54. Origin

26K 1.6K 107
                                    

Nabigla ako nang magpakilala ang babaeng kasama ko. Unti-unting napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

"Y-You're an Avelite?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Ngumiti si Taliyah at tumango. "Nabanggit mo sa akin na may kasama kayong mga Deities hindi ba? I guess sila King 'yon?" tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na isang Avelite ang kasama ko.

"Nice. You pretty have a great ally there."

"Anyways. Kailangan na nating makatakas dito. Walang mangyayari kung mananatili tayo rito sa loob," pag-iiba niya.

Akmang ilalabas na dapat ni Taliyah ang kamay niya sa maliit na butas ng pinto nang may narinig kaming yapak sa labas.

Mabilis kaming napaatras ni Taliyah sa pinto. Tila bumigat ang paghinga ko habang papalapit nang papalapit ang mga yapak.

Pareho naming hinintay ni Taliyah na may sumilip sa butas sa pinto ngunit wala kaming nakita. Bagkus ay unti-unti itong bumukas.

Sinalubong kami ng liwanag na nagpaningkit nang kaunti sa mga mata ko. Nang tuluyan na itong nag-adjust ay unti-unti namin nakita kung sino ang nagbukas.

Naramdaman ko ang paggaan ng loob ko nang makilala ang lalaking nagbukas ng pinto. Mabilis nagtama ang mga mata namin at agad ko siyang sinalubong ng niyakap.

"L-Liev!" halos maiyak na sambit ko.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin pabalik ni Liev. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang makita ko siyang ligtas.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at agad na hinabol ang mga tingin niya. "P-Paanong?- Bakit ka nandito?" naguguluhang sambit ko.

Marahan niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Shh. Kailangan niyo ng umalis dito," mahinahong sagot niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ni Papa?!"

Malalim na huminga si Liev bago sumagot sa akin. Nangungusap ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Wala kang magagawa rito, Scarlet. Nandito ang mga myembro ng Graven guild. Bantay sarado nila sina Papa. Hindi mo sila matatalo kung hindi mo gamit ang gift mo," mariin na sagot niya.

"So fucking what?! Anong ginagawa mo Liev?! Bakit mo sinusunod si Papa?!" giit ko. Tumaas ang tono ng pananalita ko at nagkasalubong ang dalawa kong kilay.

No'ng una ay hindi ko kayang maniwala na hindi naniwala si Liev kay Addi. Pero dahil sa nakikita ko ngayon ay mukhang totoo nga ang sinabi ni Viola.

Hindi kaagad nakasagot sa sinabi ko si Liev. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at dumeretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Trust me, Scarlet. I hate him more than you do. But like what you did, I'm also doing this for the family." His face softened—my expression changed.

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko nagawang makaimik.

"He made you go in the Lunar Academy, right? Alam mo namang hindi kita hahayaan na pumunta do'n mag-isa. So I tried to convince Papa to let me go to. But during the process. Hindi ko inaasahan na malalaman ang totoong katauhan niya," pagpapaliwanag ni Liev.

"Sinubukan kong magbulag-bulagan at sundin siya, Scarlet. For the family... for you," dagdag niya. Marahan niyang nilagay sa likod ng tenga ko ang hibla ng buhok ko.

Tila lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Pero kahit naiintindihan ko ang gustong iparating ni Liev ay agad akong napailing sa sinabi niya.

"I'm sorry, Liev. If you're doing it for the family, then this is for them too. Magkaiba nga lang ang paraan natin," deretsong sagot ko. Inalis ko ang pagkahahawak niya sa akin at umiwas ako ng tingin.

Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now