23. Unexpected Guests

30.4K 1.6K 333
                                    

With an innocent and soft face... how can someone be so intimidating?

Base sa reaction nina Eslin at Ronan sa sinabi ni August, mukhang big deal nga ang lalaking bagong dating.

August called him a king. Bakit? Sino ba siya?

"Hays, ano na naman ang ginawa mo Aqua?" natatawang tanong ng lalaki papunta sa babae at myembro ng Spiders.

Para namang natauhan si August nang marinig ang pangalan ng babae.

"I-I remembered."

"T-That girl, Aqua Villaret-"

"She's one of them—the Queen."

Napasinghap si Ronan sa narinig. "S-Seryoso?! Wait—come to think of it, pamilyar nga ang mukha niya," hindi makapaniwalang sambit ni Ronan.

"Mukha ngang totoo ang sabi-sabing sasali sila ngayong taon," bulong ni Nickle.

Kahit hindi ko alam ang mga pinagsasabi nila at kahit ngayon ko pa lang nakilala ang mga taong nasa harap ko, sapat na ang presensya nila para masabi kung gaano kalaki ang pagitan namin. These guys are on a completely different level.

"Keon! Ayaw tayong ipasali!" giit ng babaeng asul na buhok na nangangalang Aqua.

Tawa ang sinagot sa kaniya ng lalaking tinawag niyang Keon. Or should I say, King.

"Ako na ang kakausap- oh, isa ka rin ba sa naistorbo ng kasama ko? Pasensya na."


Kahit nakangiti at walang bakas ng pananakot ang pagpapaumanhin ni King sa myembro ng Spiders, ni hindi ito makagalaw sa pwesto niya.

The fucking member of Spiders got frozen in his place.

Naiwan lamang itong nakatayo hanggang sa daanan siya ni King. Parang hindi ito humihinga at bakas sa mukha niya ang sobrang kaba.

For a minute I thought that the time stopped. Parang sobrang bagal ng oras nang maglakad sa harapan namin si King kasama si Aqua.

Hindi pa nagsisimula ang event ay nanghihina na ako. Kung sila ang makahaharap ko ay sa tingin ko-

"Hoy Scarlet! August! Tara na!"

Natauhan na lang kami ni August nang may tumapik sa amin. "Anyare?"

Pareho kaming napatingin kay Lemon na bagong dating pa lamang at walang kaalam-alam.

"S-Sige, Scarlet. Mauna na kami, see yah," pagpapaalam ni Eslin kasama si Nickle at Zeke.

"Mauna na rin po ako, Miss August. Good luck po."

Nauna ng umalis sina Eslin at Ronan. Sinundan sila ng tingin ni Lemon na bakas sa mukha ang pagtataka. "Sino 'yong mga 'yon?"

Nalipat ang tingin niya sa amin. "Atsaka, ano nangyari sa inyo? Namumutla kayo," muling aniya.

I bit my lower lip. Sa tingin ko ay hindi lang ako namumutla kung hindi wala rin akong lakas para umalis sa kinatatayuan ko.

Wala na sa paningin ko sina Aqua at King pero hindi pa rin mawala sa pakiramdam ko ang mga presensya nila. If I were that member of the Spiders, I think I'm gonna wet my pants.

"Tara na! Nakapag-register na si Gin. No'ng una ay hindi pa pumayag ang registrar dahil ayaw nilang maniwala na pito lang talaga tayo. Pero mukhang napakiusapan naman ni Gin. On one condition nga lang," natatawang sambit ni Lemon.

"Hm, ano kaya 'yong condition. Hindi naman sinabi sa akin ni Gin. But anyways, atlis nakapasok tayo! Block C ka August, ikaw naman Scarlet ay Block A, kasama mo si Elroy! Lucky!" dagdag niya.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now