Chapter 15

62 15 1
                                    

CSS 15| When Mr. Tang Juice was ghosted


Crying at the waiting shed was too ironic for me, kulang nalang ay umulan para complete package na.

The truth is I can't fucking contain my feelings right now. My mind were full of thoughts I continued to cry my heart out. The sun was starting to rest, dawn is waving.

“T-Tangina..” I whispered, I wiped my tears but then stop when my eyes landed on a certain person who's reading a book and later on looked at me.

Tulad ng unang ko siyang makita sa Sitio Nganga siya iyong tipo ng taong kahit makakita ng naglulumpasay na tao ay hindi niya papansinin. Para siyang bato, dedma lahat para sa kaniya.

Natigil ako sa pag-iyak ng ibalik na nito ang tingin sa libro at nagsimula ng maglakad. Deiry is really something, I smiled bitterly. May atraso pa pala ako sakanya.

“Panget mo palang umiyak.” Natigilan ako nang marinig ang mga salitang 'yon, “huh?” she said.

Naghalo na ata ang sipon, luha at kung ano-ano pa dahil sa ginagawa kong pag-iyak ngayon mas lalong nakaka encourage ang mga sinambit niyang salita upang tumigil ako.

Ang panget ko raw umiyak.

“Oh,” nanlaki ang mata ko ng iabot nito ang isang panyo. “Ibalik mo ah,” anito at umalis na ng pagkatapos nitong ilagay ng sapilitan sa kamay ko.

Nakatulala akong naiwan sa waiting shed, nagsisimula ng dumilim. Ibang klase minsa'y nagtataka na rin ako kung ano ba at sino ba talaga siya. Parang wala siyang pake sa lahat pero halata namang hindi, mahilig siyang magprangka at medyo nakaka off minsan ang ugali pero, totoo nga ang sinabi ni Xerxes.

Nakatago lang, nakatago ang kabaitan.

Pero, tangina ang sakit.

━─━────༺༻────━─━

To: Mama

Ma, hindi ako makakauwi ngayon. Sorry po sa late informing nagkayayaan lang po kina Xerxes. Nasa bahay nila ako ma. Goodnight, I love you ma.

Para akong tangang nakauniform habang nakaupo sa may gatter nila Xerxes. Nahihiya akonv umiwi sa amin, namamaga kasi ang mga mata ko kakaiyak.


Bakit? Babae lang ba ang may karapatang umiyak?

Hindi eh, hindi nakakabakla ang umiyak. Itigil na ang stigma tungkol sa masculinity. Nagdaan na ang napakaraming panahon at kung tingin mo'y hindi maaring gawin ng mga kalalakihan ang mga 'yon, aba'y magiba ka na ng mindset.

Or isarili mo nalang ang mindset mo. Minsan mas magandang manahimik para wala kang naagrabyado o nasasaktan.

“Oo, gago ang hirap kaya. ”

“I told you to stop going to that bar, Ver.” Ramdam ko ang inis sa boses nito. “We entered Emerald Cresent Academy as a Senior High Schoolers in Manila. So, Xenver stop going to that club before I tell this to dad.” Anito.

“Wala naman nga akong ginagawang masama––”

“––After I caught you dancing on the stage? Damn, what's your dream now? To be a male stripper?”

Sitio Series 2: Capturing Scintillating Scenery Where stories live. Discover now