Chapter 5

85 16 4
                                    

CSS 5| Chat

Ilang araw ang nakalipas ng pumayag akong maging photographer kuno ni Ivory, thanks to Xerxes. Though, sana lang hindi niya ichismis na may gusto ako kay Ivory. Mahirap na, madaldal pa naman.

I bit my lower lip as I see her myday, i pressed it to see. Kinilig ako ng imyday n'ya ang pagpayag kong maging photographer niya. Chat ko na okay. With caption na, yehey! Thank you Ross! Dahil sa kilig, tinadtad ko ng heart ang myday niya.

Tanggapin mo ang isang libong porsyentong pagmamahal ko!

I frustratedly scratched my head. "Ano bang icha-chat ko?" Gusto ko siyang ichat kaso nahihiya ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Rossweisse!" Sigaw ko sa sarili. I nervously tap the send button.

Five minutes have passed but there's no reply from her. I let out a heavy breathe, baka busy? Then I took a glance at my phone. Delivered na ang message ko, ibig sabihin nabasa na niya. Baka ayaw akong replayan or she found my chat so creepy. Fuck, ano ba 'yan Rossweisse.

"Anong ginagawa mo?" Napasigaw ako sa sobrang gulat ng biglang lumitaw si Mama sa kung saan. "Huh? Balak mo mag-artista? Para kang tanga, kinakausap mo 'yang sarili mo sa salamin.." Napahawak ako sa aking dibdib ng biglang sumulpot si Mama. "Anong trip mo?"

Awkward akong nangiti sabay nag-iwas ng tingin. "Ah.. Eh.." Pinaningkitan ako ng mata ni Mama, napalunok.

"Ewan ko sayong bata ka, " anito at napailing na lamang. "Model, model ka riyan dami na naman niyang labahan Rossweisse. " Sabay naupo sa kama. "May sasabihin pala ako,"

Sa tingin niyang iyon mukhang alam ko na ang sasabihin niya. At ayaw kong pag-usapan namin iyon. Ayaw na ayaw ko.

Hinubad ko ang polo at inilagay sa may hanger. "Huwag muna ma, pagod ko. "

Bumuntong hininga siya. "Pero Rossweisse, kakausapin ka lang ng papa mo. Hanggang kailan ka magagalit sakanya? Anak, " I pretended fixing something. "Rossweisse naman.." Her voice sounds begging.

I don't want. I hate him. I really hate him. He abandoned us–his family.

"Ma." I said with firmness. "Huwag po muna ngayon. "

Ever since he chose his mistress I tried my best for us not to cross paths. Baka hindi ko matiyancha at may magawa akong hindi dapat. I really don't know why my mom kept their connection together–na kahit na niloko siya nito ng ilang ulit ay hinahayaan niya lang. And fuck it, we don't need that man in our life.

I can help my mother. I will help her.

"Bahala ka Rossweisse. Basta sabihin mo lang anak kung kailan mo gusto." She smiled softly on me, I hugged her tightly and she did the same.

"Sorry ma.." I murmured.

Hinagod nito ang buhok ko, halos magsingtangkad na kami. "Ayos lang, mama's boy ka pa rin hanggang ngayon Rossweisse. Naku ah, 'wag mo dalhin sa pagtanda 'yan baka mag-asawa kana lahat-lahat mama's boy ka pa rin."

Ngumuso ako, "edi kung ayaw ka niya hiwalayan ko nalang." Natawa si mama sa sagot ko.

"Ewan ko sayong bata ka." Sabay kaming natawa pagkuwana'y umalis na ito at iniwan na ako sa kwarto.

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now