19. Surpass your limits

29.2K 1.7K 299
                                    

Patuloy kong iniiwasan ang lahat ng atake sa akin ni Zeldrick. Kailangan kong humanap ng pagkakataon para atakihin siya.

Mabuti na lang ay naisipan niyang gamitin ang mga malalaking metal para atakihin ako, kaya madali ko itong nakikita at naiiwasan.

Pero habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang panghihina ko. Tsk. Hindi ako sanay na gamitin ang gift ko nang matagal.

Habol-habol ko ang hininga ko nang huminto ako sa paglipad.

But unlike me, that jerk still seems to be in a good shape.

This shows the difference between us.

I may grew up as an assassin. But I only killed ordinary people. Kung meron mang gifted na pinapatay si Papa ay apat kaming one digit codes o higit pa ang ipadadala niya.

Unlike this jerk that fought gifteds—not just ordinary gifteds but wanted ones.

"Ano na? Suko ka na? Nako, hindi ka tatagal sa event niyan," pang-aasar pa sa akin lalo ni Zeldrick.

Hindi ko ito sinagot bagkus ay hinanda ko na lang ang sarili ko para umatake.

Keep smiling while you can, jerk. You won't be any longer now.

I don't usually do this but I guess it's my only option now.

I felt the fire starting to cover up my whole body. It's starting to become warmer, and the light from my fire is blinding.

I changed my whole appearance as a phoenix. Zeldrick was shocked while Law and August who's watching us were both stunned.

Being a phoenix makes me invincible. Meaning, any attack that hits me will just pass through me. Ito na ang chansa ko para makalapit kay Zeldrick ng hindi piniproblema ang mga atake niya.

Pero kapalit nito ay ang pag-ubos ng lakas ko. But I need to take the risk.

Kagaya ng inaasahan ay sinubukan akong atakihin ni Zeldrick gamit ang lahat ng metal na meron siya. Including his coins.

But none of them worked. Tumagos lamang ang mga ito sa akin.

Napaismid si Zeldrick nang wala man lang tumama sa akin.

He won't stand a chance against me. Kung matalino sana siya mag-isip ay kanina niya pa 'ko natalo. What a jerk.

Nang tuluyan na 'kong nakalapit sa kaniya ay ginawa ko ang plano.

With my human legs, I kicked his chest. Kagaya ng inaasahan ay nagawa niyang pigilan ito gamit ng kamay niyang may metal. Pero hindi katulad no'ng nauna ay hindi nabali ang buto ko dahil hindi gano'n kalakas ang pagsipa ko.

Pagkapigil niya sa paa ko ay ginamit ko ang isa kong paa para sipain ang ulo niya. I twisted my body, to move my other leg.

Kumurba ang isang ngisi sa labi ko nang sipain ko siya.

"Go to hell-"


Parang bumagal ang oras. Agad na naglaho ang ngisi sa labi ko nang tumama sa isang matigas na bagay ang paa ko.

Nanghina na lamang ako nang makita ang pumigil sa sipa ko.

A hand made of metals.

In short, tatlong kamay ang ginamit ni Zeldrick sa akin.

Naramdaman ko ang pag-crack ng buto ko. Kasabay n'on ay ang paghatak ni Zeldrick sa isang ko pang paa para ihagis ako.

In the corner of my eye, I saw Law rushed towards me but August stopped him.

Pigil hininga ang sumunod na nangyari. Kahit ramdam ko ang pagsakit ng mga paa ko ay pinilit kong tumayo ng nakatilapon. Meaning, hindi pa 'ko talo. Dahil hindi naman ako natumba.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon