8. The Phoenix

32.6K 2K 564
                                    

Grim... reapers?

Kasunod ng ilang segundong katahimikan ay napuno ang paligid ng kumento ng mga estudyante.

"G-Grim Reapers?! Seryoso?!"

"S-So, ibig sabihin isa siya sa mga elite students?!"

"No way! Iyang babaeng 'yan?!"

"Ang swerte naman niya! Kasama niya sina Miss August!"

Katulad nila ay hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko ba ay kulay lang ang magbabago sa lawa? Bakit naging dugo ang tubig nito?

"Oh? A new member huh?"

Halos mabingi ako sa biglaang pagtili ng mga babaeng estudyante. Lahat ng atensyon nila ay napunta sa lalaking bagong dating.

A guy with a grey hair and dark brown eyes. He looks elegant in his blue shirt and denim jeans. Has a light expression... but still—he looks easy to talk to but as if there is something hiding in his eyes.

Now that I'm looking at him, he has a different aura compared to others... but I didn't even noticed his presence.

"Gin! Kailan ka pa nakabalik?" sambit ni Helena sa lalaki.

"Kababalik ko lang galing sa misyon," sagot niya.

Napunta ang tingin sa akin ng lalaking nangangalang Gin.

"Who is she?"

"She's the new student. Also, a new member of your guild," sagot ni Helena.

Ngumiti sa akin ang lalaking nangangalang Gin at nilahad niya sa akin ang kamay niya.

"Eh? A new member, huh? I'm Gin. The Guild's Master," pagpapakilala niya.

Kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangayayari at medyo nagdadalawang isip, nagawa kong kamayan ang lalaking kaharap ko.

Bakit gano'n ang mga reaksyon nila? Big deal ba talaga ang napasukan ko?

"Ha?! 'Wag mong sabihin tatanggapin mo siya, Gin?!" Rinig kong reklamo ng isang lalaki.

Napunta ang mga tingin namin sa lalaking papalapit. Nakakunot ang noo nito at bakas sa mukha ang pagkainis. He's the guy from yesterday.

"Oh, Zeldrick. Hindi mo man lang ba 'ko iwe-welcome? Kababalik ko lang," nakangiting sambit sa kaniya ni Gin.

"Oh please! Come on Gin! Hindi nga natin alam kung saan galing 'yang babaeng 'yan. Sa tingin mo pa nababagay siya sa guild natin?" giit n'ong lalaking nangangalang Zeldrick.

Nilapitan ni August si Zeldrick upang pakalmahin ito. Pati si Lemon ay lumapit na rin sa amin.

"Ang Sacred Lake na ang nagsabi. Ibig sabihin lang n'on ay may potential siyang maging myembro," pagpapaliwanag ni August.

Hindi nakumbinse si Zeldrick at nagpatuloy lang ito sa pagmamaktol.

Ano ba ang problema niya? Hindi pa rin ba siya maka-move on sa nangyari kahapon?

"Why don't test her then?" biglaang sambit ni Helena.

Nakuha ang mga atensyon namin ng sinabi ng babaeng nanonood sa amin.

"Ikaw na mismo ang humusga sa kakayahan niya," dagdag niya.

Kumurba ang isang ngisi sa labi ni Zeldrick sa narinig. As if this is what he's planning from the start.

"Very well, Principal Helena. Iyan ang gusto kong marinig."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Hindi ko alam kung bakit umabot ako sa puntong ito. Nasa open grounds kami ni Zeldrick at pinalilibutan kami ng mga estudyante. Nandito rin sina August, Gin, Lemon, at Helena.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now