Chapter 28

55 13 12
                                    

CSS 28| Helping hand



Deiry Viñedez

Hi, mamimiss kita :(
Stay sungit crush, 'wag kang papaligaw habang wala ako ah :(
Ayaw ko na tuloy umalis baka pormahan ka nung kaklase kong may crush sayo!!!
Nagseselos ako, matalino pa naman iyon.

Sinend ko sakanya iyon at tumayo na sa pagkakaupo sa silya. "Ma, 'wag na kaya akong tumuloy? Nilagnat ka ng ilang araw tapos magtitinda ka, saktong aalis ako at wala kang katulong.." Nag-aalala ako baka kasi sumobra na naman sa pagod si mama.

Umiling ito bago ako hinalikan sa pisngi, "hindi 'yan! Tumuloy kana! Ilang linggo lang 'yon sayang din at deserve mong makapasok sa Regionals galingan mo't baka pumasok ka pa sa Larong pambansa!" Aniya. Ngayon ang alis ng team papuntang Ilocos para sa basketball match.

Wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga bago niyakap si mama, hinatid pa ako nito sa may gate. I absentmindedly stared at our bus who's busy to instruct our team on what we will do today.

Deiry Viñedez
Deserve kong maraming nagkagusto sa akin.
Bakit gusto ko ba kaklase mo?

Ah, good heavens Deiry and her cold some sarcastic replies.

Nasa bus na kami! Ichat kita lagi!
Mag reply ka ah!
:)

It didn't took a minute when her reply notify my screen.

Deiry Viñedez
Wala akong pake kung nasa bus kana.
Mukha ba akong nagtatanong?
Ayaw ko, busy ako.

Improving na ang mga replies ni Deiry humahaba na at mukhang hindi na cold.

Harsh mo po! Paano ako mananalo kung hindi mo ako chinicheer.
Paalis na kami Deiry!


Deiry Viñedez
Bakit kailangan mong sabihin lahat?
Mag-ingat ka.
Goodluck.

Natatawa nalang ako sa kakulitan ko para akong clingy na boyfriend sa jowa niyang mas matigas pa sa bato at mas malamig pa ata sa north pole. Nagsuot na lamang ako ng headset habang nakatingin sa may bintana.

Favorite seat ko ang nasa bintana, ewan napaka refreshing lalo na't parang nasa music video ka. Tamang emote, emote lang sa gilid sabay itatanong kay direk kung pwede na ba ang acting skills.

Para sakanila ipapanalo ko ang Regionals.. Sana..

━─━────༺༻────━─━

"Sa room na 'to tayo niyan mamalagi. Pahinga muna kayo, opening ceremony palang naman bukas. " Ani coach habang isa-isa naming inaayos ang mga gamit sa nasabing room. Isa-isa na ring nagdatingan ang ibang athletes bawat school.

Napangiwi ako ng maalala ang nangyari kanina.

"Coach ako na magbababa nito.." Saad ko habang buhat ang dalawang bag sa may gilid ng bus. Abala ang lahat, kami ni Theo ay naghihintay habang may buhat-buhat.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now