Chapter 32

55 12 3
                                    

CSS 32| Slap

“Rossthum!” Sigaw ni mama at hinawakan ang kamay ko. “Ano bang sinasabi mo?” Tanong nito. Hindi ako kumibo. “Para lang matanggap kita uli ganyan ang gagawin mo? Nababaliw ka na ba?”

“Oo, Weina, oo!” Sigaw nito at dinuro si mama kaya't kinuha ko si mama at nilagay sa aking likod. “Ikaw naman talaga ang dahilan hindi ba? Ikaw naman talaga ang nauna! Hindi ko kasalanang kasal na tayo pero nagpapaka puta at pokpok ka pa rin sa iba! Ganiyan ka siguro noon sa trabaho! Hindi ba photographer ka? Siguro ganiyan din ang ginawa mo noon! Akala ko iba ka!” Hindi ko na napigilan at kusa ng gumalaw ang kamao ko papunta sa mukha niya.

Tangina.. Walang sino man ang pwedeng magsalita ng masama sa mama ko! Sa harap ko mismo!
“Rossweisse! Tama na! Rossweisse!”
Hindi ako nagpa-awat kung hindi niya irerespeto si mama, huwag nalang. Ang galing niyang magmagaling. Putangina.

Tumayo si Rossthum at sinabayan ang mga suntok ko, napaubo ako ng dugo ng malakas niya akong tinuhuran sa may tiyan. Nanginginig akong bumangon at nagbigay ng suntok, hindi ko hahayaang bangasan ako nito.

Respeto? Wala ako non, masama na kung masamag anak pero hindi rerespetuhin ang kagaya niyang hindi marespeto ang nanay ko at harap-harapang iniinsulto ang pagkababae. Anong karapatan niya? Wala siyang karapatan!

“Iyan! Sige suntok pa! Patayin mo ako! Sige!” Udyok sa akin nito kaya agad kong ginawa. Natigil lamang ako ng malakas akong itinulak ni mama at sampalin. Doon ko namalayang hawak ko na pala ang basag na babasaging pitsel na nakatutok sa leeg ni Rossthum.

“Rossweisse tama na! Sabi ng tama na! Tumigil ka na!” Sigaw nito, wala sa sarili akong napatayo at umalis sa pagkakadagan kay Rossthum. Binitawan ang basag na pistel. “Rossthum..” Anito.

Hindi ako makapaniwala. Bakit niya pinagtatangol? Dapat nga hayaan niya ako. Bakit? “Ma? Bakit?” Naluluha kong sabi habang hawak ang pisngi. “Ininsulto ka niya! Sinaktan ng paulit-ulit pero bakit pinagtatangol mo pa rin? Bakit hinahayaan mo pa siyang pumunta punta rito? ” Hindi ito na imik, tinulungang tumayo si Rossthum. Tangina. “Ganiyan ka ba talaga pagdating sakanya? ” Sarkastiko akong natawa. Hindi na alam ang sasabihin dahil naghahalo na lahat ng emosyon sa akin. Kaguluhan, galit, sakit at iba pa.

“Rossweisse... Anak tatay mo siya kaya hindi ka dapat... Hindi mo siya dapat saktan..” Katwiran nito.

Nakakagago, bakit hindi pwede? Ganiyan ba talaga? “Bakit ka ganiyan ma? Ayos lang sayo? Ayos lang na tawagin ka niyang deputa, pokpok?! Hahayaan mo lang siyang insultuhin ka sa harapan ko? Tanginang pag-ibig iyan! Tanga ka ba?! ” Sigaw ko dahilan para makatanggap ng sampal mula sakanya. Inis akong tumalikod at umalis ng kabahayan.

Tanginang pag-ibig iyan.

Inis kong pinunasan ang luhang naglalandas sa aking pisngi habang naglalakad sa may kanto. Naguguluhan sa bawat kilos at pag-iisip ni mama. Nakalipas na ang maraming panahon siyang sinasaktan ng paulit-ulit pero hinahayaan niya pa rin ito. Hindi rin mawaglit ang mga katagang nagpabuntis si mama sa iba.

Sino? Paano? Bakit?

“Boodle! Boodle!” Natigil ako sa paglalakad ng may asong kumakawag ang buntot na lumapit sa akin. Kumahol-kahol pa ito. “Boodle isa––Rossweisse?” Napaangat ako ng tingin doon ko nakita si Deiry na nakabestida. May hawak itong collar na para sa aso. “Anong nangyari sayo?” Tanong niya at diretsong kinuha ang aso at binuhat. “Bakit sa tuwing nagkikita tayo lagi ko nalang nakikita iyang pangit mong mukha na puno ng uhog at luha?”

Namalayan ko na lamang umiiyak na pala ako habang nanonood siya. “D...Deiry..” Iyak ko at napayakap sa babae. Umiyak ako ng umiyak, naghalo na ang luha, laway at sipon dahil para akong batang paslit kung umiyak na may halong sumbong pa.

“Hey don't cry here at the road. Doon tayo sa may court. You look like a dying snail while crying...” Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Agad kaming nagtungo sa court saktong wala ng nakatambay doon. “What happened? You can tell if you want to..” I felt her fingers wiped the blood on my nose and lips. “Did you go on a fight? Sa mga tambay? Bakit parang pinagtulungan ka ng sampong tao..” I flinched when I felt her touch.

Seconds passed and I found myself telling her what happened, the whole story of it. Deiry didn't ask, she let me talk and she listen attentively. Because of frustration I started cursing my father non stop as I talk. “Bakit kasi naging tatay ko pa siya? Putangina niya e, dahil sakanya nagkanda letse-letse ang buhay namin! Tangina bakit kasi––”

Deiry cut me off. “––Rossweisse calm down, hey–––”

I shooked my head. “––bakit kasi hindi pa siya mamatay! Tangina bakit hindi pa siya kunin ni Lord! Gago, hayop! Wala naman siyang kwentang am––” pumilig ang ulo ko dahil sa impact, natigil ako sa pagsasalita. “B-Ba... Bakit mo ako sinampal?” Nanginginig na ang boses ko. Sinampal ako ni Deiry, magrereklamo pa sana ako pero hindi ko na nagawa. I felt a soft thing pressing on my lips and the last thing I knew Deiry is infront of me leaning.

“Kalmado kana?” She asked, it was her thumbs who's pressed on my lips. She pressed her thumb on my lips while she kissed her thumb. It was like a indirectly kiss. Pero may harang..“Kahit galit ka huwag na huwag kang magsasalita ng ganoon. Huwag na huwag mong hihilingin na sana mamatay na ang papa mo dahil balik-baliktarin mo man ang mundo tatay mo pa rin iyon. ” She smiled softly. “Because Rossweisse, when one person is cursed, two graves are dug..”

I'm speechless, she knew the right words to say in able to clear my mind that's been in turmoil. She made me realize things, toxic and good things I'm doing. “Deiry...” I uttered.

“And if I heard it right, your father insulted your mother then you got slap twice. May I tell you something?” I nodded. “I think the reason why she slap you at first because she's afraid you might do some unhuman thing especially that you're too angry not to think. Second you insulted your mother too, Rossweisse. I guess you deserve it. ” My my shoulder sagged when I heard the last thing she said. “Ask your mother, go back and apologize to her. Don't let this day pass having a conflict with her. ”

“Thank you, Dei..” I said. “Always..”

She snorted, “kay, go home Rossweisse. I'll go ahead too.” And she turned her back on me.

“Wait! ” I stopped her. “Bakit ka nandito sa Sitio Hiyaw Pa sa Sitio Nganga ka e,” I sounded like an investigator.

Deiry glanced at me while hugging her dog. “I'm visiting a friend because my bestfriend is leaving..” I sense the sadness on her voice. Leaving? Si Dorothy lang naman ang bestfriend niya.. “But it's not sure as of now. Baka magbago ang isip,”

“Ingat ka pauwi, Ry..”

“You too Rossweisse Seth, you too. Apologize is a huge thing. I hope you do your part. Tandaan mong hindi lang ikaw ang may mabigat na problemang dinadala kaya 'wag maging makitid ang utak mo. Lowering your pride won't kill you, though..” And she left.


﹌﹌﹌
#Slap


  AN: Friendship goals. Gremory and Rossweisse 😩.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now