Chapter 1

244 18 8
                                    

AN: It will be Rossweisse point of view.
Second installment of Sitio Series.
Welcome to Sitio Nganga!



CSS 1| Picture

They say every smile has a pain to hide. Those cheerful person are the one who are pained but they kept on going. And I want to be the same.

I'm afraid to be left behind. Takot akong maiwan. Sanay akong laging belong. Those scars in my hearts still remains, in a young age my father left us for a another woman. He cheated.

Masaya bang mangaliwa? Ano bang kulang ni mama para iwanan siya? Do falling out of love justify cheating? Kapag ba nagsasawa na rason na iyon para maghanap ng iba, at para mang-iwan?

At ang, pasensya na ganito lang ako, tao lang nagkakamali ay parang hindi naman ata tamang gawin mong rason.
You can avoid it, sana nag-isip ka muna bago gawin. Padalos-dalos masyadong natutupok at nagpapadala sa agos ng damdamin, hindi nag-iisip. Iyon ang nagagawa ng pag-ibig?

"Rossweisse, dalian mo nandito na sila Gremory at Xaxa kanina ka pa himihintay.." Napatigil ako sa page-emote ng marinig ang tawag ni mama sa may pintuan ko.

Late na naman ako, ayos lang 10:30 am naman ang pinag-usapan, ayos lang naman umalis ng bahay ng 10:25.
Oras pinoy ako, oo, pinoy ako! Maging proud tayo.

Pagkababa ko sa may hagdanan agad kong naabutan ang dalawa na maganang nag-aalmusal sa hapag kasama ang mga maliliit kong kapatid. "Nag-ambag ba kayo bago kumain?" Ani ko, sinamaan ako ng tingin ni Mama.

Xerxes dramatically covered his red lips paniguradong dahil sa liptint na naman, "ay, wow? May ambagan pala? " With his wide eyes he glanced at Gremory, "gago, iluwa mo! Wala tayong pang-ambag!"

"Ah?" Lutang na sabi ni Gremory, pagkuwana'y inayos niya ang specs nito. "May ambagan?" Halos magkanda ubo-ubo ito.

Sinamaan ako ng tingin ni mama, pinalo sa pwet. "Anong mga pinagsasabi mo! Hilig mo talagang mantrip ikaw na bata ka!" Kinausap nito sina Xerxes at Gremory, mukhang natakot pa ang dalawa na kumain ulit buti nalang nakausap ni mama. "Anong oras kayo niyan uuwi?" Anito.

Tabi-tabi kami nina Gremory at Xerxes sa mahabang silya, kumakain. Tuyo, itlog at sinangag. "Hindi pa po sure tita pero baka i-text nalang po namin kayo. " Ipit na ipit ang boses ni Xerxes, napatango-tango si mama.

"Basta mag-ingat kayo ah? Marami pa namang loko-loko sa pupuntahan niyo. Bakit doon n'yo pa kasi naisipang gumawa ng project?" Ani mama.

"Maganda raw kasi ma yung sa Sitio Nga-Nga, project naming magpicture ng mga spots or scenarios dito sa mga Sitio tapos gagawan namin ng content. "Sagot ko at sumubo ulit ng kanin, masarap talaga kumain kapag nagkakamay.

Nangunot ang noo niya, "bakit, maganda rin naman dito sa Sitio Hiyaw Pa ah, may flower farm nga rito. "

Natawa si Xerxes, "oo nga tita. Sayang at magkakagroup kaming tatlo, like you've said Tita mas maganda rito sa Sitio Hiyaw Pa kasi maramung flowers and I can be the model. Diwata ng mga bulaklak!" Napangiwi ako sa sinabi nito, baka bumagsak kami pagsiya ang ginawang model.

Tumango si Mama, she stood up and pick the plates dali-dali naman siyang tinulungan ni Xerxes na tapos ng kumain. "Tama ka riyan Xaxa, oo nga pala. Nagpatuli ka na?" Natigilan kaming tatlo sa tanong ni mama, kitang-kita ko ang paninigas ni Xerxes at ang pamumutla nito. Nagkatinginan kami ni Gremory bago malakas na matawa.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now