stamp.

"All of us have this. It's our tattoo symbolizing that we're a Grim Reaper!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatahimik ako ng ilang segundo. As much as possible, gusto ko na silang kalimutan kapag nagawa ko na rito ang misyon ko. I want to cut ties with them... because it's already not needed.

But how can I do that if I have a tattoo making me remember that I was once a part of this guild?

"I-Is that necessary?" marahang tanong ko kay Lemon.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon