Chapter 39

65 13 4
                                    

AN: Song credits:
Play Nangangamba by Zack Tabudlo

﹌﹌


CSS 39|  The Deity


“Y-Yung a.. akala kong lalaking maniniwala sa akin t-tinalikuran ako.. Y-Y.. Yung nag-iisang taong inakala kong ipagtatangol ako b-biglang nawala..” Patuloy pa rin kami sa pag-iyak. “N-Nagagalit ako, g-galit ako kay Rossthum k-kasi hindi niya ako pinakinggan tapos babalik na parang ayos nalang ang lahat pero hindi ko siya masisisi kasi naghirap din siya..” Napatingala ako habang naglalandas ang mga luha. “G-Gusto kong magwala. May isang tanong na umiikot sa utak ko mula noon. G-Ginusto ko bang babuyin ako?” Marahas akong umiling. “H-Hindi ko ginusto.. B-Ba.. Balik-baliktarin man ang mundo walang idinulot na maganda ang pangyayaring iyon, bangungot, trauma, pahirap sa buhay ko.. Pero walang naniwala dahil ang alam nila pokpok, puta, malandi ako.”

Naninikip ang dibdib ko sa narinig, ang sakit malamang binaboy ang mama mo at hinusgahan ng lahat. Walang nakinig sakanya, bakit? Dahil ba mayaman ang putanginang Max Ochuoa na iyon? Dahil ba mabait siya sa iba? Nasusuka ako, nasusuka sa sistema ng lipunan kung bakit hindi inaprubahan ang kaso ni mama, nasusuka ako sa mga tao na porke mayaman ay mananatiling mga linta na kakapit doon na kahit litaw na ang baho ay pilit magbubulagbulagan.

Nakuyom ko ang kamao, “igaganti kita.. Bubuhayin natin ang kaso mama. Habang naghihirap ka sa kababuyang ginawa niya naroon si Max Ochuoa masayang nagpapakasawa.. ” Wala akong pakielam kung bilyonaryo o milyonaryo o anak pa ng presidente. Kailangan namin ng hustisya, ng kasagutan.

Walang babae ang deserve babuyin at ituring na laruan.

Niyakap ko si mama habang pilit itong pinapakalma. Alam ko na ang lahat naging biktima sila ni Papa sa mapait niyang nakaraan. Galit ako pero mas naiintindihan ko na ngayon, walang may gusto. Sinalo ni papa ang kahihiyan, hindi nakinig sa lahat at pilit pa ring bumabalik kay mama pero nasira lahat ng iyon ng mangulo na naman si Max Ochuoa. Nakakagalit, kasuklam-suklam. Halang ang bituka.

Ilang oras na umiyak si mama hanggang mapagod nalamang ito at dumiretso na ng tulog, hindi ko siya iniwan at binantayan lang. Naalala ko ang pag-aaway namin ni Deiry, napabuntong hininga ako. Pagkatapos ng away na iyon ay inatake si mama, kailangan niya ng mabilisang operasyon. Doon na ako nagpakumbaba ako mismo ang kuma-usap kay papa na tatangapin ko na ang alok nito. Naliwanagan ako sa sermon ni Deiry at pagkatapos ng operasyon ilang linggo ulit ang lumipas. Bumalik ang lakas ni mama habang nanatiling nakakapit si baby, at ngayon ikinuwento na niya sa akin.

Ikinukwento paanong nagkalamat ang relasyon nilang dalawa dahil sa isang mapagsamantalang tao.

“Rossweisse..” Napabalikwas ako ng pagkakaupo ng marinig ang boses ni Papa.. Oo, papa. “Tulog na?” Tanong nito, tipid akong tumango.

Kinuha ko na lahat ng lakas ko ng loob upang humingi ng tawad. “P-Pa.. S-Sorry..” Garalgal ang boses ko, para bang bumalik lahat kung paano ko siya nilabanan, bastus-bastusin at murahin. Halos isumpa ko na rin siyang mamatay. Alam ko, galit ako dahil nambabae siya. Iyon nalang. Wala na rin kung sisisihin ko pa siya hindi ba? “G-Galit lang ako... P-Pe..Pero alam ko na ang lahat..”

Tanging yapak niya lang ang naririnig ko hanggang sa maramdaman ang yakap niya at ang pagpatak ng basang likido sa braso ko. Umiiyak siya, umiiyak si papa. “A-Alam ko na rin lahat.. I listened to your mama. Sana... Sana dati pa ako nakinig, edi sana matagal ng napagbayaran ng hayop na iyon sa kulungan ang mga kasalanan niya pero imbes na makinig ay gumanti ako.. Ang alam ko niloloko niya ako kaya gumanti ako..” Pumiyok ito pinipigilan ang paghagulgol. “Sana nakita ko sa malapitan kung paano ka lumaki, sana ako ang nag-alaga kina Renny at Denny habang maliliit pa lang sila.. S-Sana.. Sana masayang pamilya tayo ngayon.. Pero wala, gago ako e, gago ang naging tatay niyo..” Walang salita akong nakayakap sa ama ko, ang tagal na panahon kong may hinanakit. “Noong umalis ako sa atin, hindi ako nambababae tulad ng akala niyong lahat..” Natigilan ako. “Kahit humalik pa ako ng isang dosenang babae si Weina pa rin ang naiisip ko, ” anito habang nakatingin kay mama. “Walang iba kundi si Weina lang.. Nasa Maynila ako tinatrabaho ang kumpanya tapos uuwi ng Sitio Hiyaw Pa para panoorin kayong lahat sa malayuan. Sa nagdaang panahon nakuntento na ako na panoorin nalang kayo mula sa malayo, dahil alam kong sukdulan ang galit mo sa akin at hindi ako mapapatawad ng mama mo...”

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now